9

5K 68 2
                                    

ANTHONY

"Ugggh..."

Napatingin ako sa relo ko. Alas sais. Pasikat na ang araw. Sakto ang tama ng sikat sa mukha ko.
Nahikab ako at napahawak bigla sa pisngi ko. Masakit. Bat masakit? Sandali, KANINONG BAHAY TO!?

Agad agad naman akong bumangon. Damn. Nasan ba ako? Naalala ko uminom lang ako kagabi. Nadako naman ang mga mata ko sa lamesa na na sa gilid ng pintuan. Familiar ang pictures na nakadisplay ah.

Nilapitan ko tinitigan ng maigi. Teka, si...

"Ginagawa mo manyak?"

Napatalon naman ako sa sobrang gulat. Tama nga ako bahay ni Hanna to. Pa'no ako napunta dito!? At ano? Ako? Manyak? Aba umagang umaga tong babaeng to! Pero dahil bahay niya to at pinatuloy niya ako mag titimpi muna ako.

"Ha!? W-wala. Wala." Gulat na pagkasabi ko.

Bigla kong naalala kakagising ko pa lang at baka ang pangit pa ng itsura ko. Agad agad ko naman inayos sarili ko pero balewala kunot na polo shirt ko. Amoy beer ako. Kakahiya kaharap ko pa naman siya.

"Masakit ba rin ba pisngi mo?" Tanong niya.

"Ahh. Oo. Medyo. Um, may i ask? How did i end up here?"

Tiningnan niya ako ng parang nababaliw.

"Di ko kasi maalala hehe"

"Di mo maalala? Ganon ka ba kalasing? Sinugod mo lang naman ako dito para piliting magsorry sayo dahil nagtatampo ka kasi kung makataboy ako sayo kala mo tinuring kitang aso. Umiyak ka pa nga eh parang bata. Iinom inom di mo naman pala kaya. Nangiistorbo ka pa ng ibang tao."

WHAT THE F...

Namumula ako sa kahihiyan. Shit anthony! Hooo! Nakakahiya ka!

"Teka kuhanan kita ng yelo para mabawasan yang sakit ng pisngi mo. Sandali."

Habang papunta siya sa ref para kumuha ng yelo di ko naman maiwasan na tingnan siya. Tanginang giliw. Kahit nakakahiya pinag gagagawa ko nung lasing ako kinikilig parin ako ngayon. Feel ko nag babahay bahayan kami eh hahaha!

Naka shorts lang siya tapos plain loose shirt. Nakalugay lang buhok niya halatang kakagising niya lang din kasi may marka pa ng unan sa kamay kanang kamay niya. Ang cute hihi!

"O dikit mo sa pisngi mo. Sali mo na panga."

Sinunod ko naman siya.

"Dito ka na lang mag breakfast. Bisita ka kahit papaano. Nakakahiya naman kung papaalisin kitang gutom."

"No it's okay. really. Mas nakakahiya na nga. Nakitulog na nga ko tapos dito pa mag br-breakfast."

"Sus, ngayon kapa nahiya? Sa pinag gagagawa mo kagabi ngayon ka pa mahihiya? Sige na wag ng maarte. Di kita lalasunin."

Ayun. Edi dito mag breakfast. Atleast tataas ang time naming dalawa hahaha! Kinikilig ako tang ina.

Habang  nagluluto siya ng agahan, nilibot naman ng mata ko ang bahay niya. Maliit lang ang bahay niya. Iilang hakbang lang kusina na agad. Isang kwarto sa kaliwa. Malinis at maayos ang bahay niya. It's nice and cozy kung baga.

Ng matapos na siyang magluto, inanyayahan niya na ako sa lamesa. Habang kumakain di parin maalis sa isipan ko kug bakit masakit pisngi ko. Kaya tinanong ko na siya. Nabigla ata siya sa tanong ko at nabilaukan siya. Agad agad ko naman inabot ang tubig sa kanya.

"Ahem. Hmm. Bat masakit?" Maubo ubi niyang sabi.

"Ahhh... Teka pano ko ba sasabihin ng hindi nahihiya ha...."

Ng hindi nahihiya? Ano ba nangyari?

"Ano, diba kagabi, ano... Lasing ka diba?"

Napatango naman ako

"Tapos diba umiiyak ka ganon ganon?"

Tango ulit

"Tapos nun ano.."



F L A S H B A C K

Hanna's POV

Nagulat ako. Nagulat at nagalit sa ginagawa niyang paghalik sa akin kaya nasapak ko siya. As in yung knockout na sapak. Tang shet dis guy! Lasing ba to o nag lalasing lasingan maka score lang!?

Sa sobrang inis ko agad akong pumasok sa banyo ang nag mouthwash! Shet! Amoy beer! Bwiseeet! Uuurgh!! Kung di pa lang masama ang pumatay malamang sa malamang pinag sasasaksak ko na yang anthony na yan! Bwiset talaga!

Di ko na rin siya binigyan ng kumot. Ayoko. Kakatapos ko lang labhan mga gamit ko. Bahala siyang lamukin siya diyan. Bwiset.

E N D





"Ahhh... Diba nga kasi lasing ka? Tapos yun. Ewan ko anyare basta bigla ka na lang gumanon"

HA!?

"Anong ganon? Di ko gets"

"Basta yun na yun. Kain ka na nga lang"

"Sabihin mo na kasi! Pa thrill pa to eh!"

Napatingin naman siya sa akin ng seryoso

"Hinalikan mo lang naman ako kagabi. Hindi smack. Yung madiin. May dila. Kaya sumasakit pisngi mo kasi nasampal kita. Nabigla ako eh. Actually it's more like i punched you kaya nakatulog ka kaagad. O ayan. Okay na? Awkward diba? O balik sa kainan na."

Wtf.

"Sorry hanna. I swear. i don't have any excuse"

"Di wag mo na isipin ayoko rin naman isipin. Tsaka nasapak na kita okay na yun. Alam mo na mangyayari kapag sinubukan mo pa ulit yun. Baka nga di lang sapak gawin ko."

"Di ko talaga maalala. Sorry talaga." Sabay mahinang sabi ng "Pwede ulitin?"

Tiningnan naman niya ako ng masama.

"Gusto mo masapak ulit? Sa kabilang pisngi naman para pantay"

"Joke! Joke lang. Sorry"

Nagpatuloy kami sa paghalikan este sa pag kain. Pagkatapos kong mag umagahan agad agad naman akong nag paalam na uuwi na. Nahihiya rin naman akong mag tagal pa dito.

"Fisrt and Last mo na to'. Wag ka na babalik. I am still firm sa mga sinabi ko. Hindi ako interesado sayo. Sorry."

"I won't stop hanna. Ang layo layo ko na. I am willing to wait until you open that heart of yours. It won't be easy but i am not giving up. Not this time."

"Whatever" sabay sara ng gate.

Pag dating ko sa bahay agad agad naman akong naligo at natulog ulit. May hangover pa rin ako. Hay Hanna, Hanna, Hanna. Paulit ulit kong nireplay yung nangyari sa bahay niya kaninang umaga hanggang sa nakatulog na ako.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon