~Mapaglaro ang kapalaran, kaya tayong dalhin nito sa mga tao at lugar na di natin inaasahan. Minsan ay di natin maiinitindihan ang pakiramdam kapag sila ay nasa atin ng harapan. Pero isa lamang ang may kasiguraduhan, ang lahat ng ito ay may itinatagong mahiwagang dahilan na puso lamang natin ang siyang nakakaalam.~
Nakaupo si Joseph sa loob isang maliit na office sa kanyang bahay habang nakaharap sa laptop nang bigla siyang makatanggap ng tawag galing sa secretary ng school principal.
"Hello" –Joseph
"Mr. Castillo, inutusan po ako ni Principal Sanchez na tawagan kayo."
"What for?"
"We received a news that Mr.Camaya had a heart attack this afternoon. The principal wants you to personally update us regarding his current state." Sabi ng secretary habang sila ay nasa isang convention kasama ang principal.
Nabigla si Joseph ng marinig ang balita, "Ok. I will immediately run to the hospital right now. Just please text me all the details" he uttered.
"Gusto rin niyang i-inform mo si Mr. Salazar about this..."lahad ng secretary.
Patuloy ang pakikipag-usap ni Joseph sa cellfone habang nagmamadali siyang tumayo at kinuha ang susi ng kanyang sasakyan.
Habang nagmamaneho ay isinuot niyang ang ear phone at hinanap sa contact list ang pangalan ni Rico.Kasalukuyang nasa waiting area na si Mr.Salazar at naghihintay sa kanyang flight nang matanggap ang tawag ng kaibigang si Joseph.
***
Samantala, nakaupo si Mia sa kama habang nasa kanyang kamay ang turtle stamp , tila di siya dinadalaw ng antok dahil sa paninibago nito sa bagong bahay na tinutuluyan. Kapansin-pansin ding halos lahat ng kagamitan sa kwartong ito ay kulay rosas(pink) buhat sa kurtina, kobre kama, pillow case, couch at ibang design nito.
"Sino kaya ang may-ari ng kwartong 'to? Masaya kaya siya kapag nalaman niyang dito ako matutulog pansamantala."
~deep sigh~
Nagpaikot-ikot na siya sa higaan pero hindi parin siya dinadalaw ng antok.
"Talaga yatang hindi sanay 'tong katawan ko sa malambot na kama, mas lalong sumasakit 'tong katawan ko dito e."
Nang di mapakali ay tumayo ito dumiretso sa pintuan para lumabas ng kwarto. Pagbukas ng pinto ay manarinig siyang kaluskos at hakbang ng paa galing sa labas. Nanlaki ang mata ng dalaga at muling isinarado ang pintuan.
"Si Honey ba yun? Pero, paano?"
Naglakas ng loob siya na buksan ulit ang pinto at dahil nakapatay ang mga ilaw ay hindi makita ng maayos ang nangyayari sa labas. Hanggang sa naaninag niya na unti-unting nagubukas ang main door, halos manginig siya sa takot. Nakita niyang humakbang papasok ang isang matangkad na tao, base sa imahe nito sa dilim.
~Clenching her hand~
"Mr.Turtle, anong gagawin ko?" ani 'to sa sarili.
Lumakad ang taong pumasok palapit sa tort house ni Honey, dahil uvb light nito kaya mas nakita ni Mia kung gaano katangkad ang estranghero. Sobrang nag-alala ang dalaga sa maaring gawin nito sa pinaalagaang pagong sa kanya.
Kahit naninigas na siya sa takot ay pinilit niyang igalaw ang kanyang mga paa , ito ay upang protektahan ang pagong gaya ng bilin sa kanya. Nakatayo lang ang hindi kilalang tao sa harap ng lamesa at di gumagalaw.
YOU ARE READING
You Were There
Genç KurguRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!