~Sa bawat hakbang ay nag-iiwan tayo ng bakas na naglalaman ng ating damdamin. Umaasa na isang araw ay may isang tao na nanaising ding tahakin ang landas na ating pinupuntahan gamit ang mga marka na ating naiwan. Isang tao na hindi matatakot na malaman at yakapin kung ano man ang itinatago ng bawat ala-ala ng ating kahapon.~
Pinaandar ni Salazar ang kanyang sasakyan at nagbababakasaling maabutan pa niya si Mia.
"Nakakapagod 'tong araw na to. Gusto ko nang humiga. Ang sakit na ng katawan ko." Wika ni Mia sa sarili habang naglalakad.
Madilim na ang buong paligid at ang mga ilaw nalang sa mga poste ang bumubuhay dito. Marami naring naglalabasang iba't ibang klase ng tao na inaasa sa dilim ang kanilang pangkabuhayan. Nagsasarado ang mga mall at nagbubukas naman ang mga club, at night market. Sa paglalakad nang dalaga may di inaasahang sasakyan na tumigil sa kanyang tabi , nang magbukas ang bintana nito ay nakita niya si Salazar.
"Teacher Mia, sumakay kana." Utos nito sa kanya.
Patuloy lang na naglakad ang dalaga na parang walang narinig at sinundan naman siya nang guro.
"Gabi na kaya mas mabuting ihatid na kita sa tinutuluyan mo." Pilit ni Rico.
"Salamat. Pero wag na po."
"Gusto ko lang na masigurado kong ligtas ka sa pag-uwi mo. Kaya mabuti pa't sumakay kana."
"Kaya kong maging ligtas nang walang inaasahang ibang tao."
Patuloy parin sa paglalakad si Mia at ganun parin ang ginagawa nang guro.
"Pero, hindi kasi ako mapakali na alam kong galit ka sa akin. Gusto ko sanang mag-usap tayo."
"Gabi na po. Umuwi ho kayo."
Inihinto ni Salazar ang sasakyan at di na pinilit si Mia.
Di nagtagal ay napansin ni Mia na may taong naglalakad sa kanyang likuran , paglingon ay nakita nito ang guro na sumusunod sa kanya.
"Wag kang mag-alala dito lang ako sa likod mo, hindi kita sasabayan sa paglalakad." Nakangiting sabi ni Salazar.
Habang humahakbang ay di maiwasan ni Salazar na pagmasdan ang dalaga. Nararamdaman nito na mabigat ang mga balikat ng dalaga at mukhang pagod na pagod. Alam niyang maraming kwento ang nagtatago sa bawat maikling salita ng intern. Mga bagay na mas pinipili nitong itago at kung ano man dahilan, ito ang nais malaman ng guro. Bawat hakbang ng paa ni Mia ay parang inaapakan ang puso ni Salazar sa bigat nang kanyang nararamdaman na tumatagos galing sa dalaga.
"Mukhang mas ok nga 'to kaysa sa laging nakasakay sa kotse. Mas nakikta mo nang maayos yung ganda nang mga buildings at pati narin yung langit. Noong mga bata pa kami nila Mike madalas naming gawin 'to , nilalakad lang namin galing ng school kase ayaw naming magalaw yung allowance namin para lang makabili ng regalo sa mga crush namin. Kaya yun, lagi kaming napapagalitan pagdating sa bahay kase akala nila nagbubulakbol lang kami."Kwento ni Salazar. "Ikaw, madalas mo bang ginagawa 'to?" tanong niya.
Tumango lang si Mia.
"Ng mag-isa?" seryosong boses ni Rico.
Muling tumango si Mia sa tanong ng guro.
"Hindi ka ba napapagod?"
"Hindi pwede." Sagot na kumurot sa puso ni Salazar. Ginagawa ito ni Mia dahil kailangan niya at di dahil sa gusto niya.
"Hmm.Galit ka pa ba sa'kin?"
Tumango lang ulit ang dalaga.
"Ah, kung sa bagay. Tama lang na magalit ka kasi nahusgahan kita kahit wala ka naman talagang ginagawang masama. Sa tingin mo ba mawawala pa yang galit mo? O, kahit mabawasan man lang?" Tanong ni Salazar ng may pag-aalinlangan.
YOU ARE READING
You Were There
Ficção AdolescenteRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!