17

3.2K 37 0
                                    

ANTHONY

From: DreamGirl

Nasa bahay na. Matutulog na ako. Goodnight. Sorry sa eksena kanina.

After all the messages and missed calls buti naman at nagreply din. Hinatid ko na lang sana pero ayaw niya eh. Ganon ba kalala yug sakit pag may dalaw?

"O? Akala namin ihahatid mo?" Tanong ni Ethan pagkabalik ko.

"Eh ayaw mag pahatid eh. Matigas ulo nun eh. Baka pag pinagpilitan ko magagalit lalo."

"Okay lang naman siya kanina diba?" Tanong naman ni Nikko.

"Baka dahil sa nakasalubong niya si Jonas? Panira ka talaga ng kalusugan pre." banat ni Gio.

"Mga sira ulo" sagot ni Jonas.

Nagtawanan naman kami. Pero baka nga dahil kay Jonas? Kasi sa nakita ko kanina parang nagulat siya nung makita niya si Jonas eh. Pero hindi naman sila mag kakilala? Nag pakilala pa nga si Jonas eh. Ay ewan. Maybe she was really not feeling well. Akala ko pa naman it's a good night. Tsk.

"Anyways, Hoy Jonas! Ano ba? Kailangan pa ba talaga naming kulitin ka na pumunta dito? Kulang na lang sunduin ka namin mahiwalay ka lang diyan sa negosyo mo ah" sabi ni Nikko.

"Ano ba naman kayo parang di na kayo nasanay sa'kin. Pupunta naman talaga ako kaso mamaya pa sana. Ayoko lang kasing may naiiwan na trabaho."

"Napaka workaholic mo. Nakakamatay yan mag ingat ka. Wala ka namang anak na binubuhay pero kung maka trabaho aakalaing may sampung anak kang pinapakain" Sabi ni Gio.

"Balak mo na ba mag pamilya ha? Ano ka ba! Enjoy mo din naman pagka binata mo. Tingnan mo ako, di ko na maeenjoy." Sabi ni Ethan.

"Huy gago di mo na ba mahal asawa mo?" Tanong ko.

"Joke lang ano ba -_- syempre mahal kaya nga pinakasalan ko na agad. Pero kasi minsan naiinsecure ako sa inyo hahahaha!"

"Oo na next time kapag barkada time magiging maaga na ako." Sagot sa amin ni Jonas.

Pagkatapos naming mag kwentuhan, nag ikot ikot naman kami sa hall para naman makausap namin yung ibang alumni.

Lakas maka throwback pag ganitong events eh. Lahat ng mga memories namin napag uusapan. Lahat ng kabalastugan during college days naalala hahaha! Pati yung mga kanta naka throwback din.

Few hours later, i went back sa table namin. Kanina pa kasi ako nakatayo kakausap ng mga batchmate ko.

"Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko kay Jonas. Nauna na pala siya.

"Yeap. Sumasakit na tiyan ko sa kakatawa dun sa mga kilala kong taga engineering. Lakas maka throwback ng mga gago eh."

"Dami talagang kagaguhan basta engineering na mga lalake hahaha! May mga kilala ako ewan ko pano ba sila gumraduate."

Kumuha naman ako ng tubig. Nauuhaw na ako eh. Habang umiinom, natanong naman bigla si Jonas.

"Anthony, yung babae kanina? Sino yun?"

"Bakit? Tipo mo?"

"Pagsinabi kong oo? Anong gagawin mo?"

"Loko ka! Akin yun! Maghanap ka ng iba!"

"Hahahaha! Chill lang. Sino ba kasi yun?"

"Naalala niyo yung lagi kong sinasabi sa college? Kapag lagi niyo akong tinatanong kung bakit ayokong magka girlfriend?"

"O? Diba totoo? Bakla ka naman talaga diba? Hahahaha!"

Kung di ko lang to kaibigan malamang sasapakin ko na to -_-

"Iiiee hindi naman kasi totoo! Yung babaeng yun, siya yung dream girl ko. Yung lagi kong sinasabi? Tanda mo pa?"

Mukhang nagulat ata si Jonas sa sinabi ko.

"O ano ngayon? Bakla parin ako? Totoo naman kasi si dream girl pre."

"S-seryoso? Siya yun? Yung elementary ka pa lang?" Tanong niya.

"Yeap! Sinong mag aakala na after all this years magkikita ulit kami diba? Tadhana nga talaga siguro ayiiee!"

"So kayo na?"

Natigilan naman ako sa pagkakilig ko nung tinanong niya ako.

"Yung totoo kasi niyan, nanliligaw pa lang ako. Pero matigas talaga yung babaeng yun. Kahit ligaw ayaw. Kaya yun napilitan akong makipag deal sa kanya."

"Deal? Anong deal?" Tanong niya.

"Na sa loob ng isang buwan, magiging kami. I'll show to her na i am worth the shot. Seryosong seryoso naman ako sa kanya eh. Napapayag ko naman siya. Kaso mukhang wala talagang pag-asa eh."

Hindi naman ako ganun ka manhid eh. Alam ko naman na buo na yung desisyon niyang bastedin ako. Pero pinipilit ko pa din. Ang layo layo na ng narating ko ngayin pa ba ako susuko? Nahintay ko nga siya ng ilang taon diba? I can wait another decade for her.

"Bakit daw ayaw ka niyang sagutin?"

"Natatakot siya eh." Sagot ko.

"Natatakot? Saan?"


"Natatakot lang yan." Sabi ni collin

"Natatakot?"

"Natatakot lang yan na baka gawin niya na namang mundo yung magiging boyfriend niya. Natatakot siya na baka maulit ulit yung nangyari sa past relationship niya." Sabi naman ni angel.

"Atsaka nasanay na kasi siyang mag isa. Hindi naman sa hindi siya nag hahanap ng partner in life. Siguro kasi kapag in a relationship na siya aside sa natatakot nga, eh baka mawala yung independence na matagal niyang pangarap. Lagi kasi yang bantay sarado sa parents niya."

Sabi ni Collin at Angel nung minsan akong dumalaw sa school nila at natanong ko sila about kay Hanna.

"What do you think? Sasagutin niya kaya ako after the deal?" Tanong ko kay Jonas.

Hindi naman agad siya nakasagot.

"Depende yun sa kanya. Di ko kayang sumagot ayokong bigyan ka ng false hope. Mahirap na baka ako pa sisihin mo."

"Grabe siya hahahaha!"

Di na namin tinapos ang event. Medyo lasing na kasi si Ethan at tumatawag na asawa niya. Si Gio naman nauna na mga bandang alas dyes. Si Nikko ihahatid si Ethan. Ako naman pagod at antok na. Si Jonas naman ayun nauna na at balik ulit sa negosyo. May aayusin na naman daw.

Habang nag d-drive pauwi, naisip kong puntahan si Hanna. Pero baka tulog na rin yun malapit ng magmadaling araw eh. Pero dahil matigas ang ulo ko, kaya heto kahit antok at pagod pupuntahan ko siya. Bumili na rin ako ng gamot para sa sakit ng ulo niya.

Nung malapit na ako sa tapat ng bahay niya, nagtaka ako. May kotse kasing naka park. Pagkalabas ko ng sasakyan tiningnan ko ang plate number. Parang familiar eh.

Pag lingon ko sa gate nakita ko si Jonas. Kausap si Hanna.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon