~Hindi madali para sa lahat ng tao ang magpapasok ng isang bagong karakter sa kanilang buhay. Pero mahirap umiwas lalo na kung pareho kayo ng mundong ginagalawan, kahit anong pigil sa sarili ay magtatagpo parin ang inyong daan.~
Nakasandal sa pader sa labas ng classroom si Mia bitbit ang kanyang folder habang naghihintay. Gaya ng kadalasan nitong ginagawa ,siya ay nakayuko lang at hindi gumagalaw. Nakita nalang niya na may taong nakatayo sa kanyang harapan. Pag-angat ng kanyang ulo ay nakita niya ang nakangitin na si Sofia.
"Ito po." Abot ni Sofia ng isang invitation card. "Sabi ni Sir ikaw daw yung nag-check nung mga papel namin, kaya kahit medyo nate-threaten ako na baka maagaw mo si Sir Salazar sa akin bibigyan parin kita nito." Sabi ni sofia.
"Pero chineck ko lang naman yung test papers niyo.Mataas talaga yung nakuha mong score." Sagot ni Mia.
"Alam ko yun. Nag-aral talaga ako ng mabuti para dun, kaya confident ako sa kakalabasan. Pero, sabi ni mommy dapat daw na kaibiganin ko yung mga kakumpetensya ko. Hindi ko alam kung bakit pero susundin ko parin siya, kase yun daw yung ginawa niya para makuha yung puso ni daddy." Immature na iwinika ni Sofia.
"Para masubaybayan mo yung bawat galaw ng kalaban mo." Seryosong sabi ni Mia sa bata na hawak parin ang invitation card. Kahit di naiintindihan ni Mia kung saan nanggagaling ang pagkainis sa kanya ni Sofia ay hinayaan niya lang ito.
Nanlaki ang mata ni Sofia sa sinabi ng student teacher, "Talaga?"
"Oo." –Mia
"Yun pala ang ibig sabihin nun. Ang ibig sabihin kailangan kitang kaibiganin para masigurado kong hindi mapupunta sa'yo si Sir?"
"Siguro."
"Nakakainis naman e!" himaktol ng bata.
Kinuha ni Mia ang invitation card, "Salamat dito."
"Basta akin lang siya. Kahit bata pa ako sa paningin ninyo bibigyan kita ng magandang laban." –Sofia.
Biglang lumabas ng classroom si Mr.Salazar dala ang kanyang mga gamit at naabutan ang dalawa."Diba ang sabi ko diretso agad sa bahay paglabas ng classroom?" napatingin ang dalawa sa boses ng guro.
"Pauwi narin po ako, may nilinaw lang ako kay teacher Mia. Goodbye Sir!" – Sofia.
Tumingin muli ang bata sa dalawa at humakbang na palayo.
"Sa office." Utos ni Mr. Salazar kay Mia. Naunang naglakad Salazar at nasa likod naman niya ang intern.
Habang nag aayos ng files ay nakatayo si Mia sa harap ng office table.
"Tuwang-tuwa yung bata sa resulta ng exam nila. Ito yung isa sa mga fulfilling part nang pagiging teacher, yung nakikita mong masayang natuto yung mga estudyante. Kahit mahirap, sulit naman." kwento ni Mr.Salazar.
Tumango lang si Mia sa kanya.
Nararamdaman ng gwapong guro na may kakaiba sa dalaga at nahihiwagaan siya sa kung ano man yun."Alam mo, normal na sa mga guro ang pagiging madaldal. Siguro dahil ito yung hinihingi ng propesyon, kaya nadadala namin kahit wala ng estiudyante. Masasanay ka din."- Mr. Salazar.
"Opo." –Sofia.
Silang dalawa lang ang nasa loob ng office.
"Si Mike, matagal mo na ba siyang kakilala?" tumingin si Mr.Salazar kay Mia, pero umiwas ito ng tingin.
YOU ARE READING
You Were There
Novela JuvenilRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!