~Hindi lahat ng bumabalik ay may binabalikan.~
"Babayaran ko na po." Ani mia sa cashier pagkatapos bilhin ang ilang pack ng kandila.
"Ito po ang lahat?"
"Opo."
"Gusto ko ng lollipop!" Sigaw ng isang mestisong batang lalaki na kulot ang buhok, 5 years old.
Maya-maya pa ay kinalabit nito si Mia ng makailang beses. Lumingon si Mia at nakita ang bata na nakangiti sa kanya.
***
Nakaupo si Mia at ang batang lalaki sa isang bench sa labas ng grocery store habang kumakain ang dalawa ng lollipop.
"Yung daddy ko duwag yun, kase kapag galit na si mommy lagi na siyang nagtatago para hindi masigawan." kwento nito kay Mia.
"Ganun ba? E, ano namang ginagawa mo kapag pinapagalitan ni mommy si daddy?"
"Wala po. Kase ang sabi ni daddy kapag daw mahal mo yung isang tao walang dahilan para magsawa ka sa kanya. Kahit magalit si mommy ng ilang beses, magtatago lang siya pero hindi aalis at lalong hindi mawawala." sabi ng bata.
"Mukhang nakikinig ka ng mabuti sa daddy mo,a?"
"Syempre naman po! Kase, gusto ko kapag ako na yung nagka-girfriend ila-love ko siya ng mawalang katapusan.Sana lang hindi siya kasing ingay ni mommy."
Natawa si Mia sa sinabi ng bata. "Baka ngayon nag-iingay na yung mommy mo sa kakahanap sa'yo."
"Yun na nga po yung iniisip ko e. Sigurado ako na inaaway na niya lahat ng security guard sa loob para lang mahanap ako." Sumbong nito.
"Gusto mo na bang bumalik na tayo sa loob?"
"Sandali lang po. Lapit po kayo sa'kin." pakiusap nito at sumunod naman ang dalaga. Bigla na lamang siyang hinalikan ng bata sa pisngi at di naiwasang mapangiti ni Mia sa ginawa nito.
"Tinuro din ba yung ng daddy mo?"
"Hindi po. Kase mas gwapo po ako sa daddy ko." Sabay tayo ng dalawa pabalik ng grocery store. "Dito nalang po."
"Sigurado ka ba? Ayaw mo bang hintayin muna natin ang mommy mo?"
"Hindi na po. Mukha namang hindi pa siya nawawala sa sarili kaya wala po tayong dapat ipag-alala."
"Naku, ikaw bata ka, kung di ka lang cute. O, sige na mauuna na si ate."
"Thank you po dito sa lollipop. Tsaka, Ethan po yung name ko at kapag tumanda na po ako hahanapin ko po kayo para pakasalan." seryosong sinabi ni Ethan.
Natawa si Mia sa sinabi nito sa kanya, "Ako, papakasalan mo?Tsk! Mukhang matagal-tagal pa yung hihintayin natin para dyan. "
"Basta hahanapin ko po kayo."
"Ganun ba? Sige. Tignan natin. Pero, dapat maging mabait ka sa mommy at daddy mo. Mag-aaral ka ng mabuti.At higit sa lahat ,naku, yang candy bawasan mo,ha? Kasi mabubungi ka ng maaga."
"Opo! Gagawin ko po lahat ng yun!"
"O sya, ba-bye na." Sabay himas ni Mia sa pisngi ni Ethan.
"Ba-bye po."
Tumalikod na si Mia at lumakad palayo.
Paglingon ni Ethan ay nakita ang kanyang mommy na nakahabol ang tingin kay Mia.
"Mommy!" ani ethan sabay takbo sa kanyang ina na si Toni, Mike's wife.
"Are you okay? Who is that lady?"
"Yes, mommy! I'm fine. I have something to say. I promise to be the best son to you and daddy. I won't make you mad na and I will do everything to get high grades in school." pangako ng bata sa kanyang ina na nakatingin parin kay Mia.
"Ethan Jiminez, who is that lady?" Pilit na inaalam ni Toni kung sino ang babaeng kasama ng kanyang anak.
"But mom! You're not listening to me."
"I am. Besides, you already made those promises last month."
"I will keep them now. And that lady, I will marry her." siguradong iwinika ni Ethan sa kanyang Ina.
***
"Daddy!" Sigaw ni Ethan sa kanyang ama na papalapit sa kanila.
"What took you so long? We've been waiting here for 30 minutes." sabi ni Toni sa asawa.
Hinalikan ni Mike ang anak at si Toni. " Sorry, kase medyo natagalan yung pag-uusap namin.." Turo ni Mike sa kanyang cellphone.
"Namin? Sinong namin? Ikaw, kaya nagmamana na 'tong anak mo sa'yo e."
"Mahal naman. Hindin ganun yun....Uuwi na siya sa Sabado pero ayaw niyang may ibang makaalam nito. Kaya kung pwede lang sa atin nalang muna." Pakiusap ni Mike kay Toni.
"Sa wakas at naisipan niya ring umuwi. Sa tingin mo ba makakabuti yung pagbalik niya?"
"Kailangan nila 'to."
"Kung sa bagay.... O, sya bitbitin mo na yung mga pinamili ko at naghihintay na sila tito at tita."
Kinuha ni Mike ang pinamili ng asawa.
"Ethan, let's go." Tawag ni Toni sa anak.
"Yes, mom."
YOU ARE READING
You Were There
Novela JuvenilRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!