24

3K 33 6
                                    

HANNA

"Dahil ba kay Anthony?" tanong ni Jonas pagkatapos kong sabihin ang totoong nararamdaman ko.

"Walang kinalaman si Anthony. Kung ano man ang estado namin ni Anthony labas ka na dun. And i also realized, that our reationship back then was pure teenage love. Ang babaw ko. Ang babaw mo. Ang babaw ng relasyon natin. Yung tipong unang tingin pa lang talagang di na magtatagal. Pero lahat ng naramdaman ko, lahat ng sinabi ko, lahat ng pinangako ko sayo Jonas, kung hindi mo lang sana sinayang totoo at tutuparin ko. Sorry kung nasasaktan kita ngayon. Pero ayoko na talaga Jonas. I hope you understand."

Di naman siya nagsalita. Tatayo na sana ako para umalis pero bigla siyang nag salita.

"Talaga bang ayaw mo na? Ganon na lang ba kadali kalimutan yung naging tayo?"

Ayoko sanang magalit pero sa mga salitang nabitawan niya, siya pa talaga ang nag kalakas ng loob na mag sabi ng salitang yun?

"Ako dapat magsabi ng linyang yan Jonas. Wala kang karapatang sabihin sa'kin ang mga katagang yan dahil noong una pa sana pumasok yan sa isipan mo. Kalimutan yung naging dating tayo? Wow! Eh sayo ba? ganon na lang ba ako kadali bitawan? Ganon na lang ba ako kadaling iwanan?! ha?!"

"Kaya nga nandito na ulit ako diba? Kaya nga gusto kong bumawi sayo!" sigaw niyang sabi

Napatingin naman ang mga customer sa amin. Nakakahiya. Aakalaing may nag sho-shooting dito ng drama.

"Huli ka na nga diba? Kaya kung pwede lang tigilan mo na.Magalit ka kung gusto mo. Pero di naman hahantong sa ganito kung sana inayos mo noon diba? Baka hanggang ngayon tayo pa rin. Ngayon pa lang Jonas sinasagot na kita. AYOKO. AYOKO NG MAG KABALIKAN PA TAYO."

Umalis na ako at umuwi. Pagod na pagod ako sa trabaho at sa paguusap namin ni Jonas.

Tapos na. Ito na ang pinakahuling beses na masasabi kong tali pa rin ako sa nakaraan naming dalawa. Sa sakit na ilang taon ko rin pilit kinalimutan. I've build my walls way up high and too sturdy para lang sirain at papasukin ulit siya sa buhay ko. Ibang Hanna na ako ngayon. Di na ako kagaya ng dati na handang mag bulag bulagan para sa kanya.

Pag kauwi ko, Hindi pa nga ako nakakapasok sa loob ng bahay, sakto namang umulan. Mukhang nakikisabay rin ang panahon sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko namalayan pero umiiyak na pala ako. Di ko magawang buksan yung pinto kahit ang lapit na. Gusto ko lang umiyak. Kahit nababasa na ako sa ulan. Gusto kong ilabas lahat ng galit, lungkot at sakit.

Bigla namang bumukas ang gate. Lumingon ako at nakita ko si Anthony.

"Hanna?! Are you crazy?! bat nag papaulan ka?! Shit. Tumayo ka nga dali! basang basa ka na sa ulan!"

Di naman ako agad gumalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Bat ka nandito?" unang tanong na pumasok sa isip ko.

"I went to your school. Di na kita naabutan. I know you said na di na muna kita susunduin pero i just can't. Nakita ko si collin. She said you we're meeting up with Jonas pero hindi niya alam kung saan kayo magkikita. I know you would be like this after niyo mag usap. Kaya i decided to go straight here."

Bakit ba tuwing nasasaktan ako laging nandito si Anthony? Bakit parang laging alam niyang iiyak ako? Na masasaktan ako? Hindi ko na napigilan at mas lalo akong napaiyak.

"A-are you crying?" Tanong niya sa akin. Lumapit naman siya at tiningnan niyang maigi kung talaga bang umiiyak ako.

Ewan pero sa oras na yun bigla ko na lang siyang niyakap. Nabigla naman siya sa ginawa ko at halatang nagtataka.

