CHAPTER II : The Handsome Teacher

41 2 0
                                    



~Ano ba ang ang mas mahirap; ang kalimutan ang nakaraan o ang harapin ang bukas?

Sa dinadami-dami ng tao sa mundo, paano mo nga ba malalaman kung sino sa kanila ang karapat-dapat maging parte ng buhay mo? Sino ang hindi? At, sino ang dadaan lang para turuan ka ng leksyon na di mo malilimutan? May mga pangyayari sa buhay ng tao na hindi natin naiintindihan pero patuloy na nangyayari. Kahit gaano mo pa ito labanan o kahit gaano pa ito hadlangan ng mundo , magaganap ang dapat maganap. Gaya na lamang ng mga taong nakaukit nang dumating sa buhay natin sa pinaka di inaasahang pagkakataon.~

Pumasok si Mia sa loob ng Science department office kung saan siya na assign para sa kanyang practicum at practice teaching.Panay ang pisil niya sa kanyang uniform habang naglalakad palapit sa table ni Mrs.Ramos.

"Good day po ma'am. Ako po si Mia Dela Cruz yung intern na galing sa St.Mary Universty."  Kabadong pagbati nito.Di parin siya makatingin ng maayos sa head teacher.

"It's my pleasure to meet you Teacher Dela Cruz. Sana mag-enjoy ka sa pag-oobserve at sa practice teaching mo. Ito na yung last part ng paghihirap mo bilang estudyante at kapag nasurvive mo 'to, kakayanin mo na ang lahat. Right after mo maipasa yung LET exam mo ,hihintayin kita na maging part ng department na 'to,ha?"  Masayang pagtanggap ng Science head department teacher.

"Maraming salamat po, Mrs.Ramos." nakangiting iwinika ni Mia.

Napatingin si Mrs. Ramos sa pintuan nang makita niya ang taong kanilang hinihintay. "Nandito na pala siya." Sabay tayo ng department head teacher, "This is Mr. Rico Salazar, he is the class adviser who will supervise you during your whole practicum and practice teaching period." 

"Good Afternoon Ma'am Charito." Masayang bati ni Salazar. "And, good afternoon to our future educator ?" baling nito kay Mia.

"Mia Dela Cruz po. Good afternoon po, Sir." Lingon ni Mia sa kanyang cooperative teacher.

Nawala ang ngiti ng guro nang biglang may sumagi sa kanyang isipan nang makita ang mukha ng intern. Dahil may katangkaran ay medyo yumuko ito habang naka crossed arm na para bang may inaalala."Have we met before?."

Nagsalubong ang mga kilay ni Mia sa tanong ni Rico.

***

Napaka-steep ng kilos ng dalaga at hindi makatingin sa guro habang sila ay naglalakad sa hallway patungo sa classroom nito.

"Ikaw yun, diba? Last night." Pagkukumpirma ni Salazar ng maalala nito kung saan niya naka-engkwentro si Mia.

"Hindi ko po alam yung ibig niyong sabihin. Pero ngayon ko palang po kayo nakita."paliwanag ni Mia.

Huminto sila sa harap ng isang pintuan, "Ikaw yung kausap ni Mike kagabi nung sinundo ko siya." Paninigurado ni Salazar."Nandito na tayo. Mamaya mo na ipaliwanag kung ano bang relasyon mo sa kanya." sabi pa nito.

Naalala narin ni Mia ang tinutukoy ni Mr.Salazar. Napalunok nalang ito ng laway dahil sa paraan ng pagtatanong ng guro.

Bago buksan ang pinto ay biglang lumapit sa kanya si Mr. Salazar at nanlaki ang mata ng dalaga. Hinawi nito ang buhok ni Mia at inipit sa tenga. "Papasok na tayo sa hawla ng mga tigre at leon, wag mo ipakita na mahina ka. Nandito tayo para i-train silang na maging maubuting tao. Tsaka, sayang naman yung ganda ng mga mata mo kung itatago mo lang." wika nito sa kanya na syang mas napalala sa kaba ng  dalaga.

***

Madaling nagbalikan sa  kanya-kanyang upuan ang mga estudyante nang makita silang papasok."Good afternoon class!" bati niya sa kanyang adviser students sabay lapag sa lamesa ang kanyang mga gamit. 

"Good Afternoon, Mr. Salazar!" sagot ng mga estudyante.

"Sir!!!!" sigaw ng isa sa mga estudyante na para bang hindi na makapaghihintay ang bagay na nais niyang sambitin sa klase.

"Yes, Jose?" sagot ni Mr. Salazar.

"Sir, pakiramdam ko naiintindihan ko na po ngayon yung totoong meaning ng Biology." Hirit ni Jose. 

Hindi maintindihan ng buong klase ang ibig sabihin ng palabirong si Jose."Sir, Biology is the study of life, at sa tingin ko nakita ko na siya." Dagdag pa nito.

