31 Shades

1.1K 30 2
                                    

Andie's POV

Bago mag-alas seis ng umaga, tapos na akong magluto ng agahan. Ginising ko na rin si Juno at inilipat si Hope sa sofa. Pinagdikit ko na lang ito at isang one-seater couch naming para hindi sya mahulog kung sakaling magpalit sya ng puwesto.

Rinig na ang mga pailan-ilang sasakyan na dumadaan. Ilang metro lamang ang layo ng inuupahan naming maliit na apartment mula sa main road. Kahit may kamahalan ang upa kumpara sa mga paupahan sa outskirt ng city proper, dito namin pinili tumira sa sentro. Unang-una, malapit sa pinakamalaking ospital sa Palawan, para kay Hope. Pangalawa, muling bumalik sa pag-aaral si Juno. Na-credit naman ang mga units nya nung first year first sem nya sa St. Margaret, pero huli pa rin sya ng isang taon dahil second sem ng sumunod na taon na uli sya nag-transfer. Fourth year Archi student na sya sa Palawan State University. May natitira pang isang taon sa educational plan ni Juno kaya itinuloy nya ito. Kaya kami na ang magso-shoulder ng fifth year nya.

"Ate, mga nine na ako ng gabi makakauwi. Ako magco-cover sa isang server namin. Palit pabor nung ako ang nag-request last week." humihikab na sabi ni Juno, bago ito naupo sa para mag-agahan. Nagpa-part-time job ito as bartender slash food server sa Tomy's, isang resto-bar sa club strip ng Puerto Prinsesa, para pandagdag sa expenses namin.

"Ok, wala naman kaming mandatory OT sa hotel mamaya," sabi ko. Next week pa naman magsisimula ang peak season.

Sampung buwan pa lang ako bilangreceptionist sa hotel na iyon. Nung ma-regular ako sa trabaho after six months, binigyan nga ako ng fix morning shift at Sat-Sun off. Maliban na lang kung talagang kailangang mag-render ng overtime kapag peak season. Maayos kasi ang performance ko sa trabaho at napapagawa pa nila ako ng ibang tasks na labas sa scope ng job description ko. Gusto nga sana akong ilipat sa management department kaso di daw ako college graduate. Nanghihinayang ang HR namin dahil sayang daw ang skills ko, lalo na nang makita nila ang transcript ko.Dahil dito, may iilang empleyado sa hotel na naiinggit sa akin. Hindi ko na lang pinapansin. Hindi naman sila ang manager at hindi sila ang nagpapasweldo sa akin.

Natuwa ako na weekends ang off ko dahil nagagawa ko pa ring magturo online kapag Biyernes at Sabado gabi. Sabado at Linggo naman ng hapon ay may dalawa akong tinuturuan ng piano.Naghahapit talaga ako sa mapagkakaitaan. Lumalaki kasi ang gastos namin sa maintenance meds at medical expenses ni Hope.

Pagkatapos naming mag-agahan, naligo na si Juno dahil umaga ang pasok nya sa eskwela. Ako naman ay hinanda ang mga gamit ni Hope paglipat sa bahay nina Ate Leleng. Kapit-bahay namin ito. Binabayaran namin para mag-alaga kay Hope. Nililipat namin sa bahay nila kapag papasok kami sa trabaho ni Juno at susunduin kung sinoman ang mauna sa aming umuwi. Sa Maynila nagtatrabaho ang asawa nito at may isa na silang anak na walong taong gulang.

Ako naman ang naligo pagkatapos ni Juno.

"Ate, ihahatid ko na su Hope sa kabila. Didiretso na ako sa school," sabi nito matapos akong katukin sa kwarto. Nagbibihis pa lang ako.

"Sige, andyan yung gamit sya sa sofa," bilin ko.

Tumango ito. Narinig ko na lamang ang pagbukas at pagsara ng front door namin.

Nagsusuklay ako nang may mag-text sa akin. Text blast galing a management.

(To All Employees: Be early. Mr. Schulz arrived late last night. We will have a dinner meeting tonight at 7 pm for some very important announcement. Those on restday, please come at the meeting. You will be paid as restday OT. Attendance is a must!)

Napakamot ako sa noo. Buti na lang at hindi pa ako nakakaalis. Kailangan kong magsabi kay Ate Leleng. Ite-text ko na rin si Juno na late na rin akong makakauwi. Bahala na kung sino ang mauuna sa amin para sunduin si Hope.

Claiming Andromeda #B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon