17 O

1K 33 0
                                    

PANGALAWANG araw na naming dito sa beach. Sa Bohol kami natuloy dahil ilang beses na nakapunta ang karamihan sa amin sa Boracay at masyadong crowded doon, lalo na ngayong summer. Dismayado man, pumayag na rin si Andz. Tahimik lang sya sa biyahe pauwi last Friday pagkatapos pag-usapan ang lakad naming ito. Gustung-gusto nya pumunta sa Bora dahil di pa sya nakakarating doon. Pinangako ko sa kanyang pupunta kami doon sa susunod, kahit kasama sina Tita Mina at Juno. Seeing her smile after that just brought happiness in me.

Sa unang araw naming dito, nagpunta muna kami sa Loboc Tarsier Conservation Area. Medyo disappointed kami dahil di kami pwedeng kumuhang pictures kasama ang tarsiers. Madali daw kasi ma-stress ang mga ito.Nagtyaga na lang kami sa pagkuha gamitang SLR na dala namin. Sumunod ay sa Loboc River Cruise. Doon na rin kami nagtanghalian since there was an "All you can eat" system sa nasabing resto-boat. Hindi ko matatawaran ang saya sa mukha ni Andz lalo na nung makarating kami sa isang magandang waterfalls na dulo ng ruta.

"Ang ganda!" manghang sabi ni Andz.

"Mas maganda sa view ko," sabi ko. Napalingon sa akin sina Andz. Namula sya dahil sa kanya ako nakatingin, pero as usual, nakatikim ako ng kurot sa ilalim ng braso. Paborito nya kaya yun.

"Kaumay ka, Aris.Ang baduy mo!" kantyaw ni Jeff.

"Inggit ka lang!Palibha sa wala kang partner," sagot ko. Tumawa lang ito. Alam kong meron itong natitipuhan pero masyadong malihim.

Ang huli naming pinuntahan ay ang Loboc Eco-Tourism Adventure Park. Nabasag yata eardrums naming mga lalaki sa tili ng mga babae lalo na yung 'girlfriend' ni Mike nung sumakay kami sa zipline.

"Ang arte!" narinig kong bulong ni Rika. Hindi ko alam kung aware si Mike na may gusto sa kanya itong si Rika. Di nya kasi pinopormahan.Si Mike pa, pagpaldahin mo ang poste, papatula! O baka out of courtesy na lang kay Andz. Mataas kasi ang respeto ng mga kabanda ko sa girlfriend ko.

"Hoy, may makarinig sa 'yo!" saway ni Sarah.

"Di tayo maririnig nyan.Di mo ba nadidinig paano tumili? Parang si Godzilla!" asar nadugtong pa nito.

Nauna kasi sina Mike at yung girlfriend 'kuno'nyanasi Laila namag-zipline. Malamang malayo na. Di talaga maririnig si Rika.

Nung turn na naming ni Andz, ang higpit ng hawak nya sa kamay ko. Naasar pa nga si Andz sa akin dahil nanakawan ko syang picture nananlalaki ang mata. Burahin ko daw. Ayoko nga! Ang cute nya kaya dun. Kahit pagod sa biyahe, pagdating naming sa resort, walang kamatayang pagsu-swimming ang ginawa namin. Kaya wala pang alas-nueve ng gabi, bagsak kaming lahat sa pagtulog.

Kanina, naubos ang umaga namin sa pagpunta at pamamasyal sa Chocolate Hills. Dito na kami sa isang resto ng resort kumain. Nagpahinga lang kami at hinintay bumabang bahagya ang init ng araw bago lumusong sa dagat.

Narito lang ako sa balkonahe ng cottage namin at umiinom ng Gatorade. Meron itong apat na kwarto. Magkasama kami ni Andz sa isa; si Mike at si Laila; dahil di nakasama ang gf ni Erol, sila ni Jeff ang magkasama sa isang kwarto; at sina Sarah, Rika at Sam sa huli.

Di pa lumalabas si Mike at kasama nya sa kwarto nila. Si Sarah, Sam, Jeff at Erol ay nagsu-swimming na.

Tinanaw ko sina Andz at Rika na gumagawang sand castle. Natatawa ako kasi parang isang umbok lang ito ng buhangin na kanina pa nila hirap na hirap lagyan ng towers at walls. Kumunot ang noo ko nung may nakita akong dalawang lalaki na naglalakad papunta sa direksyon nila at may dalang mga cups at trowels. I hope these two guys will just make their own sand art piece nearby . . . pero tama nga hinala ko. They went directly to Andz and Rika.They were starting a conversation with the girls and it appears that the girls were just being polite to talk to them. Though hindi naman revealing sa suot na tankini at shortkini si Andz, si Rika kasi ay naka two-piece gaya ni Sarah, bumaba na ako mula sa cottage. Bago pa ako makalapit, medyo nagkaroon ng komosyon. I saw Rika pushed one of the guys because he was too close for comfort but didn't even budge. Lalo pa ngang nilapit yung katawan kay Rika. Nakita kong nagpalinga-linga na si Andz na naaalarma na. Pagtingin ko uli kay Rika nakahiga yung lumapit sa kanya dahil sinuntok ni Jeff. Tumakbo na ako sa kanila. Nakaahon na rin sina Erol, Sarah at Sam.

Claiming Andromeda #B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon