NANGINGINIG ako pagbaba namin sa kotse. Umaamot lang kami ng lakas ni Juno sa isa't-sa.
"Ms. Dela Cruz, sunod po kayo sa akin," sabi nung sundalong kasama namin kanina nina Lt. Posadas.
Napansin ko ang ilang nagmamadaling sundalo na paroo't-parito sa mga hallway na nadadaanan namin.
"Dito po tayo," giniya kami sa isang may kalakihang kwarto na may malaking parihabang mahogany table sa gitna. Mukha itong conference room.
May mga tao na roon. May mga nakaupo paikot sa malaking mesa, yung iba nakatayo at ilang pinili sa couch maupo. Karamihan ay mga may edad na babae at ilang kabataang katulad namin. Meron pa ngang isang buntis. But there is something common among us.
LUHA. Yung iba, tumutulong luha, may nangingilid, may pinipigil at may ibang tuyo na nagdulot na lamang ng pagkatulala. Pero luha pa rin.
Nakita ko si Mama, kasama si Nida, sa may isang panig ng conference room. Nakaupo sya sa isang single couch habang nakaupo sa arm rest nito si Nida na hinahaplos sya sa likod dahil sa tahimik nitong pag-iyak. Kinakabahan ako para kay Mama. Kasi medyo namumula ang leeg nya at balikat.
"Ma," tawag na namin sa kanya ni Juno sabay takbo sa kanya. Nagyakap kaming mag-iina.
"Ano pong sabi?" tanong ko.
"Wala pa anak. Mag-iisang oras na kami dito, pero kailangan daw hintayin ang lahat. Hindi ko alam kung ilan pa ang hinihintay," napalingon kami sa pinto dahil may pumasok uli na dalawang babae. Tingin ko mag-ina.
Naghintay pa kami ng ilang minuto. Sa wakas may pumasok lampas sa sampung sundalo at isang tila high ranking official base sa uniform nyang suot. Naupo ang nasabing opisyal sa puno ng conference table at ang mga sundalo ay tumayo palibot sa kwarto.
Tumikhim muna ito bago nagsalita, "Hindi ko po alam kung nararapat lamang na bumati ako ng magandang hapon," seryoso nitong sabi. May mga nag-iyakan kaagad sa mga naroroon. Nilapitan ang mga ito ng pinakamalapit na sundalo sa kanila.
Naramdaman ko ang mahigpit na kapit ni Mama sa palad ko at ang paghigpit ng yakap ni Juno sa amin.
"....darating po ang mga labi nila ngayon sa dito Villamor...." Wala na akong masyadong naintindihan dahil nag-iyakan na kami. Yung sakit sa dibdib, yung pagka-miss namin kay Papa. Kahit inaasahan na namin ang pagdating ng araw na ito dahil kasama ito sa trabaho ni Papa. Kahit itinanim na sa isip ni Papa ang tungkol sa bagay na ito.... masakit pa rin. Masakit dahil napakabuti nyang ama sa amin. Kahit malayo sya, pinaramdam nya sa amin kung paano mahalin ng isang ama.
"Punta na po tayo sa may left wing hangar. Sunod po kayo kay Sgt. Reyes," sabi nung opisyal na isa pa lang general.
May mga pangalan na tinawag at isa si Mama sa mga ito, " Maiwan po muna kayo sandali," ang sabi.
Nagkaroon ako ng bahagyang pag-asa. Baka kritikal lang si Papa.
Huminga ito ng malalim bago nagsalita, "Madam," isa-isa nyang tiningan ang mga natira sa kwartong iyon. Tapos may inabot sya sa amin na mga brown envelops.
Binuksan ni Mama ang para sa amin. Unang kong nakita na nadukot ni Mama at ang dog tag ni Papa... mabilis nyang itinaktak ang laman niyon. Naroon ang wedding ring nila pero sunog ito, yung wallet ni Papa pero punit-punit ito at medyo nasunog rin. May mga ilang pirasong tinuping papel na parang mga sulat at wallet size pictures naming mag-iina pero blurred dahil sa ...dugo?
"Ano ito? Bakit ...?" nanginginig na sabi ni Mama.
"Malubha po ang pag-atake na nangyari sa grupo nila. May ilang sundalo po na iilang bahagi lamang ng labi nila ang nabawi namin...."
BINABASA MO ANG
Claiming Andromeda #B1
General Fiction***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince' who seems to take his time, or stay beside your 'knight' who never left you?