6

7.1K 81 2
                                    

ANTHONY

"I am Anthony Solis. I know you didn't have the chance to know my name when we were in elementary. Bigla kasi kaming nag migrate sa canada the year nung nag grade 6 ka. I was actually frustrated and mad sa parents ko that time kasi i was sure of my feelings sayo. Walang halong biro. Aabot ba ako hanggang ngayon kung hindi totoo feelings ko for you?"

"I was planning to go back here para dito mag high school. Hahanapin kita. Pero my parents won't allow me. Kaya all through out high school up until college i was planning on how to surprise you. How would i court you lahat lahat na. Planado na lahat. Kaya nung hindi ka sumipot sa usapan pinuntahan na kita dito."

I am at loss. Di ko alam anong isasagot ko sa mga sinabi ng lalakeng to. Di nga? Siya na yung batang nakakairita nung elementary days ko?

"Uh? You okay?" tanong niya sa akin

Di pa rin ako makapagsalita. I am dumbfounded. Hello!? Ikaw kaya bombahan ng ganitong information di ka kaya maloka? Di kaya manghina ang processing ng brain mo?

"Huuy!" Sabay snap ng mga daliri niya.

"Ha? Ano?"

" *sigh* ang haba ng sinabi ko "ha" lang sagot mo? Nevermind. Basta ngayon alam mo na kung sino ako at kung ano ang tunay na pakay ko. So ano na? Let's continue our date?"

"ha!? date!? Seryo-"

Di na ako pinatapos ng salita dahil hinila na ako ng lalakeng 'to. Dire-diretso akong pinasakay sa kotse.

"Teka nga sandali! Makahila wagas? Di ko pa nga na lock yung pinto ng classroom ko, ni hindi ko pa nga nakukuha bag ko tapos date agad agad? Di ko pa masyadong gets ang nangyayari tapos ganito agad? Hilahan!?"

"Oh yeah. Right hahaha! Sorry. Sige kunin mo muna gamit mo. I'll just wait here. And don't go M.I.A again okay?"

tiningnan ko lang siya at lumabas ng sasakyan. Sumasakit na ulo ko sa mga pangyayari this day. Dali dali naman akong nag punta sa classroom. Nag ayos muna ako ng mga materials na gagamitin ko bukas sa klase. Syempre students first bago lande. Ano ba.

Pag katapos kong mag prep for class, kinuha ko na mga gamit ko. Medjo natagalan ako sa kakaayos ng room di ko na inisip na mag ayos pa ng mukha. Hapo na lola niyo mga bhe. Kiber ko sa kanya. Nagmadali na akong ilock ang room at puntahan siya. Baka masigawan na naman ako. Wow lamang.

Malapit na ako sa tapat ng kotse niya ng makita kong kausap niya si manong guard. Halatang masaya ang napapag usapan nila. Di nga nila halata na dumating na ako.

"Ano ho ba kayo ni maam hanna?"

"Ho? Hihihi ano ho ako. Uhmm, how should i say this, uhmm... Boyfriend? Hihihi ^///^"

Huwaaaw naman -_-

"Talaga ser?! Kayo ho boyfriend?! Akala ko po walang boyfriend si maam. Yan din kasi sabi niya eh."

"Hindi pa naman po totally masasabing boyfriend na. Nanliligaw pa lang po ako. Pero for sure its just a matter of time magiging kami rin hihihi"

Taas ng self confidence ng lalakeng to. Nanliligaw!? Ngayon pa nga lang nag kita ligawan stage na agad!? Wow naman mga tsong~ ibang galawan din.

"Nako ser! Sa gwapo niyong yan!? Suuus mapapasagot niyo kaagad si maam hanna hahaha!"

Dahil di ko na masikmura ang pinag uusapan nila. Pinutol ko na.

"Ahem! Ahh, here na me?"

Napalingon naman silang dalawa sa direksyon ko.

"Oh great! I was just about to fetch you sa room mo. I was wondering bakit matagal ka na naman. I thought inindian mo na naman ako"

"Hindi kita inindian. Kung umalis na ako edi sana nakita mo ako palabas ng gate. At manong! Kala ko ba mag kasangga tayo!? Bat parang pina paubaya mo na ako sa lalakeng to ha!?"

"Nako iha, hindi naman sa ganon. Bakit? Ayaw mo ba kay ser? Ang pogi nga o!  Mukahang tunay naman yung pakay sa inyo"

Patango tango naman si Anthony sa mga sinabi ni manong. Oo Anthony. Gamitin na natin. Tutal feeling close na rin naman siya sa akin.

"Manong! Ngayon ko lang ulit nakita tong lalakeng to! Bata pa kami nung huli ko siyang nakausap. Tapos ngayon susulpot bigla? Kabute much? At isa pa, di porket gwapo ibig sabihin pwede na. Di porket may kotse pwede na. Di porket sincere pwede na. Malay natin sa simula lang yan. Pag kalagitnaan biglang magbago."

"Hugooooot!"  Sabi ni manong at ni anthony.

-___-

"Uwi na ako. Hoy mister Anthony Solis, walang date na mangyayari. Pagod ako. May klase ako bukas. Uuwi na ako."

Paalis na sana ako ng bigla niya akong hilahin pabalik.

"Wait! How about our date? I mean, i even went here to see you tapos walang date? Wag naman. Kahit dinner na lang. Let's not call it a date. Ahhh, get together? Catching up dinner? Ganon. Please naman i really wanted to spend time with you. After all these years. Please Hanna?"

Tiningnan ko lang siya ng parang nasisiraan na siya ng bait. Patuloy parin siya sa kanyang puppy eyes effect para mapa payag akong sumama sa kanya.

Nagdadalawang isip pa rin akong sumama sa kanya. True. Gutom na gutom na ako. Anong oras na rin kasi. Pero seryoso, ayoko talagang sumama. Gusto ko ng umuwi.

"Ganito na lang..." Sabi ko.

"Di ko kasi talaga feel to have dinner with you. Pero if you insist on spending time with me, ihatid mo na lang ako sa kanto ng village namin. Sa kanto ha? K A N T O. "

Parang nag dalawang isip naman siya sa suggestion ko. Okay lang kung ayaw niya. Pabor sa akin yon.

"Okay. Fine. If you're really not into having dinner with me, i won't force you. Sige hatid kita sa bahay niyo. Para malaman ko na rin kung san ako magpapaalam kung magpapakasal na tayo"

Naman this guy! Nakakabanas na ha! Lakas ng saltik! Ayoko na di na ako magpapahatid. Ginagago ata ako nito eh.

"Wag na! Shet ka! Ako ba ginagago mo ha!? Ikaw na nga tong pinagbigyan sa mga gusto mong mangyari lakas pa ng loob mong mag komentaryo ng mga ganyan!? Sa tingin mo natutuwa ako na bigla kang sumulpot bigla ha!? HINDE! NAKAKABWISIT PRESENSYA MO! KAGAYA NG PINAG GAGAGAWA MO NUNG MGA BATA PA TAYO! NAKAKAIRITA! WAG NA! Di na ako mag papahatid! GOODBYE!"

sabay takbo palabas ng gate. Bahala siya. Nakakairita na sobra! Masakit na nga ulo ko dahil sa mga nangyari, gutom pa ako, tapos sasabihan ka pa ng ganon!? Syet lamang! Wag na! Pwe!

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon