Chapter IX: Sweet Goodbye

19 2 0
                                    


~Mahirap magpaalam sa isang tao na binibigyan ang puso mo ng dahilan upang manatili.~


Dinala ni Rico  si Mia sa isang coffee shop malapit sa tinutuluyan nito. Di maiwasan ng dalaga na mamangha sa lugar. Punong-puno ang bawat pader ng sticky notes na may iba't-ibang kulay, at mga pictures na ang karamihan ay couples.

"Para yatang masyadong pang bagets 'tong coffe shop para sa'kin." Pabulong na sinabi ni Rico.

"Sir, ito na po yung order niyo." Umorder si Rico ng dalawang smoothie."Stay in love po." Paalam ng waitress sa kanilang dalawa. Natulala si Mia sa sinabi nito at natawa lang si Rico.

Ito na yata ang pinaka-awkward moment para sa dalawa.

"Pasensya kana,ha? Matagal na kase 'tong nirirekomenda ni Mike, hindi ko alam na ganito pala yun. Parang napag-tripan yata ako nung kaibigan ko.Nadamay ka pa." Paumanin niya sa dalaga.

"Bakit po ba kase tayo nandito?" Alangang tanong ni Mia.

"Para bumawi sa'yo." Mahinang boses ng guro. "Pero, parang mas napainit ko yata yang ulo mo." Nahihiyang sinabi ng guro.

Puno ng lovers ang coffee shop, at sila lang ang nakupo ng magkahiwalay sa isa't-isa. Nagkataon pa na sa napwestuan nila ay nadoon na yata ang mga pinaka-sweet photos na nakasabit at puro proclamation of love ang mababasa. Lalo pang naging alangan ang pakiramdam ng dalawa nang bigla nalang may naghalikan malapit sa pwesto nila. Napayuko na lamang si Mia sa hiya at kaba.

"Siguro dapat lumabas na tayo." -Rico

Tumango lang si Mia Kay Rico.

Paglabas ng coffee shop ay di maiwasang mag-alala ni Rico kung na-offend ba niya ang dalaga. Pero di nila magawang tumingin sa bawat isa at ang nagawa nalang nila ay ang matawa sa kanilang mga sarili. Ito ang unang beses na makita ng guro na tumawa si Mia, at habang tumatawa ang dalaga ay di maalis tingin niya rito. Ngayon palang niya nasilayan kung gaano nagliwanag ang mukha ni Mia sa saya at kahit papaano ay nagbigay ito nang kapanatagan sa guro.

***

Naka-park ang pick up truck ni Rico sa harap ng tinutuluyan ni Mia, habang inaayos niya ang likuran ng sasakyan ay hawak naman ng dalaga ang mga pinamili nilang pagkain.

"Ayan, ok na to." Wika ni Salazar. Kinuha niya ang mga dalahin ni Mia at inilapag sa sasakyan. Pagkatapos ay hiningi niya ang kamay ni dalaga para tulungang makaakyat sa truck bed.

"Kaya ko po." Tanggi nito.Sinubukan ni niyang umakyat mag-isa, pero nang makita siyang nahihirapan ni Rico ay lumapit ito sa kanya. Nang hawakan siya nito sa baywang (waist) ay hindi na ito nakakibo at hinayaan nalang ang guro na buhatin siya hanggang makaupo ng maayos. Matapos nun ay umupo narin si Rico sa kabilang gilid ng bed truck.

"Dapat di mo na ginawa yun, kase kaya ko naman." Saad ni Mia.

"Tinulungan kita hindi dahil kailangan mo, ginawa ko yun kase gusto ko." Sagot ni Rico, habang inaabot kay Mia ang binuksan nyang bottled juice.

"Hindi mo kailangang maging mabait sa akin." -Mia

"Bakit? Kasi kaya mo?" sabay tingin nito kay Mia. "Sa tingin ko nga, yun yung dahilan."

"Tama ho kayo."

"Nung makita ko kayo ni Sofia kanina,medyo gumaan yung pakiramdam ko, kase alam kong babantayan mo yung mga bata para sa'kin." Pag-amin ni Rico. 

"Ginagawa ko lang yung trabaho ko bilang intern." sagot ni Mia.

