16

3.4K 42 1
                                    

HANNA

"Oh? Jonas!"

Ito ba yung sinasabi nilang kaibigan nilang si Jonas? Ito ba yung tahimik lang? Ito ba yung hinihintay nila?

Nakatingin lang ako kay Jonas. Hindi ko naman kasi inakala na ang Jonas na kaibigan nila ay ang Jonas na ex boyfriend ko. Maliit nga talaga siguro ang mundo. Sa dinami dami ng Jonas, iisa pa kami ng Jonas na kilala.

Lumapit naman si Anthony.

"I see you've already met each other. Bro, this is Hanna. Hanna this is Jonas. Yung kinikwento namin sayo kanina nila Nikko?"

"J-jonas. Nice meeting you." Sabay abot sa kamay niya.

Aba'y gago pala to eh. Anong akala niya? Chill lang akong makita siya? Bitter na kung bitter pero ayoko makipag plastikan sa kanya.

"Anthony, uuwi na ako. Ang sakit ng puson at ulo ko eh. May dalaw ata ako." Sabi ko ng hindi lumilingon sa kanya.

Nabigla naman si Jonas sa sinabi ko. Nagtaka naman si Anthony at tinanong ako.

"As in now na? Gano ba kasakit? Do you want some meds? Bibili ako."

"Hindi. Gusto ko ng umuwi. Diba sabi mo i can go home anytime i want? Okay lang kahit di mo na ako ihatid. Enjoy the party. Mag tataxi na lang ako."

Umalis ako sa harapan nila. Kinausap naman sandali ni Anthony si Jonas. Sinabi niyang nasa loob sila Gio.

"Hanna! Hanna sandali" sabay pigil sa akin palabas ng exit.

"I'll take you home."

"Hindi na. Okay lang. Home coming niyo diba? Baka magtaka sila na wala ka. Sabihin mo na lang sa kanila na nauna na ako"

"I'll be bothered naman if I can't take you home knowing na may masakit sayo. Sige na hatid na kita. Nasabihan ko na rin naman si Jonas eh na ipasabi sa kanila na masama pakiramdam mo."

Masama pakiramdam ko dahil dyan sa Jonas na kaibigan mo.

"Wag na. Ganito na lang, hatid mo na lang ako sa sakayan ng taxi. Para mapanatag ka."

Napapayag ko naman siya.

"Call or text me when you get home okay?" Sabi niya bago niya sinara ang pinto.

Bat naman kasi iisa pa ang Jonas na kilala namin!? Sana inalam ko kung sino mga kaibigan niya dati.







"Mag hiwalay na tayo. I'm sorry"

Di ko maintindihan. May nagawa ba ako? Okay lang naman kami ah. Di nga kami halos nagaaway tapos makikipag hiwala siya?

"May problema ba? Bat ka ganyan?"

"It's not you. It's me. I'm sorry hanna. Gusto ko lang maging malaya ulit"

Magrarason na nga lang yung gasgas pa.

"Tanginang it's not you it's me na yan! Jonas naman, makikipag hiwala ka na nga lang, wrong timing at reasons ka pa eh! May problema ba tayo? Nasasakal ka na ba sa'kin? May nagawa ba ako? Di naman tayo nag aaway diba?"

Mukhang nainis naman siya sa tanong ko. Siya pa talaga ang may gana mainis? Ako nga tong sinasaktan niya, ako nga tong iiwan sa ere tapos ganyan siya!?

"Tsk! Yun na nga eh! Hanna bored na ako. Bored na ako sayo. Bored na ako sa relasyon natin. Napaka stagnant ng relasyong to! Ewan ko ba anong pumasok sa isip ko. Gusto ko na ng ibang girlfriend. Di na kita mahal hanna. Ayan klaro na ba?"

Bored? Sa akin? Ano ba tong relasyong pinasok namin? Laro? Bat siya mabo-bored? Sino ba kasing nanligaw!? Sino ba kasi pumilit sa sarili niya!? Dalawang taon. Inikot ko mundo ko sa kanya ng dalwang taon tapos ngayon iiwan niya ako. Sinayang niya lang ang dalawang taon.

"LARUAN BA AKO PARA PAGSAWAAN!?" Di ko na napigilan sarili ko napasigaw at napaiyak na ako.

"Sorry"

Di naman ako sumagot. Makalipas ang ilang minuto umalis na siya at iniwan ako. Hindi ko pinagpilitan sarili ko. Ayaw niya na sa'kin diba? Bat ako mag mamakaawa?

Kung nagsawa siya sa akin, di ko na problema yun. Ginawa ko naman lahat bilang girlfriend niya. Kung nakulangan man siya hindi na dahil sa akin yun. Sana sumaya siya sa desisyon niya.

Simula noon pinangako ko na sa sarili kong hinding hindi ako papasok sa relasyon kung hindi naman ako sigurado. Mahirap na. Baka masaktan na naman ako. I can't risk my heart. Nakakamatay ang sakit.

Ilang taon na rin ang lumipas. Three? Four years? Alam ko na anytime pwede kami magtagpo. Pero hindi ko naman inexpect na sa ganitong klase kami magkikita. Akala ko sa kalsada o sa mall lang.

Hindi na ako naiiyak. Hindi ko ramdam ang need for crying. Naiyak ko na ata lahat. Hindi ko na naiisip ang mga "SANA" "BAKIT" at "WHAT IF'S" mas nangingibabaw na ngayon ang INIS.

Nakarating na rin ako sa wakas sa bahay. Naka ilang text at missed calls naman si Anthony sa'kin. Di ko magawang sagutin eh. Ayoko rin sagutin.

Pero dahil makulit siya sinagot ko ang mga text niya.

To: Anthony

Nasa bahay na. Matutulog na ako. Goodnight. Sorry sa eksena kanina.

Sana pag gising ko bukas panaginip lang lahat to. Napupuno ako sa inis ng dahil sa Jonas na yan. Ayoko ulit magka koneksyon sa lalakeng yun. Malapit na matapos ang deal. Alam ko na ang isasagot ko kay Anthony.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon