~Naniniwala ako na ang lahat ng bagay sa paligid ay pwedeng mawala ng isang iglap lang, yung tipong hindi mo inaasahan. Minsan kung sino at ano pa yung pinakamahalaga sa buhay mo , sila pa yung naglalaho nang walang pasabi. Lahat ng ipinapanganak ay nakatada ring mamatay. Lahat ng hinahawakan, maaari ring dumulas sa ating kamay. Lahat ng pinapahalagan ay pwede ring lumayo.Gaya ng paglubog ng araw sa takip silim at paglaho ng mga bituwin sa bukang liwayway.
Sa huli, sarili mo lang ang matitirang meron ka. Kaya dapat lang na matuto kang lumaban sa buhay,walang nagsabing madali,pero kailangan. Huwag mong iasa sa ibang tao ang iyong pagkabuo nang hindi ka rin mahirapan sa paghanap ng dahilan ng iyong pagkawasak.~
Gustung-gusto ni Mia na naririnig ang katahimikan sa loob ng library. Para siyang dinadala nito sa isang lugar na siya lamang ang nakakaalam, kung saan nakakatakas siya sa katotohanan ng buhay. Habang nakapikit kanyang mga mata ay malinaw niyang naririrnig ang tinig ng isang lalaki, "Alam mo ba kung bakit maswerte ang mga pagong kahit ang bagal-bagal nilang kumilos? Kase, kahit saan sila magpunta,kahit anong lakas ng hampas ng alon sa dagat, at kahit anong pagdaanan nila sa buhay hindi nila kailangang matakot dahil lagi nilang kasama ang bahay nila para sila ay protektahan. Parang ikaw, sa puso mo kahit kailan hindi sila mawawala. Yung pagmamahal nila sa'yo ang magsisilbi mong tahanan." Ito ang mga katagang nagpapagaan ng kalooban ni Mia. Isang ala-ala ng isang tao na nakilala niya sa pinakamalungkot na parte ng kanyang buhay.
"Tama nga ako. Dito kita makikita." Boses na tumawag sa atensyon ni Mia.
Pagmulat ng kanyang mga mata ay si Patrick ang umungad sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"Tumayo si Mia upang ibalik ang librong binasa niya kanina at hindi na binalikan ng lingon ang binata.
Bagamat tila hindi siya nais makausap ni Mia ay sinundan niya parin ito palabas ng library."Mia, bakit mo ba ako laging iniiwasan?"
Tumingin si Mia kay Patrick na walang ibinibigay na kahit anong emosyon.
"Kunin mo 'to." saad ni Patrick sabay kuha sa kamay ng dalaga at inilagay niya rito ang isang kumpol ng pera. "Kinita ko yan sa pinasukan kong trabaho nitong semestral break. Nalaman ko kaseng di ka nakasama sa scholarship list, kaya naisip kong gumawa ng paraan para makatulong." Bakas na malinis ang intensyon ng binata at handa siyang gawin ang lahat para kay sa dalaga.
Ngunit sa halip na matuwa ay halos matuyuan ng bibig si Mia sa inis na bumubugso sa puso niya."Sa tingin mo ba na kailangan ko ng tulong mo?" mariing sabi ni Mia. Sa bawat salita nito ay malalaman mong pinagtibay na siya ng panahon at pinatigas narin ang puso nito. "Sobra na ba akong nakakaawa sa mga mata mo para limusan ako?" tanong niya kay Patrick.
"Hindi. Alam ko rin na kahit nahihirapan kana, hindi ka parin hihingi ng saklolo. Matapang kang babae kaya nga siguro hindi mo ako tinanggap sa buhay mo, kase di mo kailangan ng mahinang tulad ko , diba? Pero sana na naman hayaan mo akong tulungan ka sa paraang alam ko." Ani Patrick.
"Mabuhay ka para sa sarili mo at wag mo nalang akong isipin. Salamat sa tulong, pero kaya ko 'to." Pagtanggi ni Mia sa tulong na inalok ng dating kaibigan.
'Hindi ko iaasa ang buhay ko sa iba', ito ang laging sinasabi ni Mia sa kanyang sarili.Ibinalik niya ang pera at humakbang palayo sa taong walang ginawa kung di ang isipin siya.
"Kahit na ipagtabuyan mo ako ng ilang beses, hinding-hindi parin ako mawawala sa tabi mo!" Sigaw ni Patrick.
Nangingillid ang mga luha sa mata ni Mia habang lumalakad. Isa sa mga natutunan niya sa buhay ay hindi sa lahat ng sitwasyon ay kailangan mong ipakita ang totoong nararamdaman mo sa iba.
YOU ARE READING
You Were There
Teen FictionRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!