~Mapapalad ang mga taong natagpuan na ang pinakamahalagang regalo ng Poong Maykapal para sa kanila, sapagkat hindi lahat ng nagmamahal ay minamahal din pabalik. Ang pag-ibig ay isang sugal, wala kang kasiguraduhan sa maaring kahinatnan nito. Pero, hanggang kalian? Hanggang kalian mo titiisin ang sakit na kahit anong gawin mong subok ay naiiwan ka parin mag-isa. Yung tipong ikaw lang, oo ikaw lang, ang umaasa na sa huli ay kayo paring dalawa.~
Matikas na naglalakad si Beauty palabas ng gate nang bigla nalang sumulpot si Patrick sa kanyang dinadaanan.Dahil dito ay muntik na siyang mapatili na kanyang iniiwasan."Yung totoo may sa maligno ka ba? Bigla-bigla ka nalang sumusulpot kung saan-saan. Bakit ka ba kasi nandito?" nagmamalditang tanong ni Beauty.
"Si Mia? Nasaan siya?" Nahihiyang tanong ni Patrick.
Napakamot nalang ng ulo si Beauty sa tanong sa kanya, "Sandali a, naibulsa ko yata." Nagbibiro nitong sagot.
"Seryoso ako." Ani Patrick habang inaayos ang makapal niyang salamin sa mata.
"So, ano ako sa paningin mo? Isang malaking joke? Hay naku! Wala nga o! Well, di naman kita masisisi kung mapagkakamalan mong ako siya, kase iisa lang naman yung hugis ng mukha namin. Pero , wala talaga siya. Lumipat na ng school. Parang sa Batanes yata, doon na daw niya tatapusin yung college niya." wika ni Beauty habang nag-aabang sa mgiging siya reaksyon ng ka-eskwela .
Simula ng lumipat si Beauty sa St.Mary University 6 months ago ay madalas na niyang makita si Patrick na buntut ng buntot sa kanyang kambal(daw).
Nang mapansin nitong sobrang nalungkot si Patrick sa kanyang ibinalita ay hindi na niya napigilan ang matawa. "Funny ka rin, no? Funny-walain! Nagbibiro lang ako. Sa ibang school sya ipinadala kaya wala sya ditech . Tsaka, diba binusted kana ni Mia?"
"You're right. She rejected me even before I have confessed my feelings to her." – Patrick.
"So, bakit nandito ka parin? Wag mong sabihin na biktima ka rin ng that thing called katangahan o alipin ka ng pag-ibig na walang kasiguraduan? Alin sa dalawa?" – Beauty.
"Because I love her."-Patrick.
"Whoa! Pag-ibig nga naman pag nanasok sa puso nino man gagawin ang lahat makamit ka lamang. Alam mo gwapo ka naman e. Bet nga kita, kaso lang syempre ang alam ng madami tigasin ako kaya binuro ko nalang dito sa puso ko yung feelings ko for you. Bakit di mo kaya i-try mag transform?" - Beauty
"Anong ibig mong sabihin?"
Lumapit si Beauty sa kanya, "Hindi naman sa sinasabi kong weird yung fashion taste mo, pero weird talaga e. Like yang salamin mo na parang mas makapal pa sa side mirror ng sasakyan plus yang pananamit mo naman masyadong goody-goody. Suggestion lang naman yung akin. Syempre, sa huli si Mia parin yung magde-decide. O siya , uuwi na ako." Suhestyon ni Beauty sa binata.
Matagal nang malinaw kay Patrick ang tunay na nararamdaman ni Mia para sa kanya subalit sa kabila nito ay hindi nabawasan ang pagmamahal niya para sa dalaga. Mas pinipili niya ang masaktan ng paulit-ulit basta makita lamang ang dating kaibigan.
***
FLASHBACK:
"Patrick pat-pat! Patrick pat-pat! Hahaha!!!" Tukso ng tatlong estudyante sa batang payat na si Patrick, 7, sa isang sulok papunta sa canteen.
"Tumigil na kayo." pakiusap nito.
"At kung ayaw namin, anong gagawin mo? Tutusukin mo kami ng kamay mong parang chopsticks o baka naman magsusumbong ka sa principal. " tanong ng mga piliyong bata.
YOU ARE READING
You Were There
Novela JuvenilRunnin' out of words................. Ok! Let's keep it short but deep (sweet pala hehe) Paano ba mahalin ang taong nasanay nang mabuhay mag-isa? Pakisagot naman! Note: I will upload at least two to three chapters weekly. Thanks!