~Hanggang kailan kayang itago ng isip ang pilit na isinisigaw ng puso? Pigilan man ng sitwasyon o pagkakataon, ang mga damdaming isinilang upang magtagpo ay manyayari sa wastong oras at panahon.~
Kinuha ni Mia ang kaniyang gamit sa loob ng class room at naglalakad na ito sa hallway para umuwi.
"Teacher Mia!" sigaw ni Sofia.
Huminto ang dalaga at tumatakbong lumapit sa kanya ang estudyante.
"May gagawin ka pa ba?"
"Pauwi na ako. Bakit?"
"Ano? Yayain sana kita na kumain."
"Gusto mo na magdate tayo?" seryosong pang-aalaska ni Mia.
"Tsk! Bakit mo sinasabi yan? Diba nga hindi pwede kase ayoko sa babae." Inis na sagot ni Sofia.
"Pero, bakit?"
"Wala lang. Ano kase, masaya lang ako na hindi natuloy si Sir Rico. Tsaka, para thank you treat ko narin... kase yung sa salon. Siguro,kung may kulay ngayon yung buhok ko, baka wala na talaga.Baka hindi ko nakita yung taong may dahilan kung bakit ako humihinga." Paliwanang ni sofi.
"Nagpapasalamat ka sa'kin?"
"Parang. Dun tayo sa paorito kong Korean restaurant. Sigurado ko na hindi ka pa nakakain ng ganun. Tara?"
"Tsk!"
Nang naglalakad na ang dalawa ay nakita ni Sofia si Rico at Joseph na lumabas ng office.Huminto sa paglalakad si Sofia at nagtago sa isang puno.
"Ano yang ginagawa mo?" usisa ni Mia.
"Halika dito. Dali!" sabay hila niyakay Mia upang makapgtago rin.
Pinanuod nila sa di akalayuan ang pag-uusap ng dalawang lalaki hanggang sumakay ang dalawa sa pick up truck ni Mr.Salazar.
"Pagkakataon ko na 'to." Sabik na binigkas ni Sofia. "Malalaman ko narin kung saan ba talaga siya nakatira.Ayih!!!" patalun-talon sa excitement ang bata.
"Bahay?"
"Oo. Diba mas maganda kung ngayon palang malalaman ko na kung anong itsura ng magiging bahay ko sa future. At least kung meron man akong gustong baguhin kapag ikinasal na kami, madali nalang." -Sofi.
Napaisip si Mia at naalala niyang nakatira nga pala siya ngayon sa bahay ni Rico. Napalunok ng laway si Mia sa takot sa posibleng gawin ng possessive na si Sofi kapag natuklasan nitong natutulog sila ni Salazar sa iisang bubong.
"Diba masama yun? Tsaka, paano yung date natin?" balisang tanong ni Mia.
"Ano ba?! Hindi nga date!"
"Mauuna na ako kase may gagawin pa pala ako." Alibi ni Mia sabay lakad palayo sa estudyante.
"Teacher Mia, kaya mo bang makita akong malungkot ulit?" Kinuha ni Sofia ang kamay ng intern at hinila ito palabas ng campus.
***
Sa pagsunod nila kay Rico ay din a nila napansin na sa isang Pinoy restaurant pala sila pumasok sa halip na sa isang Korean restaurant. Transparent na salamin ang mga wall ng restaiurant na pinuntahan nila Salazar kung kaya kitang-kita ni Sofia at Mia ang mga ito.
"Ayan, dito tayo. Tamang-tama lang 'tong pwesto natin para matanaw ang kagwapuhan ng future hubby ko." Sabi ni saofia habang nakatakip sa mga mukha nila ang dalawang menu.
YOU ARE READING
You Were There
Teen FictionRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!