~Bagong umaga, ang kahapon ay tila di nawawala, pero di naman siguro masama kung nanaisin mong ngumiti at subukang mabuhay kasabay ng pag-ahon ng bukang liwayway.~
Naksandal si Mike sa labas ng kanyang sasakyan habang nakatayo sa harapan ng bahay ni Rico.Di nagtagal ay lumabas narin ang kaibigan."Alam mo bang kailangan ko pang gumawa ng kwento para payagan akong lumabas ni Toni ng ganitong kaaga?"
"Pasensya na. Susuportahan nalang kita kapag ginulpi ka ng asawa mo." Sabi ni Rico habang palingon-lingon sa pintuan upang malaman kung gising na ba si Mia.
"Mukhang napuruhan ka yata kagabi, ha?" Ani Mike nang mapansin ang pasa ni Rico sa mukha.
"Wala 'to."
Kinuha ng kaibigan ang isang paper bag sa kanyang kotse at inabot kay Rico.
"Sigurado ka bang gagana 'to?"
"Hindi. Pero yan yung ginamit ko nun kay Toni at mukhang effective naman."
Napangiti si Rico nang maalala ang ginawa ni Mike nung binata pa sila.
"Mauuna na ako, 30 minutes lang kase yung ipinagpaalam ko sa kanya. Mahirap na. Baka bandang huli ako pa ang gumamit niyan, and this time baka maging totoo na." Ani Mike sabay yakap sa kaibigan. "Galingan mo!"
Sumakay ito ng sasakyan at tuluyang umalis.
Mahigpit ang hawak ni Rico sa paper bag na iniabot sa kanya.
***
Bagamat mabigat pa ang talukap ng mga mata ni Mia ay pinilit niya paring iminulat ang mga ito. Tahimik lang siyang nakatitig sa kisame at tila blanko pa ang kanyang isipan sa mga nangyari sa nakalipas na gabi.
***
Nakatayo si Rico sa labas ng kwarto ng dalaga at maiging pinakikinggan kung ito ba ay gising na.
Sa pangatlong balik niya sa pintuan ay nakarinig ito ng kaluskos kaya dali-dali niyang kinuha ang paper bag at pumunta sa tabi ng tort table ni Honey. Inilabas niya sa paper bag ang isang blue arm sling at isinuot niya ito sa kanyang kanang kamay.
"Pano ba 'to?"
Nang mai-ayos niya ang arm sling ay humanap naman siya ng magandang pwesto para mapansin ito agad ni Mia sabay arteng nahihirapan nang mapansing binubuksan na ng dalaga ang pintuan.
Bitbit ni Mia ang isang twalya at mga damit pagalabas ng kwarto at tila tulog parin ang kanyang isipan. Humakbang siya diretso sa kusina nang hindi man lang napansin si Rico, na kanina pa intense sa pag-arte.
Natulala ang guro sa ginawa ng dalaga sa kanya.
"Nakita ba niya ako?Mali ba yung posisyon ko? Siguro inaantok pa siya kaya hindi niya ako napansin, diba Hon?" ani to sa pagong na pagapang-gapang sa tort table.
***
Habang nasa bathroom si Mia ay pabalik-balik sa paglalakad si Rico sa labas nito. Pinaglalaruan pa niya ang arm string at iniisip kung paano maaawa si Mia kapag nakita niyang nasaktan ito sa nangyari kagabi.
Binubuksan ni Rico ang isang bote ng juice nang lumabas si Mia galing bathroom habang nagpupunas ng kanyang basang buhok. Agad itinigil ni Rico ang ginagwa niya at bumalik sa pag-arte.
"Hi. Good morning." Bati nito sa intern.
Tumingin si Mia sa kanya at napansin nito ang kalagayan ng guro.
YOU ARE READING
You Were There
Fiksi RemajaRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!