"What do you mean Jose?" nagtatakang tanog ng guro.

"Sir,katabi nyo po siya ngayon. Parang siya nalang po yung kulang para mabuo yung life ko." Wika nito na siyang nagpahagalpak sa buong klase. Bagamat sanay na sila sa mga biro nito ay di parin nila maiwasang matawa.

"HAHAHAHAHA!!!" 

"Mr.Jose Bautista, sit down." Utos ni Rico. "Class, this is Ms.Mia Dela Cruz. She is the student teacher who will be with us for the whole semester. Anytime soon, magiging teacher din siya tulad ko kaya igalang niyo siya kung paano niyo ako ginagalang." Tumingin siya kay Mia upang bigyan ito ng senyales para magpakilala sa klase.

"Good afternoon! I am Mia Dela Cruz. I am a student from St. Mary University." Maikling bati ni Mia sa lahat. Ngayon ay nasa harap siya nang isang grupo ng kabataan mula sa lowest section ng paaralan na may iba't ibang katangian at kwento.

*** 

Nag-umpisa na ang klase at nakaupo si Mia sa likod habang nagmamasid sa mga activities na nagaganap sa loob ng classroom. Pinagmamasdan niyang mabuti kung paano makitungo si Mr. Salazar sa mga estudyante nito. Isang parte ng pagkatao ni Mia ang nag-iiba habang pinanapanood niya kung gaano ka dedikado ang guro sa propesyong pinili nito.

"Ok. Pass the papers now." utos ni Mr.Salazar matapos ang long quiz ng mga bata. Tahimik naman na sumunod ang mga ito sa kanya."I will announce the results tomorrow. Alam ko na makakapasa kayong lahat basta---" ani nito habang hinihintay ang sagot ng kanyang mga estudyante.

"Aral,sipag,dasal at tiwala lang.Kakayanin natin 'to!!!" malakas na sagot ng mga bata sa kanya.

Nabibigla si Mia sa paraan ng guro sa pagkuha ng loob ng mga estudyante. Nakikita ni Rico ang bawat  reaksyon ng dalaga sa mga nangyayari sa kanyang klase, at sa tuwing mahuhuli niya itong nakatitig sa kanya ay  sinusuklian niya ito ng isang ngiti. Pag-iwas ng tingin naman ang nagsisilbing sagot ni Mia. 

Habang may kanya-kanya ginagawa ang mga estudyante ay may isa sa kanila ang hindi mapakali at kanina pa tingin ng tingin sa kanyang salamin upang siguraduhin kung maayos ba ang kanyang itsura. Nang makahanap ng tyempo ay bigla na lamang itong tumayo."Sir!?" tawag ng estudyanteng si Sofia.

"Sofia, please stand."tanong ni Mr. Salazar.

"Pwede po ba akong makipag deal sa inyo?" panimula ng batang estudyante, tahimik na nakinig ang lahat sa kanya. " Kapag ako po ang nakakuha ng highest score sa long quiz, mag aattend po kayo ng birthday ko. Please!"nagpapacute na wika ni Sofia. Matagal na siyang may paghanga sa guro kagaya na din ng karamihan sa klase.

"But, what if you fail to get the highest score?"  tanong niya sa kanyang estudyante.

Inikot ni Sofia ang kanyang mga mata sa classroom habang nag-iisip ng pwede nyang gawin kapag natalo. "Hmm........... Alam ko na sir. Sa harap niyo po, ng buong klase, at pati narin ni teacher Mia, ipinapangako ko na kapag natalo ako sa deal na 'to, isang linggo akong magbubura ng black board."  ani Sofia.

"Sigurado ka na ba dyan?" paninigurado ni Mr.Salazar.

Habang nakatayo si Sofia ay nagbubulungan ang mga kaklase nito tungkol sa kanil-kanilang opinyon.Sanay sila na makitang kikay si Sofia at lagi lang nagpapa-cute sa eskwelahan. May ibang hindi naniniwala na kakayanin niya 'to pero meron din namang positibo ang iniisip na kakalabasan, kasama na dun si Mr.Salazar.

"Dalawang gabi na po akong hindi natutulog para lang makipag-review, kaya sigurado na po ako Sir. Deal?" Sabi pa ni Sofia.

"Ok. Aasaan ko yan!" Nakangiting bati ni Mr.Salazar.

Tuwang-tuwa si Sofia sa sagot ng kanyang guro kahit wala pang kasiguraduhan sa kakalabasan ng ginawa nilang long quiz. Kahit hindi nakikisabay sa kasiyahan sa loob ng kwarto si Mia ay kapansin-pansin naman ang pagkamangha niya sa kung gaano naging magaan ang unang araw niya bilang student teacher.


You Were ThereWhere stories live. Discover now