49 Open Up

1.2K 38 0
                                    

Nagmamadali akong naghilamos at nag-toothbrush. Nagpalit lang ako ng ng maong at isang plain white shirt, grabbed my jacket and helmet, then hit the rode on my bigbike.

I knew the visitors are inside the house, dahil may isang kotse doon sa labas pero walang tao. Nagmamadali akong nag-park sa likod ng kotse ni Drew at pumasok sa bahay nila.

Nakaupo si Domingo Cena at ang abogado nya sa couch, at si Drew sa single seater. Nakatayo naman si Juno sa gilid ng ate nya, karga si Hope.

Nakapag-usap na sila, sigurado ako. Base sa mga ekspresyon ng mga mukha nila.

"What are you doing here?" malakas na sabi ko sa dalawang lalaki.

"Ah, Mr.Schulz," tumayo ang abogado at inabot ang kamay. Hindi ko ito pinansin.

"Ano ito, Drew?" baling ko sa kanya.

"I'm not pressing any charges, Reid," malumanay niyang sabi.

"What the fuck are you talking about?!"

"Reid!" saway ni Drew. Tapos napatingin kay Hope na nag-aalala.

"Daddy, are you mad?" si Hope. Her eyes were wide and scared. Parang binuhusan ng tubig ang galit ko. Shit! Naririto nga pala si Hope.

Nilapitan ko ito at kinarga, "No, baby. Daddy was just ah... surprised and ah... hungry. Di pa ako nagbi-breakfast." Tsk! Parang tanga lang ako sa pinagsasabi ko. Hinalikan ko ito sa ulo.

"Mr. Schulz," sabi uli nung abogado. I glared at him. He shut his mouth. Good!

"Jun, pwede mo bang ipakisuyo muna si Hope kina Ate Leleng? Para makapasok ka na rin sa school," si Drew.

Tumango ito at lumipat sa kabilang bahay pagkatapos kunin sa akin si Hope.

"Babalik agad ako,kuya. Huwag ka muna umalis," simpleng bulong nito sa akin.

Yun naman talaga ang gagawin ko.

Tumikhim ang abogado ng mga Cena pagkatapos. "So, Ms. Dela Cruz, tulad ng napag-usapan natin, hindi ka na magde-demanda laban sa kliyente ko..."

"Ano ito, Drew? Ganun na lang iyon? Matapos kang bastusin ng gagong yun..."

"Reid, I have my reasons, please..."

"I don't understand, Drew...I can't understand!" I said very frustrated.

Bumaling si Drew sa abogado, "I want everything in black and white. I will not press any charges and you against Mr.Schulz. Just...just don't let him go near me or any of my family, not even talk to us in any way, phonecall, email, letter, ayoko. And I don't want any of this going out public. I'm a very private person. I believe, with your social status, ayaw nyo rin po ng ganoon."

"Salamat, iha," sabi ni Domingo Cena. "Art...he wanted to ...ask for your forgiveness..."

"No! He is not allowed to get near her!" I interjected.

Tumayo na si Drew at hinawakan ako sa braso, "Reid, please, calm down."

"How can I fucking calm down, Drew? Hindi ko matanggap na ... you're withdrawing the complaint! My God, with all the evidence, he will definitely go to jail!"

"And then what, Reid? Magagalit ang pamilya nila, maggagantihan, eskandalo... magugulo pati ikaw. It will become a vicious cycle of anger and revenge...."

I looked at the two visitors, "You should go. We don't need you here anymore!"

"Mag-uusap lang po kami. I have your business card. I will contact you as soon as we talk, " sabi ni Drew sa mga ito.

Claiming Andromeda #B1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon