1

16K 156 6
                                    

HANNA

Masyado yata akong maaga. Hindi pa ata tumitilaok mga manok ng kapitbahay ko pero heto ako, paalis na para mag trabaho. Iba din trip ko no? Kaloka ako gurl.

Mas maganda kasi bumyahe ng walang traffic. I mean nag t-train naman ako pero iba pa din yun feeling ng wala ka masyadong nasasalubong na tao. Fresh pa yung hangin, yung makikita mo yung pag sikat ng araw habang nasa byahe ka. Feeling ko hinahabol ko siya. Maganda ang simula ng araw ko.

Teacher ako. Elementary school teacher sa public. Ayos lang. Chill. Di sa di ko gusto trabaho ko, di ko lang first choice. Kaka graduate ko lang 2 years ago. Swerte nga raw sabi ng iba ang bilis kong pumasa sa board exams, ang bilis nag katrabaho, nakapag ipon etc.

Mag isa akong nakatira sa bahay ko. I moved out pag ka ipon ko. Nasakal kasi ako. Nasakal ako sa lahat ng nakapaligid sa'kin. Andami ko kasing self issues. Kaya eto ako ngayon independent living. Pero di naman ako ganon ka layuan kina mama, papa at kuya.

"Teacher Hanna, ang aga niyo ho talaga" sabi ni manong guard / caretaker ng school namin.

Mabait to si manong. Siya lage kakwentuhan ko kapag tapos na ako sa pag aayos ko sa loob ng classroom ko.

"Si manong talaga parang di na nasanay" sabay ngiti.

"Sandali lang po ha? Ayusin ko lang room ko tapos hahatid ko po kape niyo"

"Ay salamat po maam!"

Adviser ako ng grade 6. Napaka kuliiit ng mga nasa advisory ko. Grabe bes puputok ugat mo sa ulo sa sobrang sutil ng mga batang to!

Pero kahit ganon sila love na love ko yung mga yun. Kapag alam na nilang galit na ako behave na yan. Kapag sinabi kong cooperation at tulungan, talo pa ang United Nations. Isa lang naman kami sa mga grade level at section na sikat hehehe! Stage mother ang peg ko sa kanila no? Proud adviser here!

"Manong! Kape ho" sabay abot ng kape ni manong guard.

"Salamat iha- ay! Maam pala hehe" sabay kamot sa ulo niya.

"Manong naman, wag na maam! Kahiya eh. Mas matanda kayo sakin. Okay na kahit iha na lang"

"Eh mas mataas posisyon niyo sa kin dito kaya maam dapat"

"Manong ha, isa pang tawag ng maam sa akin magagalit na ako. Okay lang pag di pa school hours. Wala ka ng kape sa susunod sige ka"

"Hahahaha! Oo na iha. Teka matanong ko lang, bat ba lagi kang maaga? Eh mas maaga ka pa sa susunod na guard eh!"

Ganon ba talaga ako kaaga? Pasikat na naman yung araw ah? Anong oras ba ako umalis ng bahay? 5:00? 5:30?

"Eh, wala lang. Mas gusto ko lang yung wala masyadong tao pag nababyahe ako. Mas nakakarelax. Kesa sa yung rush hour na ako nalabas. Stress na nga ako sa trabaho stress pa papunta at pauwi? Edi namatay ako ng maaga haha!"

Mas gusto ko lang talaga yung maaga. Ayaw ko yung masyadong maraming taon nakakasalubong. Ewan. Introvert lang siguro ako. Pero di yung tipong di na kaya makipag interact. Yung tipong gusto lang ng distansya ganon. Ewan haha!

"Ganon ba? Sabagay mas relax nga naman pag ganon. Mabuti rin yon at ng may makausap naman ako dito. Sawa na akong makipag usap sa mga multo dito" sabay tawa ng malakas.

Di nga!? May multo dito!? Sa school!?

"Uy manong wag naman ganyan. Di nga? May multo dito?"

O baka akala niyo horror tong story na ito ha? Hindi. Romance ho ito hahaha! Pero diba naranasan niyo rin naman yan na may mga multo chuchu sa isang lugar na alam niyo? Stuff like those???

"Oo! Totoo! Yug umiiyak na bata sa cr? Totoo yun. Narinig ko minsan. Minsan lang yun. Kala ko nga pusa eh. Pero hindi. Iyak ng bata talaga. Tapos dun sa building ni principal? Yung sinasabi nila na bigla bigla na lang gagana yun water dispenser kahit wala namang kumukuha ng tubig? Totoo yun!"

Woah!!! Patawag na kaya kami ng esperetista? Matatakutin pa naman kaming lahat dito hahaha!

"O sige tama na manong. Wag na tayong mag takutan. Takot na ako. Matagal pa naman ako umaalis dito -_-"

"O isa rin yan, bat ba matagal ka rin umalis? Sakto ka rin naman sa oras na mag time out. Pero bakit nag oovertime ka?"

"Wala lang. Same rin sa reason ko ku bakit maaga ako :) ayoko sa rush hour umuuwi. Maliban na lang kapag grocery days"

Kaloka kaya umuwi ng rush hours no! Hapong hapo na ako niyan bes. Feel ko lalagnatin ako kinabukasan kapag umuwi ako ng rush hours. Yung gitgitan, yung traffic??? Juice colored.

"Di ba nag aalala magulang mo kapag late ka na umuwi?" Tanong naman ni manong.

"Di naman. Ako lang naman din mag isa sa bahay. Independent living yung peg ko manong. Ayoko sa bahay."

"Naku iha, may tampo ka ba sa kanila? Wag ganon. Sabihin mo sa kanila kun anong problema. Baka mahuli ka, magsisi ka"

Eto na naman tayooo~ lahat na lang ng kilala ko iisipin na umalis ako kasi may di pagkakaintindihan -_- di ba pwedeng trip ko lang? Na gusto kon mapag isa? Judgemental ba lahat?

"Nako manong hindi! Wala hong away o ano man. Gusto ko lang pog mag sarili. Kasi Syempre para mas masanay ako. Lumaki akong di marunong sa buhay eh. Kaya eto."

Hindi naman sa hindi ako marunong sa mundo. Nasanay lang kasi ako na binibigay lahat sa akin. I mean di ko napagsisikapan yung mga bagay na gusto ko.

Hindi ko naranasan na mag part time job. Maka ipon gamit sarili kong sikap. Inaasa ko lahat sa mama at papa ko.

Noon, kapag may gusto akong bagay, sasabihin ko lang tapos sila mama at papa pag iipunan nila. Sasabihin nila gandahan yung grades ko, pag butihin ko pag aaral, makukuha ko yun.

I was living on a semi-silver platter kung baga. Hindi full dahil di naman kami mayaman.

Lagi kaming ganito ni manong. Magaan loob ko sa kanya kasi para siyang si lolo. Napaka dami ng wisdom na nababahagi niya sa amin. Lalo na sa akin.

Nagsimula at natapos ang araw ko kagaya ng mga nakaraang araw. Mag kaklase, magpapangaral ng mga makukulit na studyante, makikipag chismisan sa mga co-teachers ko etc. etc. etc.

Chill lang buhay ko.

Until he came.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon