~Ang bawat kislap sa ating mga mata ay may kalakip na kwento at isang matiyagang puso lamang ang kakayahang pumukaw nito. Isang tao na kayang makinig at tumanggap gaano man katamis o kapait ang salaysay na ito.~
Halos hindi magkanda-ugaga ang mga tao sa loob ng salon kung saan isang part time hair dresser si Mia.
Naghuhubad na ng uniform si Mia sa locker room dahil tapos na ang kanyang shift.Nasa kwarto ding ito ang kanyang tatlong bag at isang maliit na kahon, ito ang kabuuan ng kanyang mga gamit mula sa huling bahay na kanyang tinuluyan . Bago pa man siya matapos magbihis ay dumating ang kanyang supervisor. "Mia, ayos lang ba yung magtagal ka pa kahit sandali lang? Masyado kasing maraming clients at kulang yung tao natin ngayon. Isa lang, pagkatapos nun pwede ka ng umuwi."
"Sige po."Muling sinuot ni Mia ang kanyang uniform(apron/gown).
Pagbalik sa working area ay nakita niya ang customer na kailangan niyang pagsilbihan.Pagtingin sa salamin ay mukha ni Sofia ang bumungad sa kanya."Wala ka bang project at assignments?" tanong nito.
"Oh!!! Ikaw ba yan? Teacher Mia?" shocked voice.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko sa buhok mo?"
"Tsk! Di ako mapakali sa bahay kasi inaalala ko kung nakaalis na ba siya ngayon, kaya naisip ko nalang na pumunta dito para magpakulay ng buhok. Yung uso ngayon, yung pastel hair color. " ani Sofia.
Binatawan ni Mia ang hawak niyang gamit at tinignan ng masama ang bata sa salamin. "Gusto mo bang ma-expel sa school niyo? O baka naman mas maganda kung kakalbuhin nalang kita?"
"E, ano naman kung ma-expel ako? Wala naring halaga yun, kase wala na yung dahilan kaya ako pumapasok." Himaktol ng estudyante.
"Siguro nga. Mas mabuti nga na ma-expel ka. Pumili ka ng kulay dito." Inabot ni Mia ang hair color chart kay Sofia.
Habang hawak ni Sofia ang chart ay nakikita niyang seryoso si Mia habang inaayos ang mga brush na gagamitin nito. "Seryoso ka ba dyan? Hindi mo ba ako pipigilan?"
"Hindi. Matuto kang magdesisyon para sa sarili mo at wag mo iasa sa ibang tao ang magiging takbo ng buhay mo. Sigurado ako na matutuwa ang mga magulang mo kapag nalam nilang na-expel ka dahil lang sa isang lalaki." Sabi ni Mia. "Umayos ka." Utos nito habang sinusuklay ang buhok ng bata.
"Paano mo nasasabi yan? Minamaliiit mo ba yung pagmamahal ko sa kanya?"
"Hindi yun ang tinutukoy ko. Kung gumagawa ka na ng mali para dyan sa pagmamahal na sinasabi mo, mas mabuti pang tumigil kana." Leksyong ibinigay ng intern.
"Teacher Mia, gupitan mo nalang ako." Maamong boses ni Sofia at binalik nito sa cabinet ang hair color chart.. "Yun oh! Gusto ko yung ganung gupit." Turo ni Sofia sa picture sa wall.
Napangiti sa Mia sa pagbabago ng isip ni Sofia.
Habang ginugupitan siya ni Mia ay di maalis ang tingin niya sa dito mula sa salamin."Nagtatrabaho ka habang nag-aaral?"
"Oo."
"Pero, mahirap yun diba? Ako nga, wala naman akong ginagawa sa bahay pero hirap na hirap na, ikaw pa kaya."
"Kailangan kong gawin 'to para makapagtapos."
"Paano kung magkasakit ka sa dami ng ginagawa mo? Bakit hindi ka nalang humingi ng pera sa parents mo?"
"Maswerte ka at may mga magulang ka pang tumutulong sa'yo, kaya mag-aral kang mabuti."
Nalungkot ang mukha ni Sofia ng makuha niya ang ibig sabihin ng sagot ni Teacher Mia at di na ito nagsalita muli.
"Ako naman ang magtatanong, tungkol kay Mr. Salazar."
Nabuhayan ang mata ni Sofia, "Bakit? Anong gusto mong malaman tungkol sa kanya?"
"Gaano mo ba siya kakilala?"
"Bakit mo ako tinatanong ng ganyan?"
"Sagutin mo nalang."
"Diba may Mr. Turtle kana? Ayokong magbigay sa'yo ng kahit anong impormasyon tungkol sa kanya."
"Bakit mo siya hinaangaan?"
"Hindi lang naman ako yung ganito sa kanya, marami kami." tanggi nito."Siguro madaling sabihin na gwapo si Sir Salazar kaya ko siya gusto, pero hindi lang yun basta ganun. Nakikita mo ba yung mata niya kapag nakikipag-usap siya sa'yo? Kase ako,oo, nakikita ko yun. Kahit nakangiti siya sa tuwing kaharap niya kami may ibang sinasabi yung mga mata niya, yun yung gusto kong malaman." Paliwanag ni Sofia. "Iyon din siguro yung isa sa mga dahilan kaya naiinis po ako sa inyo, kase ganun din yung nakikita ko sa mga mata mo. At, natatakot ako na baka may koneksyon yung mga nararamdaman niyong dalawa ."
"Akala ko ayaw mo magbibigay ng impormasyon. Pero, salamat!" –Mia.
"Ang dal-dal ko talaga!Teka, para saan ba yun? Ayaw mo naman sa kanya diba?" sabik na tanong ng bata.
Lumapit ang isang hairstylist sa dalawa, "Sige na Mia, ako na yung magtatapos nito."
"Salamat." Inilapag ni Mia ang hawak niyang gunting at suklay. Bago umalis ay lumingon ito kay Sofi "Umuwi ka agad pagkatapos mo dito."
"Sandali lang! Bakit nga?!" tanong ni Sofia subalit hindi na humakbang na papasok ng locker room si Mia. Dismayadung-dismayado ito dahil hindi niya nakuha ang sagot na iniintay niya galing sa kausap na si Mia.
***
Hirap na hirap si Mia sa paglalakad sa parking lot dahil sa kanyang mga gamit, "Kaya mo 'to Mia" ani niya sarili.
"Tulungan na kita diyan."
Paglingon ni Mia ay nakita niya si Mike na nakangiti. "Anong ginagawa mo dito?"
"Galing ako sa loob, kaso sabi nung supervisor nakaalis ka na daw. Tara!"
"Saan?"
"Sa bago mong lilipatan." Kinuha niya ang mga bag ng dalaga at pumunta sa kanyang sasakyan. Wala nang nagawa si Mia kund di ang sumunod kay MIke.
YOU ARE READING
You Were There
Novela JuvenilRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!