Capter VII: Mystery turtle?

24 2 0
                                    



~Ang pagpapalam ang pinakamaskit na parte sa buhay ng tao, pahina na di mo kalian man gugustuhing basahin. Masakit magpaalam lalo na kung nagbigay kana nang sobrang emosyon sa taong lilisan. Ngunit, mas masakit sa dibdib yung alam mong nagugustuhan mo palang siyang kilalanin pero kailangan mo na itong ihinto kasi alam mong masasaktan ka lang.~


"Hindi ko agad sinabi yung tungkol dito dahil alam kong magiging ganyan yung reaksyon niyo." Ani Rico habang nagpapaliwanag sa harap ng kanyang mga estudyante tungkol sa kanyang pag alis. "Alam kong maraming pwedeng mangyari sa loob ng dalawang buwan pero malaki ang tiwala ko sa inyo. Kakayanin niyo 'to kahit wala ako."

Nakaupo si Mia sa likod at pinagmamasdan kung gaano kalungkot ang mga batang umaasa sa kanilang guro.

Tumayo si Leah, isa sa mga estudyante, "Paano po kung di kami magustuhan nung papalit sa inyo?"

"Mr. Camaya will take over my position and I want you guys to cooperate with him. Don't worry because he reassured me that he'll do his best to guide all of you until I come back." Salaysay ni Salazar habang nakatayo at tinitignan ang malulungkot na mukha ng kanyang mga anak sa paaralan.

"Ako na po ang bahala sa mga kaklase ko Sir." Ani Jose. "Sisiguraduin ko po na mag-aaral kaming lahat nang mabuti." Pagriri-presenta ni Jose na magbantay sa magiging performance ng buong klase.

"Thank you Jose. Aasahan kita, at kayong lahat, makakapasa kayo. Babalik ako bago ang inyong fourth grading exam , babalik ako." –Rico.

Hindi man gustong umalis ay wala siyang magawa dahil kailangan niya 'tong gawin. Isang pamamaalam na naglikha nang lungkot sa masayahing classroom ni Salazar.

***

Inikot ni Mia ang buong eskwelahan para hanapin si Sofia at natagpuan niya ito nakaupo sa isang bench sa likod nang paaralan. "Mukhang okay 'tong hide out mo, tahimik at mahirap hanapin." Ani Mia habang lumalapit sa malungkot na estudyante.

"Baka pati 'to agawain mo sa'kin?" nakasimangot na bata.

"Pwede. Kase wala namang nakasulat na pangalan mo dito, kaya madalas mo narin akong makikita dito." Tumabi si Mia kay Sofia.

"Bakit? Marami ka bang sakit nang loob?" Sofia uttered childishly.

Tumango si Mia, "Sobra. Para na nga akong malulunod sa dami. Kaya bilang mas matanda ako sayo gusto kong i-share mo sakin 'tong hide out mo. Okay?" 

"Pag-iisipan ko." Sagot nito.Hindi maimpinta ang intsura ng estudyante dahil sa pahayag ni Rico sa klase kanina. "Paano kung di na siya bumalik? Paano kung makalimutan na niya kami? Paano kung makahanap na siya nang iba habang nasa Amerika siya?" mga tanong ni Sofia.

Madalas mainis si Sofia kay Mia dahil sa takot na magustuhan ito ng kanyang hinahangaan, ngunit sa kabila nito ay kumportable parin siyang nakikipag-usap sa dalaga.

"Diba ako lang yung kakumpetensya mo sa kanya? Kaya di siya maghahanap nang iba dun." -Mia.

Tumingin si Sofia sa kanyang katabi, "Dapat lang."

May kinuha si Mia sa kanyang bag, "Akin na yang kamay mo!" utos nito.

"Bakit?"

"Basta."

Inabot ni Sofia ang kanyang kamay at tinatakan ito ni Mia ng isang turtle stamp na may nakasulat 'very good'. Nginitian siya ni Mia, ito ang unang beses na ngumiti si Mia nang ganung kaganda.

"Para saan 'to?" –Sofia.

"May sikreto akong sasabihin sa'yo, gusto kita kaya binigyan kita niyan." Sabi ni Mia.

Nanlaki ang mata ni Sofia sa lahad ng guro sa kanya. "Gusto mo ako? Tomboy ka?!?"

"Sa tingin mo?" pagibiro ni Mia.

"AYOKO!"

"Gusto kong maging kaibigan kita.Pwede ba?" tanong nito.

Nakatingin parin si Sofia sa stamp mark sa kanyang kamay. "Bakit turtle?"

"Nung bata pa ako, may isang tao na nagbigay niyan sa'kin."

"Sino?"

"Siya yung dahilan kaya hindi mo kailangan matakot na aagawin ko sa'yo si Mr. Salazar." Sabi ni Mia.

"Boyfriend mo?"

Umiling si Mia.

"Pero, sino?" pangungulit ni Sofia. "Sige na, sabihin mo na!"

Kahit hindi aminin ay nakabuo na ang dalawa ng isang pagkakaibigan. Natutuwa si Mia dahil kahit papaano ay napagaan niya ang loob ni Sofia.

***

Sa loob ng office ay kausap ni Salazar si Joseph.May isang kahon sa taas nang lamesa na puno nang goodies. "Ibigay mo lahat sa kanya yan."

"Sasabihin ko bang galing sa'yo?" Tanong ni Rico.

"Sa tingin mo ba matutuwa yun kapag nalaman niyang sa akin galing yan?" ani Joseph habang dismayadong nakatingin sa kahon.

"Paano natin malalaman kung di natin susubukan?"

"Wala pa akong lakas nang loob na bawiin siya.Kaya hayaan mo muna na di niya alam na nandito parin ako." Kibo ng kaibigan.

"Kung yan ang gusto mo. Alam mo mabilis nang lumakad si Honey pero ikaw nandyan ka parin. Father, buong buhay mong ipinaglaban yung taong yun, tapos magtatago ka lang sa mga padalang 'to."

"Pero Bro!"

"Bahala ka!"

Napasulyap si Joseph sa isang tumbler sa table ni Rico. "Ano to? Kailan ka pa nahilig sa pink na tumbler, huh?" Kinuha ito ni Joseph.

"Isa—Dalawa—" ani Rico.

"Ito na, ibabalik na. Kanino ba galing yan at parang mas ipagpapalit mo pa yan sa mahigit dalawang dekada nating pagkakaibigan?" reklamo ni Joseph.

"Bumalik ka na sa office mo at baka maabutan ka dito ni Principal. Ikaw din, alam mo na mang maraming bumabalik na ala-ala kapag nakikita ka nun." Paalala niya kay Joseph habang sinisipat niya ang box na padala nito.

"Tsk! Ang saklap naman ng buhay pag-ibig ko. Sige na aalis na ako.Ibigay mo yan , ha? Wag mo rin kakalimutan na padalhan ako ng mga picture, yung solo, ayokong kasama ka." –Duro ni Joseph sa kaibigan.

"Yayakapin ko siya nang mahigpit para sa 'yo." pang-aarsar ni Rico.

"Bro! " tumaas ang boses ni Joseph. "Lalabas na ako. Mag-iingat ka." Malambing na boses nito na nagpangiti sa kaibigan.


You Were ThereWhere stories live. Discover now