ARIS' POV
Narito ako ngayon sa parking lot ng isang sikat na bar sa Manila. Halos kalahating oras na akong nakaupo sa loob ng kotse. May mga labas-masok na mga tao doon at may ilang nakatambay sa labas. Ilang minuto na lang matatapos na ang set ng banda ni Andz. Sana di na sya mag-stay ng matagal sa loob. Surprise kasi ang pagsundo ko sa kanya ngayong gabi. Ang alam kasi ni Andz, bukas pa ang uwi ko galing Singapore for a business convention.
It's been months since I graduated from St. Margaret with cum laude honors and a month after , I immediately took my licensure exam. Hanggang fresh pa raw ang pinag-aralan ko, sabi ni Dad. Pero afternoon till evening ako sa review school for that whole month before my exam. Yung morning ko sa kumpanya. Halos di kami magkita ni Andz those times. Well, kahit naman ngayon. Sobra ang workload na pinapasa sa akin ni Dad. Alam kong sinasadya nya iyon para hindi kami laging nagkikita ni Andz. And Andz has to work after school.
Miss na miss ko na ang prinsesa ko. Bihirang-bihira na kami magkita. Kapag weekend, sandali lang kami magkita, pero yung pagsisimba, magkasama pa rin kami with Juno. Ang dami ko nang atraso sa kanya. Naalala ko tuloy nung last birthday nya. Biglang bumigat ang dibdib ko.
"Arlene, paki-cancel yung dinner reservation ko ng eight mamya," lumabas lang ako sandali sa conference room para tawagan ang secretary ko. Nagpa-reserve ako para sa birthday ni Andz, pero thirty minutes na lang, hindi pa rin kami tapos dito sa meeting. Di ko maintindihan kung bakit narito ako, e wala naman akong masyadong partisipasyon. Ang katwiran ni Dad, I should observe how board meetings are held.
Masama ang tingin sa akin ni Dad pagbalik ko sa loob. "Where have you been?" bulong nito.
"Dad, I was just out for less than 3 minutes. I just called my secretary," bagot kong sagot. Ni hindi ko na nga nagawang magkapag-reply kanina sa text ni Andz about her car being sold.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. Si Andz. Tatayo sana uli ako pero hinawakan ako ni Dad sa braso.
"Stay! And turn off that damn phone now!" Mahina pero madiin nyang sabi. Napalingon tuloy sa amin yung mga kalapit namin sa table. Napatiim-bagang na lang ako dahil sa pagkapahiya. In-off ko ang phone ko at muling itinuon ang tingin sa nagpe-present sa harap. Sa totoo lang, wala naman ako halos naiintidihan. Lumilipad ang utak ko kay Andz.
Five past ten na ng gabi natapos yung meeting. Masakit na ang ulo ko. Nagmamadali akong tumayo at lumabas. Narinig ko pang tinawag ako ni Dad pero di ko na pinansin. Kailangan ko pang idaan sa opisina ko ang ilang documents na hawak ko para mai-file agad ni Arlene bukas ng umaga. Wala akong planong pumasok bukas, I want to spend the day with Andz. Babawi ako sa kanya.
Paglabas sa building namin, I drove to the nearest hotel with flower shop. Bukas kasi ito 24/7 para sa mga hotel guests na gustong bumili ng bulaklak. I ordered a bouquet of stargazer liliies with blue iris in a vase for Andz. Sinamahan ko iyon ng isang panda bear ng may hawak na 'Happy Birthday, Princess!' sign. Minsan kasi tinukso ko sya na mukha na syang panda dahil sa kakulangan sa tulog.
Nasa kotse na ako nung naisip ko syang tawagan pero nasa loob nga pala ng briefcase ang phone ko sa backseat. Hindi na bale, papunta na naman ako sa ospital.
I checked the time, it's already eleven in the evening! I drove as fast as I could. I don't want to miss Andz' s birthday! Buti na lang at walang traffic. I got to the hospital in less than twenty minutes. I hurried to the ICU bitibit ang bulaklak at yung panda bear. But I was surprised na wala si Andz doon. Baka nasa canteen. Sumilip ako kay Tita Mina. My heart skipped a beat when there's no one on her bed.
"Nurse, nasaan na po yung patient sa ICU? Si Felomina dela Cruz?" tanong ko sa malapit na nurse station.
"Ah, sir, nasa morgue po. Kanina pang before eight dinala doon," walang emosyon na sagot nung nurse. Ni hindi nga ako halos tiningnan sa dami siguro nung mga chart ng pasyente na inaasikaso nya.
BINABASA MO ANG
Claiming Andromeda #B1
General Fiction***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince' who seems to take his time, or stay beside your 'knight' who never left you?