Chapter XIX : May Pa-abs!!!

8 2 0
                                    


~May mga bagay na hindi madaling ipaliwanag kahit aklat ay di kayang ibigay ang wastong kasagutan. Mga tanong na sa puso lamang matutuklasan at ang tao laman nito ang siyang tanging susi upang iyong malaman.~



Ninanamnam ni Mia ang sariwang hangin habang naglalakad pauwi sa bahay.Nang makarating siya rito ay nakita niya ang isang batang lalaki na halos kasing edad ni Sofia na nakatayo sa harapan ng bahay ni Rico. Malapit na siya nang mapansin niyang isa pala ito sa mga estudyante ni Salazar.

"Jose?" bulong ni Mia sa sarili. Nang makumpirma ay bigla siyang nagtago sa likod ng mga halaman nang di makita ng estudyante."Haist! Paano siya napunta dito?"


Ilang beses niya itong sinilip pero hindi parin ito umaalis sa kanyang kinatatayuan."Anong gagawin ko?" tanong ni Mia. Sa kaba na baka mahuli siya ay minabuti nalang niyang tumayo upang umalis sa lugar na yun. 

Pero, biglang dumating ang sasakyan ni Rico kaya muli siyang nagtago sa mga halaman.

Nakita niyang bumaba si Rico mag-isa ng sasakyan. Binati nito si Jose at sabay na pumasok ng bahay.

Di nagtagal ay lumabas din ang dalawa at dala-dala na ni Jose ang bike na ginawa ni Rico para kay tatang isko at isang malaking paper bag. Nagpaalam si Jose sa guro at sumakay bisekleta. Nang palapit nang dumaan si Jose sa pinatataguan ni Mia ay dali-daling nagtago ang dalaga. Isiniksik niya ang kanyang mukha sa may pader upang di siya mapansin.

Halos ayaw lumingon nito sa takot na makita siya ng bata at malaman ang totoo.

"Tumayo kana dyan at baka makagat ka pa ng langgam."

Umiling lang si Mia sa boses na narinig niya.

"Sige na."

Mia shook her head again.

"Wala na si Jose kaya di mo na kailangang magtago dyan." Natatawang sinabi ni Rico.

Dahan-dahang humarap si Mia sa guro, "Sigurado po kayo?"

"Pumasok na tayo."

"Hay, buti naman. Akala ko mahuhuli na ako." Sabay pagpag nito sa kanyang damit.

***

"Yung bike?Bakit?" tanong ni Mia pagkapasok palang ng bahay.

"Anak siya ni Tatang Isko. Hindi daw maganda ang pakiramdam ni Tatang kaya siya na yung kumuha ng bike."- Rico.

"Ni tatang Isko? Pero, alam na ba niya yung tungkol dito? Sa akin?"

"Hindi. Wag kang mag-alala kasi pinakiusapan ko na si Tatang na wag magkwento tungkol sa'yo sa iba."

Napabuntong hininga ang dalaga.

Pagtingin ni Mia sa guro ay nakita niyang nakasulyap ito sa kanyang mga paa.

"Isinuot ko na kase tuluyan na akong iniwan nung sapatos ko. Salama  dito" Ani Mia habang nahihiya sa regalong natanggap .

"Good thing at sakto yung napili ko. Bagay sa paa mo."

"Hmm. Talaga?" sabay tingin niya sa kanya suot na sapatos. "Mukha nga. Buti nalang at magaling kang pumili. Wag kang mag-alala , makakabayad din ako sa lahat ng tulong mo."

"Naniningil ba ako? Hindi naman,diba?" sagot ni Rico.

"Basta."

"Papasok na ako sa kwarto."

"Ok."

"Sandali, kumain ka na ba?"

"Hm, oo." Sabi ni Mia. Biglang pumasok sa isip niya ang nakita nila ni Sofia sa restaurant kanina, "Ikaw? Hindi ka ba ano? Mukhang hindi naman." Magulong tanong ng Dalaga.

"Ha?"

"Wala po. Sige po, magpahinga na po kayo." Sagot nito habang pinagmamasadan kung ayos lang ba talaga ang guro.

"Maglinis kana rin ng sarili mo baka mangati ka. Good night."

Tumango lang si Mia at pumasok na sa kwarto si Rico.

***

Matapos makaligo ni Mia ay nilapitan niya si Honey. "Ikaw, kumain ka na ba?" nakita niyang tulog na ang pagong. "Pagod na pagod ka siguro sa kakaikot dito kaya yan tuloy bagsak ka narin tulad ng amo mo."

Tumingin si Mia sa pintuan ni Rico. "Shhh... Napaka-cool niya masyado para magmukhang lasing." Ani niya sa sarili.

Lumakad siya papuntang kusina,nagtimpla ng kape at naghanap rin siya ng pain reliever sa medical kit.

Tok! Tok! Tok!

Tok! Tok! Tok!

"Mr. Salazar, gising pa ho ba kayo?" tawag ni Mia.

Binuksan ni Salazar ang pinto. Paglabas ng guro ay natulala si Mia nang makita niyang nakapajama lamang ito at walang suot na pantaas. 

Halos di makagalaw ang dalaga sa nakita niya.

"Pasensya kana kase kailangan ko lang i-print yung lesson plan ko kaya di ko agad nabuksan yung pinto. May kailangan ka ba?"

Napalunok ng laway ang dalaga sa hiya.

"Mia."

"Ito po." Abot niya sa isang tasa ng kape. Kinuha ni Rico ang kape nang walang idea kung para saan ito. "Sandali lang po." Ani Mia sabay punta sa kusina.

Nang bumalik ay may dala itong isang basong tubig. "Ito po." Abot niya sa kabilang kamay ng guro. "Sige po." Sabay lakad papasok ng kwarto.


"Kape at tubig?" pagtataka ni Salazar.

Pagpasok ni Mia sa kanyang kwarto ay nakahinga siya ng maluwag. Nang tatapikin na niya ang kanyang pisngi para matauhan sa nakitang kagwapuhan ng guro ay nakita niyang nasa kanyang kamay pa pala ang pain reliever na kinuha niya para sa guro.

"Haistt naman e." pagmamaktol nito. "Mia!! Ano bang nangyari sa'yo.?Iaabot na nga lang ,Hindi mo pa nagawa ng tama."Napakamot ng ulo ang dalaga. 

Huminga siya ng malalim upang kumuha ng lakas ng loob para ibigay ang gamot kay Rico.

Pagbukas niya ng pinto ay nakita niyang nakatayo ang guro sa harapan ng pintuan.

"Itatanong ko lang sana kung para saan 'to?" tanong ni Rico habang hawak parin ang tasa ng kape at baso ng tubig.

"Hindi rin talaga ako sigurado. Ito pa pala." Isiningit niya sa kamay ng guro ang gamot habang iniiwas ang mata sa mukha ni Rico. "Baka lang po makatulong para hindi kayo magka-hangover bukas. Naisip ko lang. Tama, naisip ko lang na baka kailangan niyo po yan."

"Kailangan ko nga 'to. Salamat." Sagot ni Rico kahit hindi parin niya naiintindihan ang dalaga.

"Isasarado ko na po." Sabay kunwaring hikab ng dalaga. "Inaatok narin po kase ako. Kayo din po, magpahinga nap o kayo.Good night!" sinarado ni Mia ang pinto.

Nakangiti parin si Rico kahit binagsakan siya ng pinto ng student teacher.


*Until next week - Autumn :)

You Were ThereWhere stories live. Discover now