Chapter XV: Play Ground

13 2 0
                                    


~Minsan kung kailan handa ka nang sumuko ay may isang taong darating na handang saluhin lahat ng bigat sa balikat mo ng walang hininging kapalit.~


Nakaalis na si tatang Isko at muli nanamang mag-isa si Rico sa kanyang bahay. Nakatapon nalang sa sofa ang arm string na dinala ni Mike.

Galing ng storage room si Rico dala ang isang tool kit para ayusin ang bike ni Isko. Habang humahakbang ay nakita niyang naiwan palang nakabukas ni Mia ang kwarto nito. Inilapag ni Rico ang kit at lumakad patungo sa kwarto ng dalaga. Pagpasok sa loob nito ay naabutan niya ang mga bagahe ni Mia. Di niya malaman kung ito ba ay hindi pa nagagalaw buhat ng siya ay dumating o kakaimpake palang nang malaman niyang nakauwi na ang may ari ng bahay. Nasa itaas din ng kama ang ilang pahina ng news paper, classified ads, nakamarka ang lahat ng mga trabaho na maaari nitong pasukan. Napaisip si Rico kung nasaan na kaya ang dalaga at kung paano nito hinaharap ang kasuluyan niyang pinagdaraanan.

***

Madilim na at patuloy parin sa paglalakd si Mia upang makahanap ng matutuluyan subalit tila madamot ang pagkakataon ngayon para sa kanya.

"Naku, pasensya kana ineng, hindi kase estudyante ang hinahanap ko. Kailangan ko ng full time employee na pwedeng mag-stay in dito sa laundry shop."

"Ganun ho ba? Pero, masipag naman po ako tsaka kahit kaltasin niyo pa po sa sahod ko yung pagtira ko dito. Ayos lang po yun."

"Pasensya ka na pero di talaga pwede yang gusto mo. Kung gusto mo tumigil ka sa pag-aaral para makapag trabaho ka ng buong araw."

Napapikit nalang si Mia sa pang limang establisyemntong tumanggi sa kanya.

"Maraming salamat nalang po pero malapit na po akong makapatapos kaya di po ako pwedeng huminto."

"Kung ganun, wala na akong magagawa. Sige na at sa iba ka nalang maghanap."

"Sige po. Salamat po."

Pagod na naglakad si Mia dala ang pag-aalinlangan dahil sa pagkabigo nito ngayong araw , at takot na baka kinakailangan nanaman niyang bumalik sa kalye sa oras na linsanin na niya ang bahay ni Rico.

***

Pabalik na si Mia sa bahay ng guro nang madaanan niyan ang isang playground sa loob ng village. Bagamat madilim na ang paliigd at wala naring bata dito ay lumiwanag ang mga mata ni Mia ng maalala ang kanyang nakaraan.

FLASHBACK:

"Mama!!! Mama!!! Tignan niyo po 'tong nakita ko!" sigaw ng isang 6years old na si Mia patakbo sa kanyang inang si Maricel dala ang isang colored glass container.

"Dahan-dahan lang sa pag takbo. Tignan mo at pawis na pawis kana." Sita ng mapagmahal na ina sa kanyang unica ija.

"Tignan niyo po."

"Ano ba yan?"

Ipinakita ito ni Mia sa kanyang ina.

"Hindi mo ba 'to kinuha sa ibang bata?"

"Mama naman! Sa tingin niyo po ba matutuwa sa aking si Papa God kapag ginawa ko yun? Nakita ko po yan sa ilalim ng slide. Buksan po natin?"

"Wag na. Baka importante yung laman nito."

"Hindi naman natin gagalawin, titignan ko lang po yung laman. Sige na po mama."

"Ikaw talagang bata ka. SIge, pero sisilipin lang natin, ha?"

You Were ThereWhere stories live. Discover now