I stood up karga si Hope. Humarap kami kay Drew whose eyes are so wide with one hand on her mouth. She was holding back her tears. I walked towards her.
"Mine," Yes, I'm claiming her. Mine. Akin. She looked up to me with questions in her eyes. I did not ask her if she wants to make this relationship official because I am not giving her any option.
I walked towards her and hugged her with my free hand while carrying Hope on the other. She hugged back and silently cried on my chest.
"Hey, sshhh..." I tried to hush her.
"Ano'ng pinagsasabi mong half-breed ka?" She said in between sobs and it sounded like a mumble dahil nakasubsob pa rin sya sa dibdib ko. Naramdaman ko pa ang mahina nyang kurot sa tagiliran ko.
"You heard it, so that's it." I simply said.
"Ni hindi mo ko tinatanong," himutok nito.
"I'm not taking no for an answer so why should I bother ask? Ayaw mo yata eh," nilayo ko ng kaunti ang mukha nya sa akin. "Teka, di nga pala ako magtatanong, basta yun na yun!"
"Mommy, you sad?" Si Hope.
"No, baby. Happy lang si mommy kasi daddy kissed her... Ouch!" This time masakit na yung kurot nya sa tagiliran ko. "Mine, baka mabitiwan ko ang bata!"
"Para ka kasing sira," sabi nito habang pinapahid ang luha at sipon gamit ang .... Sleeves ng polo ko! Ayos!
"Nasaan naman ang hustisya sa ginagawa mo, Drew?" Pinunas nya pa talaga sa polo ko ang kamay niyang nabasa ng luha nya.
"Kasalanan mo," sagot nito.
Natawa ako tapos hinalikan sya sa tuktok ng ulo.
"Aw, shit!Yung grocery, naiwan sa pinto. May ice cream doon!" Naalala ko bigla.
"Bibig mo, Reid! Karga mo pa si Hope!"Gigil saway nito sa akin.
Napahawak ako sa bibig ko. "Sorry!"
Bumitaw ako kay Drew para kunin ang mga naiwan kong pinamili sa pinto. Kapit na kapit sa leeg ko si Hope dahil kailangan kong yumuko ng husto para makuha ang mga grocery.
"Daddy, very tall ka," humagikhik na sabi nung halos mapahiga sya pagyuko ko.
"You should eat a lot so you'll be tall like daddy, ok?" Sabi ko habang papasok kami sa sala to the kitchen.
Inilapag ko ang bag ng grocery sa dining table. Yung paper bag ng Play Doh, binigay ko kay Hope.
"Sweetie, this is for you," namilog ang mata nito. "Common, open it!"
Kinuha niya iyon at bumaba sa mga bisig ko. Walang pakialam na naupo sa kitchen floor para buksan ang laruan nya.
"Wow! Mommy, look! The same nung dati pero hindi!" Tumatalon pang sabi nito.
Natawa ako kasi parang ang gulo ng sinabi nya pero I know what she meant. At masaya ako na nagustuhan nya pala yung bigay ko dati at ngayon.
"Baby, don't jump. Don't get too excited," bakas ang pag-aalala sa mukha ni Drew.
Nagtaka ako. Para yun lang, bawal agad?
Ngumuso si Hope. Yumuko ako at kinarga uli ito.
"Come, let's play in the living room," tumango ito at ngumiti ng malapad sa akin. "Mine, can you cook pochero? Andyan yung ingredients sa grocery. Tsaka yung ice cream, baka matunaw na. "
"Alright," sagot nito kaya tumalikod na ako karga si Hope. "Reid?"
Lumingon ako. Her face looks happy yet worried and uncertain.
BINABASA MO ANG
Claiming Andromeda #B1
Ficción General***LOSE THE TRUST... LOSE THE HEART!*** Kung ikaw si Andromeda, will you still wait for your 'prince' who seems to take his time, or stay beside your 'knight' who never left you?