~May mga uri ng pag-ibig na minsan ay kailangan mong isuko dahil ito ang tama para sa inyong dalawa.~
Pagdating ni Sofia sa receiving area ng salon ay nakita niya ang isang nakatayong lalaki na sobrang vain ng itsura, si Bergilio. Tumayo siya sa tabi nito habang hinihintay ang receptionist. Inobserbahan niya ito mula ulo hanggang paa na nakataas ang isang kilay. Nang mapansin ito ng lalaki ay tumingin din ito sa kanya. Hindi siya binigyan ng kahit anong reaksyon ni Bergilio at hinayaan na lamang ang bata sa pagtingin-tingin nito sa kanya.
Di nagtagal ay lumabas na ang receptionist.
"Hi ma'am and sir! What can I do for you?"
"Pwede ba ka Mia Dela Cruz?" sabay na tanong ng dalawa. Nagkatinginan sila ng marinig na iisa tao lamang ang kanilang hinahanap.
"Ah, si Mia ba? Naku, puno kasi yung shop ngayon at nandyan pa yung owner kaya malabong makausap niyo siya."
"But, I need to speak to her." sabi ni Sofi.
"Hindi talaga pwede, baka mapagalitan lang si Mia. Kung gusto niyo hintayin niyo nalang siya dyan sa coffee shop sa tabi nitong building.Ibibilin ko nalang na hinahanap nyo siya." Paliwanang ng receptionist.
"Ganun ba? Sige." pagsang-ayon ni Bergilio.
"Pakisulat nalang dito ng pangalan nyo." abot ng receptionist sa isang note pad.
"Ako nalang! Parang mas importante kasi ako kumpara sa kanya kaya pangalan ko nalang yung isususlat ko." ani Sofi.
Hindi parin umalma si Bergilio at hinayaan lang si Sofia. Pagkatapos nito magsulat at dinaanan lang siya ni Sofia na nakataas ang isang kilay.
***
Pagpasok sa coffee shop ay isang lamesa nalang ang available at nakaupo na rito si Sofia. "Sige na. Tumabi kana sa'kin. Kesa naman pagkamalan ka nilang waiter dyan.." masungit na anyaya ni Sofia.
Huminga ng malalim si Bergilo at lumapit sa lamesa ng bata.
"So, sino ka?"
"I'm Bergilio." seryosong sagot niya.
"Like, who cares about your name? Ang tanong ko, sino ka? As in, sino ka sa buhay ni teacher Mia?"
"Kaibigan niya ako."
"Kaibigan lang? Kung sa bagay..."
"Anong kung sa bagay?"
"E, bakit mo naman siya hinahanap?"
"May mahalagang pag-uusapan lang kami."
"Mahalaga? Mas importante yung pag-uusapan namin kaya mauuna ako sa'yo.Kuha mo?" Paglilinaw ni Sofi sa kausap. "Teka, hindi naman siguro ikaw si Mr.Turtel, diba? Kase, bakla ka e."
Nabigla si Bergilio sa bulaslas ng bata sa kanya.
"Sige na. Wag mo nang pigilan yan sarili mo at baka maging maging statwa kapa sa pagpipigil. Bergilio pa naman yung pangalan mo." lahad ni Sofia sa kanina pang nagpipigil na kausap.
"Yang bibig mo."
"Bakit,hindi ba? E, tignan mo nga yang ballpen mo, may ganyan din ako." turo ng bata sa kulay pink na ballpen ni Bergilio na may malaking feathers sa dulo. "Ok lang yan. Aminin mo na."
"Tumahimik ka nga dyan." saway nito.
"Gusto mo isigaw ko dito yung totoo? Aminin mo na kase. Bakit ka natatakot? may sinasaktan ka bang tao sa ginagawa mo? Pinili mo ba yan?Hindi naman,diba? Hindi ko kayo naiintindihan, ano bang masama sa pagiging bakla? Mas masama kung ikakahiya mo kung sino ka talaga."
YOU ARE READING
You Were There
Teen FictionRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!