Reid's POV
Hindi ko mapigil ang mga ngiti ko. I feel that I already look stupid but hell! I don't care. It happened, it really happened. She finally said the words I've been longing to hear from her.
Plus, she sang a very meaningful song for me. I remember the first time I saw her . That was the time I didn't know her yet, but I felt envy for the douche bag when she sang a song for him.
The insecurities that used to eat me up are all gone. Hindi ko rin mabitiwan ang mga kamay ni Drew. Naroong haplusin ko iyon, then give it a soft massage. Gusto kong makasigurado na hindi ako nananaginip.
"Hey, ubos na libag ko kakakuskos mo sa kamay ko," bulong nito sa akin ng nakangiti.
"I love you, Mine!" nasabi ko na lang.
"I love you too, very much!" bulong nya pabalik.
Ayun na naman. Shit! Namula yata ako sa tuwa at kilig.
Naramdaman ko ang pagtawa nito, "Kinikilig ka ba ng lagay na yan, Mr.Schulz?" biro nito.
Hindi ako makapagsalita sa tuwa. Hinalikan ko na lang ang kamay niya na hawak ko.
Pinagpatuloy namin ang panonood sa pagtugtog ng banda nina Nala. Sa totoo lang, hindi sila agad naniwala na kilala ko at alam ko kung nasaan si Drew. Kinailangan ko pa ang tulong ni Juno para patunayan sa kanila na totoo ang sinasabi ko. Nagkaroon pa ng problema dahil may naka-book na silang gig today. I had to talk to their supposedly client today and pay double plus the penalty para makuha ang serbisyo ng mga ito ngayon.
Ilang beses akong tumingin sa wristwatch ko. Finally natapos na ang second set ng banda.
"Mr. Schulz, we would like to have you on the stage para sa ating raffle," tawag sa akin emcee.
"Akyat muna ako," paalam ko kay Drew then gave her a quick kiss.
Nagsimula ang raffle sa maliit na premyo. Pinaghiwalay ang para sa community at sa mga empleyado. Nakakatuwa lang dahil madami talagang mga kumpanyang kusang nag-sponsor sa event namin. Mula sa pagkain, personal services, travel gifts at gadgets. Ang mga mayayamang guests ay hindi nagdalawang-isip na mag-participate. Some even brought gifts as donations. Lumaki talaga ang sales namin both sa hotel at bar reservations for the holidays.
Even media contacted us to cover our event for the business section. We only chose specific branches ng SchulzAS na pwede nilang i-cover para hindi masyadong pansinin kung hindi kami magpapa-cover sa Casa Alicia.
Nagkatotoo lahat ng sinabi ni Drew during her presentation.
Habang nagmamahal ang mga raffle gifts, lalong nagiging excited ang mga empleyado at miyembro ng community.
"And for our last item to raffle," sabi ng host, "It will not be disclosed until the winner is called."
Nag-drumroll pa si Milo habang dumudukot sa raffle drum ang host.
"Andromeda dela Cruz!" Hiyawan ang mga tao.
Nakita ko na nagulat ito. Kinakantyawan pa ito nina Myra at Vina habang papalapit sa stage.
"Kapatid daw ni Hope ang grand prize, beh!" malakas na sabi ni Myra. "Yun lang ang naiisip kong mas mamahal na premyo sa trip to Thailand kanina!"
"Andie, jackpot ka dun!" si Vina.
Tawanan ang mga empleyadong nakarinig. Inambaan sila ng kamao ni Drew. Ang cute lang. Haha!
Habang papaakyat si Drew, inabot na sa akin ni Carl ang una kong ibibigay dito. Nagsigawan ang mga tao at halata ang pagkagulat sa mukha ni Drew ng ibigay ko sa kanya ang bouquet ng jade vine.
BINABASA MO ANG
Claiming Andromeda #B1
Fiction générale***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince' who seems to take his time, or stay beside your 'knight' who never left you?