"Yan din yung akala ko dati, na kailangan kong magturo kase yun yung trabaho ko. Pero sa oras na makaharap mo na sila mare-realize mo na hindi lang 'to isang trabaho na papasok ka sa umaga at uuwi ka sa hapon. Hindi lang kaalaman ang dapat mong ibahagi sa kanila kung di pati ang parte ng puso mo." Ani rico habang nakatingin sa kawalan. "Sabi ng mga co-teachers ko na minalas daw ako at napunta ako sa lowest seksyon, pero ang totoo nyan napakswerte ko, kase nasa sekyon ko na yata ang pinaka-diverse na grupo ng kabataan. Kung di ka handa, baka sumuko ka nalang or worse scenario masiraan ka ng ulo.Pero kapag nakilala mo na sila ng mas malalim, malalaman mo na ang bawat isa sa kanila ay nagri-representa ng sarili mo.We are playing a vital role, it's either we help them transrform into beautiful butterflies or into monsters ."

Lumingon siya sa dalaga na kanina pa nakatingin sa bawat bigkas ng kanyang mga labi. "At ikaw.." Biglang umiwas ng tingin si Mia at napangiti nalang si Rico. "Libangan mo ba talaga yang pag-iwas mo nang tingin?"

"Hindi po ako umiiwas. Iniisip ko lang na baka dapat po umuwi na kayo. Dapat nagpapahinga na po kayo ngayon para sa flight niyo po bukas." iwas na sagot ni Mia.

"Pahinga? Mukha na ba akong lolo sa paningin mo?"

"Hindi ho ba? Hiningal nga po kayo nung huling beses na sinundan niyo ako." seryosong tanong ni Mia.

Napangisi si Rico dahil napansin pala yun ng dalaga. "Ganun ba? Sandali nga, hindi mo man lang ba itatanong kung bakit ako mawawala?"

Umiling si Mia.

"Hindi ba ako interesting para sa'yo?" -Rico

"Hindi po." Sagot ni Mia. "Ayoko ring magtanong, kase ayokong tanungin nyo rin po ako ng mga bagay na hindi ko kayang sagutin."

"Tama ka. Ganun nga ang balak ko." Wika ng guro.

Nag-ring ang cellfone ni Rico at kinuha niya ito sa kanyang bulsa. Nang makita ito ni Mia ay agad siyang bumaba ng bed truck.

"Sige po. Mag-iingat po kayo sa biyahe niyo." Sabi ni Mia.

Bumaba rin ng bed truck si Rico ng marinig na nagpapaalam na ang student teacher sa kanya.

"Gusto ko pa sanang sulitin yung gabi na 'to, kaso lang..."

Nakangiting umiling si Mia sa guro. "Salamat po. Ako na po yung bahala sa mga bata habang wala kayo." pangako niya kay Salazar. "Sige na po."

"Sandali lang." Pumunta si rico sa sasakyan at binuksan ang pinto. Hinila niyo ang kanyang bag at binuksan ang isang zipper kung saan nakatago ang ibabalik niyang tumbler, pero nang makita niya ito ay nagbago ang isip niya at muling isinarado ang zipper.

Bumalik siya sa kinatatayuan ni Mia. "May kasalanan pala ako sa'yo. Yung tumbler mukhang nakalimutan ko sa bahay." pagsisinungaling nito.

"Ayos lang po yun."

"Hindi ka galit?"

"Hindi po." 

Muling nag-ring ang cellfone ni Rico.

"Kailangan ko nang umalis, may bata pa akong kailangan turuan ng leksyon. Pumasok kana sa loob." Wika ni Salazar.

"Sige na po. Mukhang kanina pa po yan naghihintay."

"Pumasok kana. Malamig narin dito sa labas."

"Mauna na ho kayo."

"Teacher Mia, sige na." Hinawakan ni Rico ang dalawang balikat ni Mia at inikot paharap sa gate. "Hanggang sa muli."

Tumango si Mia at lumakad papasok sa gate ng hindi na lumilingon.

Nakangiti si Rico na pinapanuod ang dalaga palayo sa kanya.

You Were ThereWhere stories live. Discover now