46 Reception

1.2K 30 0
                                    

Pagkagaling sa airport, sumaglit ako sa main office to pick up some documents kay Wina at mga importanteng tawag for today. Maaga ang flight ko pabalik ng Palawan bukas.

"Sir, mukhang hiyang na hiyang ka sa Palawan ah," biro nito.

Ngumiti lang ako. Alam ko na may pailalim na panunukso doon. I know Wina is aware that there is something special about me and Drew. I do not need to explain anything to her, anyway.

"Mga glowing na ngiti, tsk,tsk!" tuloy na pang-aasar nito.

"Ikaw, Wina, gusto mong maghanap ng ibang trabaho?"

"Ay, Boss! Hindi mo ko papalitan. Hindi mo kaya!" mayabang na sabi nito.

Napapailing na lang ako papalabas ng opisina ko. "Parang gusto kong bawiin yung pasalubong ko sa iyo ah."

"Male-late ka na, Boss. Dadaan ka pa sa condo mo para magbihis," bigla akong itinaboy. "Nasa baba na si Mang Badong." Ito ang driver na in-assign ni Wina para sa akin hanggang makabalik ako ng Palawan bukas.

"Alright, I'm out of here," lumabas na ako sa office ko at bumaba sa parking. I instructed the driver to go my condo which is just a few blocks away from the main office. I used to stay sa isang bahay namin sa Antipolo but when I took the full responsibility sa businesses ni Mommy, I opted to get a condo nearby to save time. Once or twice a month na lang ako nakakauwi sa Antipolo. Minsan nga hindi pa.

I was thinking of letting Drew, Juno and Hope stay in Antipolo kapag naririto na sila sa Maynila. At least malayo sa Sucat, sa mga tao o kung anumang iniiwasan nila. Magandang lugar para sa bata dahil fresh naman ang hangin. Marami na ring schools doon at public facilities doon. Napapangiti ako sa mga naiisip ko. Sana pumayag si Drew. Malaki yung bahay doon. Kasyang-kasya kami. Kasama talaga ako? Haha!

Tsk! Kasi naman. Bakit pa sya nagdadalawang-isip sa akin? Mabait naman ako, macho, pogi, mayaman... natatawa ako sa tinatakbo ng isip ko. Ang yabang ko rin!

I took a quick shower and changed into a formal suit. Palabas na ako ng unit ko when I received a text message from Ralph.

(Pare, see you sa inauguration ng Monkho. Tuloy tayo ni Rob afterwards. Sagot mo raw! Haha!)

Ang mga gago, basta inuman, ang bibilis!

Sa Makati ang paggaganapan ng inauguration. Coming from Ortigas, naipit na kami sa biyahe. Nag-text ako kay Drew.

(Mine, wag ka na mag-stay ng matagal sa office. Andyan na naman ako agad bukas. Kiss Hope for me. Love u)

Na-excite ako nung makatanggap agad ako ng reply galing kay Drew:

(Ok)

Yun na yun? Bumagsak ang puso ko. Di ako nakatiis.

"Half, kaka-reply ko lang sa text mo," yun agad ang bungad nya pagsagot nya sa tawag ko.

"Two letters. You call that a reply," I said flatly.

"I'm driving, what do you expect? You dummy!" Sabi nya. "I'll call you when I get home."

"No, it's fine. Narinig ko na naman boses mo. I'm good!" Sabi ko.

Tumawa ito ng mahina, "Corny mo!"

"Nagmamahal lang," nanahimik ito. "Sige na. Drive safely. Love you!"

"Yeah, me too!" Di pa nya talaga sinasabi sa akin ang mga salitang iyon, pero ok lang. She meant the same. Hindi pa lang siguro sya sanay at malamang nahihiya. Pero, sana kahit pabulong lang... sabihin nya sa akin.

Fuck, I feel so gay! Parang ako yung babae na nagde-demand ng mga ganoong bagay! Haha!

Tumingin ako sa labas. Mabagal pa rin ang usad ng trapiko. Saglit kong ipinikit ang mga mata ko.

Claiming Andromeda #B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon