~Lihim na kay tagal itinago ay nalalapit ng matanto. Kung ano man ang maging resultang kalakip nito ay matutong magtiwala sa iyong puso."
"I think we have covered everything we need for the coming foundation. I'll be sending you the program tomorrow. Ma'am and Sir, thank you po for taking time to attend this meeting. Sana po ay magtulungan tayo para maidaos natin ng maayos ang foundation ng ating paaralan ngayong friday." Pasasalamat ng host ng meeting ng mga guro at ibang kinauukulan para sa 50th foundation day ng San Gabriel High School.
Nang magpalakpakan na ang mga guro ay biglang tumayo sa Rico at binitbit ang kanyang bag palabas ng function hall. Nakita ito ni Joseph kaya agad itong sumunod sa kaibigan.
"Bro, anong meron at parang nagmamadali ka?" tanong nito.
"Wala naman Father. Bakit may iba pa ba tayong pag-uusapan?"
"Wala na. Wala naman talagang pasok ngayon ,diba? Kaya lang, gusto ko sanang konsultahin ka tungkol sa pag-alis ko sa isang Linggo." pakiusap nito.
"Wag na muna ngayon o kaya tawagan mo si Mike. Tama! Tawagan mo siya." suhestyon ni Rico.
"Sa tingin mo ba may maibibigay na magandang opinyon yung taong yun? Sa'n ka ba kase pupunta?"
"Emergency. May mahalagang tao lang akong babantayan."
"May sakit? Nasa hospital? Sino?"
"Hindi ganun. Basta. Sige mauuna na ako."
Lumakad si Rico palayo sa dismayadong kaibigan. Di pa man nakakalayo ay bigla itong bumalik sa kinatatayuan ni Joseph, sobra itong natuwa.
"Makikinig kana sa problema ko?"
"Hindi. Itatanong ko lang sana kung ang babae kapag malungkot, mahilig sa ice cream o chocolate?"
"Bakit?"
"Sagutin mo nalang."
"Hindi ko alam. Pagkatapos kong ikasal, iniwanan na ako agad kaya hindi ko alam yan."
"Hay, bakit ba kita tinanong? Sige na. Aalis na ako." Tuluyan na nitong iniwan si Joseph at nagmamadaling poumunta sa parking lot.
"Kailangan ko kayo ngayon e." himaktol ni Joseph.
***
"Thank you, Kuya." sabi ni Sofia sa waiter na naghatid ng mga inorder niya.
Sinilip ni Bergilio ang sukling natira sa mga inorder ng bata at napailing na lamang ito.
"Ok ka lang?" tanong ni Sofia sa kanya.
"Inubos mo lang naman yung isang linggo kong allowance. Kaya, sige nga sabihin mo kung paano ako magiging ok?" dikta nito.
"Kasalanan ko ba yun? Ikaw na nga 'tong binigyan ko ng pabor. Kung tutuusin nga kulang pa to e. Biruin mo dinawit mo ako sa pagsisinungaling mo. Napakabata ko pa para gawin yun, pero sinakripisyo ko parin yung dignidad ko para mailigtas ka."
"Sige na. Sige na ubusin mo na yan. Wag ka lang maingay dyan."
"Talagang uubusin ko lahat ng 'to. Alam mo, kaya ko naman talagang bayaran lahat ng 'to e, kaso bihira lang may manlibre sa'kin kaya susulitin ko na."
"Kain!"
"Di ko rin naman maintindian yung teacher na yun kung bakit hindi man lang nya napansin na hindi babae yung mga type mo. Malakas talaga yung kutob ko na tatandang dalaga yun, pangalan pa lang alam ko na agad."
YOU ARE READING
You Were There
Novela JuvenilRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!