"Ang sakit pala malaman ang totoo. Na ako yung reason kung bakit niya ako iniwan. Ang sakit na di ako naging sapat sa kanya. Na nasakal ko siya. Ako pala talaga may kasalanan Anthony. Ako. Kasalanan ko lahat. Sorry. Sorry kung nadamay ka. Sorry."

Pareho na kaming basa sa ulan at umiiyak pa rin ako. Pero mas lalo akong naiyak nung hinagkan niya rin ako at sinabing,

"Di mo naman kasalanan lahat eh. May kasalanan din siya. Wag mong akuin lahat Hanna. Give yourself a break. Ilang taon ka na ring nasasaktan."

Mas lalo ko siyang niyakap. Hindi na pumasok sa isip ko yung hiya mamaya pagkatapos kong mag drama. Wala na akong pakialam. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang comfort na dala ni Anthony.

"Cry it out. Cry to your hearts content. Matagal mo rin pinigilan sarili mo. Nandito lang ako. I'll stay with you."

Ganon lang kami ng iilang minuto. Nung kumalma na ako niyaya niya na akong pumasok sa loob ng bahay dahil mukhang magkakasakit na kami anytime soon kung di pa ako titigil sa kakadrama ko. Siya na nagbukas ng pinto. Siya na rin ang kumuha ng mga towel at tubig. Buti na lang nandito si Anthony.

"Here drink this." Sabay abot sa baso ng tubig.

Habang umiinom ako ng tubig, bigla ko naman naalala na parang nangyari na to' noong makailang araw na nagdaan. Deja vu ika nga nila.

"Bat ka natatawa? Nabaliw ka ba sa sobrang sakit?" tanong niya sakin.

"Is this scene quite familiar? Pina inom mo ako ng tubig para kumalma ako sa kakaiyak" sagot ko sa tanong niya.

"Ahh! Right. The only difference is that we're soaked hahaha!"

"Thank you pala ha? I don't know how and why you always get the perfect timing to comfort me. Pero thankful ako." sabi ko sa kanya.

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Ako kasi si Prince charming mo kaya i know when to show up when you need comfort or help."

"Prince charming my foot. Baka chismoso ka lang talaga kaya alam mong tumayming."

"Are you really that thankful o gusto mo lang mang asar?"

"Oo na prince charming na po. Thank you~" pangaasar na sagot ko.

Tiningnan niya lang ako ng masama. Habang tawang tawa naman ako sa reaksyon niya.

"My extrang damit si papa na naiwan dito. Kung gusto mo yun na lang muna gamitin mo para makapag palit ka ng damit. Baka magkasakit ka. Sandali kukunin ko."

Pagkatayo ko bigla niyang hinila ang kamay ko para pigilan ako umalis. Nag taka naman ako sa ginawa niya kaya tinanong ko siya.

"M-mag t-towel ka. Medyo madikit yung tela ng uiform niyo. B-baka ano magawa ko sayo."

Madikit yung tela ng uniform ko? Agad naman ko namang tiningnan ko naman agad at oo nga medyo hapit na hapit sa katawan yung tela kaya medyo may hugis ako. Agad ko namang binalot ng tuwalya ang sarili ko.

"A-ahem. Sige kunin ko lang yung damit."

Pumasok na ako sa kwarto ko at kinuha ang damit na naiwan ni papa. Nag bihis na rin ako. Habang nag bibihis, kumatok naman si Anthony sa kwarto para sabihing makikigamit siya ng banyo.

"Okay. Iaabot ko na lang."

Pagkatapos kong mabihis, agad naman akong pumunta sa kusina para mag handa ng hapunan. Nilapag ko muna sa lamesa yung damit na hihiramin ni Anthony. Napapansin kong masyado na atang napapadala yung paghahapunan ni Anthony dito ah? Galing talagang tumayming ng taong to.

Habang nagluluto ako biglang sumigaw si Anthony mula sa banyo.

"Hanna! Pwede pakiabot ng mga damit?"

Kinuha ko at kumatok sa pinto ng banyo. Bumukas na ang pinto at inabot niya ang kamay niya. Pagka abot ko ng damit hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Hoy kamay ko yan halata naman sigurong di damit yan diba?"

Sumilip naman siya sa pinto habang nakatingin sa akin ng seryoso.

"Hanna a-ano..."

"Ano?"

"Gusto mo bang pumasok?"

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon