Chapter X : Usapang Lalaki

19 2 0
                                    



~Wala na yatang sasaya pa sa pagkakaroon ng mga kaibigan na sinubok na ng panahon at itinuturing mong ng kapamilya. Mga espesyal na tao sa buhay mo na hindi mo kayang burahin o ipagpalit sa kahit anong halaga.~


"Father!"  bati ni Rico kay Joseph.

"Bro, akala ko maglalaho ka nalang ng di nagpapaalam." Ani Joseph.

Lumapit si Rico kay Mike at bigla niya itong binigyan ng headlock.

"Aray!!!!"

"Kulang pa yan!"

"Bakit anong nangyari?" Usisa ni Joseph.

"Yung leeg ko!!!" Protesta ni Mike.

"Tignan ko lang hindi maghiwalay yang ulo mo sa katawan mo."

"Kapag nakikita kong ginaganyan mo si Mike , parang ang saya ng pakiramdam ko." Sulsol ni Joseph.

Nang mapansin ni Rico na may nagtitinginan na sa kanila sa loob ng restobar ay tinigilan niya na ito at umupo.

"Ang sakit nun, a! At ikaw, bakit ka natutuwa kapag nasasaktan ako?" Turo ni Mike kay Joseph.

"Wala. Naalala ko lang kung paano mo ako i-bully nung mga binata pa tayo." Sabi ni Joseph. "Ito oh!" say abot niya ng alak sa mga kaibigan.

"Di ka pa ba nakakamove-on?" sarkastikong tanong ni Mike.

"Nasa proseso parin ako." Sagot Ni Joseph.

Agad naubos ni Rico ang isang glass shot na ibinigay ng kaibigan at nanghingi pa ng isa. "Kanina, nagpunta ako sa Infinity café." Bulaslas ni Rico.

"Di nga?!" tanong ni Mike.

"Oo.Bakit hindi mo naman sinabi na nakakatakot pala yung lugar na yun?" reklamo ni Rico.

"Kaya nga infinity café, kase lahat ng pumupunta dun naniniwala sa forever." Paliwanag ni Mike.

"Talaga? Saan yang café na yan?" singit ni Joseph.

"Tsk! Wag ka ng umasa." Tukso ni Mike sa kaibigan. "Teka, sinong kasama mong pumunta dun?" baling nito kay Rico.

Naisip ni Rico yung mga nangyari, "Uminom ka nalang at wag mo ng alamin."

"Sino nga? Ano maganda ba? O kahit sexy man lang?" pangungulit ni Mike.

Nakita ni Joseph na palapit na sa kanilang direksyon ang totoong dahilan kung sakit sila lumabas ngayong gabi. "Nandyan na siya."

"Good evening po kuya Mike, Kuya Joseph, at Kuya Rico!" bati nito.

Tinitigan lang siya ng tatlo na parang may balak na na masama.

"Maupo ka." Utos ni Rico.

"Opo." Pagsunod nito.

"Mukhang malaki talaga ang problema ni Baby Pat-Pat para humingi ng tulong sa ating tatlo." Ani Joseph.

"Patrick nalang po. Malaki na po ako. "

"Ayst! Sa paningin namin ikaw parin si Baby Pat-Pat, kaya hayaan mo nang ganun." Ani Mike.

"Noong bata ka pa, tuwang-tuwa ka kapag nakikita mo kaming tatlo, pero ngayon, hinahanap mo nalang kami kapag may kailangan ka." Sita ni Joseph habang umiinom ng alak.

You Were ThereWhere stories live. Discover now