~Wag mong hayaang nakawain ng takot ang bawat segundo na ibinigay sa'yo upang sumaya kasama siya.~
"Di naman ako nagtataka kung bakit ako yung napili niyo na gumanap ilang si Cinderella. Wag kayong mag-alala kase hindi ko kayo ipapahiya kase muka naman talaga akong prinsesa. Magpapractice ako ng mabuti para sa play na 'to." Speech ni Sofia ng malaman na siya ang gaganap na Cinderella at si Jose naman ang kanyang magiging prinsipe.
***
"Ang dami pala nito." Reklamo ni Sofi ng makita ang script para sa play. "E, ang importante lang naman ay magkasya sa'kin yung glass shoes, diba?" dagdag pa nito habang kausap si Mia.
"Hindi naman a."
"Marami parin 'to. Akala ko naman pagsusuot lang ng gown at sapatos yung pa-practisin ko."
"Pero diba mas maganda rin na malalaman ng tao kung sino ba talaga si Cinderella? Na kahit hindi maganda yung pinagdaraanan niya sa kanyang step sisters, di parin siya nawawalan ng pag-asa sa buhay. Na dapat laban lang ng laban kahit mahirap, basta nasa tama ka,laban lang. At, higit sa lahat isa siyang patunay na mahiwaga ang pag-ibig. Na sa dinami-dami ng tao sa mundo ay may isang tao na nakalaan para mahalin ka ng di napapagod at walang katapusan. Na kahit paglayuin kayo ng sitwasyon, makahanap at makakahanap parin ang puso ng paraan para muli kayong magtagpo." Paliwanag ni Mia kay Sofia tungkol sa moral lesson ng Cinderella na maigi namang nakikinig sa kanya.
Di nila alam na naririnig pala ni Rico sa di kalayuan haang tumutulong naman ito sa ia pang mga characters.
"Mahiwaga ang pag-ibig?" tanong ni Sofi.
"Tama ka.Sobrang mahiwaga na minsan nakakatakot na kase baka hindi mo na alam kung alin ang totoo at hindi. Kung kailan ka ba dapat lumaban at kung kaialan yung ending ,na kailangan mo nang tumigil."
"Basta ako, walang ending sa love story namin ni Sir Rico. Kase wala akong balak tumigil at lalaban lang ako ng lalaban hanggang yung hindi totoo ay maging totoo."
Napangiti si Mia sa fighting spirit ng bata. "Mukhang handa kana na maging Cinderlla."
"Handang-handa! Sayang nga lang at hindi si Sir Rico yung prince charming ko. Pero, ayos lang yun kase makikita naman nya sa araw na yun kung gaano ako kaganda at kagaling. Panigurado ko na mag-iiba yung tingin niya sa akin."
"Basahin mo yan mabuti at isaulo mo."
"Yes, teacher Mia! Fighting!"
"Ha?"
"Sagutin mo rin ako ng Fighting! Kase ganun yun sa mga Korean.Fighting!"
"O sige. Fighting!" Masayang nagpractice ang dalawa para sa play ng mga estudyante sa darating na Biyernes.
***
Kumuha ng maiinom si Rico na mapasin niya na bukas ang main door. Nang silipin niya ito ay nakita niya si Mia na nakaupo sa beranda ng bahay.
"Baka naman sumanib na sa'yo si Ciderella nyan." Ani Rico sabay upo sa tabi ng dalaga.
Lumingon si Mia sa guro, "Hindi naman po. Tinitignan ko lang kung paano mas mapapaganda yung play nila sa Friday."
"Ganun ba?"
"Opo."
"Makikita ba namin sa Friday kung gaano kahiwaga ang pag-ibig?"
YOU ARE READING
You Were There
Teen FictionRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!