10

4.6K 59 3
                                    

HANNA

*bell ringing*

"Okay lunch time finished or not finished pass your papers"

"Yeeees! Goodbye and Thank you teacher hanna!"

"K. See you this afternoon"

Tanghali pa lang pagod na ako. Gusto ko ng umuwi T.T nalaman na nila mama kung sino ang nagpadala sa akin ng package at ang mga sumunod pa na mga nangyari last week.

- T H R O W B A C K -

"Magsabi ka ng totoo, sino yang anthony na yan?" Tanong ni mama

"Isa lang ba si anthony at yung lalakeng yun ha? Yung boyfriend mo noon na ayaw na ayaw namin ng mama mo!?" Tanong ni papa

"Hindi. Chill lang kayo okay? Hindi sila pareho ibang tao to. Schoolmate ko dati nung elementary ako. Basta! Wala lang to."

"Hanna, okay lang naman sa amin ng mama mo na mag ka boyfriend ka na ulit. Ako masaya ako dahil may nanliligaw na ulit sayo. Pero ipakilala mo muna ha? Papuntahin mo dito. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Pa, no need na kilalanin dahil wala akong balak na mag ka boyfriend at lalong lalo na mag paligaw sa kanya."

"Bakit? Pangit ba? Di mo tipo? Taas naman ng standards mo nak" sabi ni mama

"Scuse' me di mataas standards ko! Ayoko lang talaga. Ayoko pa. Ayoko sa kanya."

"Bakit ba? Di ka pa ba moved on sa boyfriend mo dati? Ganon ka ba talaga ka inlove na hanggang ngayon siya pa rin?" Ani ni papa

"Urg! Pwede ba? tumawag kayo para dito? Kung ito lang naman pag uusapan natin, end call ko na. Marami pa akong tatapusin."

- E N D -

Pati mga katrabaho nalaman na rin nila. Bibig kasi ng mga kaibigan ko sarap pag papasakan ng medyas. So ayun, after ng mga pangyayari last weekend eh madalas na siyang pumunta dito.

Para daw sunduin ako, ihatid sa bahay, dinner date, minsan nag papadala ng lunch. Pero di ako sumasama. Di ko kinakain. Ayoko. Paulit uli ko pa rin siyang sinasabihan na ayokong mag paligaw.

"Ma'am Hanna! Dali lunch na tayo may pinadala na naman si Sir Anthony!"

Tawag ng principal sa akin nung makita niya ako sa biometrics sa may gate

Tigas talaga ng bituka ng lalakeng yan!

"Infairness ha, di na lang ikaw hinahatiran ni sir. Sana ganito lagi. buffet hahaha!"

May mga ganitong tao talaga. Mga oportunista. Dyan magaling principal namin. At anong buffet? Dali dali naman akong pumunta sa faculty at viola! Buffet nga! Ang mga bruhilda at mga co-teachers aba nakanguya na!

Nilapitan ako ni angel

"Gurl, ikaw ha! Sinagot mo na ba? Bat nag pa pyesta?"

"Anong sinagot? Hindi! Atsaka wag ka nga kumain ha! Sino ba kaibigan mo!? Ako nga di nakain na para sa akin yan! San kaba talaga kampi!? Hoy collin! Wag ka ngumuya!"

"O sige gusto mo bawiin ang mga kinain nila? Ng principal? Di ka mahihiya?" Tanong ni collin

"Ano ka ba! Para sa lahat to gurl! Kumain kana. Di naman ikasasakit ng tiyan mo ang pagkain nyan! Di ka man lang marunong mag appreciate! Ang effort na nga ni lalake sa'yo tapos ganyan ka"

"Oo nga" sabat ni angel

Minsan ayoko silang kaibiganin T_T sabagay nakakahiya naman sa iba kapag nag tantrums ako dito diba? Tapos babawiin ko mga kinain nila. Pero ayoko kumain! Ayokong tumaas ego ng lalakeng yun!

"K fine. Edi kumain kayo. pakabusog ha? Ubusin niyo. Yung walang halos butil matitira"

"San ka ba pupunta? Di ka kakain?" Tanong ni angel

"Hindi. Sa room ako kakain. May baon ako! tsk!" sabay alis.

"Pabebe" sabay sabi ni angel at collin

Kinahapunan tumawag siya makailang beses din yun pero di ko sinasagot. aside from the fact na ayaw kong sagutin eh nag kaklase ako. So ayun after ng classes pinuntahan na ako ng staff sa principal's office. Sagutin ko na daw mga tawag ni anthony kasi naririndi na ang principal sa kakaring ng telepono.

Lintek talaga pati ba naman sa opisina mangdidistorbo!?

"SAGUTIN MO HANNA! PAGOD NA AKO SA KAKAHELLO!" sabi ng staff

"Y-yes ma'am pasensya na po"

*ringing*

"Why won't you answer my calls!? Kanina pa ako tumatawag sayo. Do i have to call the school's landline para ma inform kang tumatawag ako? Katampo ka"

"...."

"Hello?"

"...."

"I know you're there hanna"

"...."

"*sigh* i'm sorry for annoying you."

"Kailangan ba talaga ganyan ka ha? Kailangan ba na tawagan mo ako ng want to sawa? Kailangan ba na mag pa buffet ka dito?"

"Yes because i miss you. Yes kasi nagpapa pansin ako dahil mahal kita. Yes kasi i am courting you. At yung buffet? You don't want that? Okay i'm sorry maybe it's over the top. Sorry about that. Sorry na"

"Talagang OVER THE TOP! Alam mo ba they we're asking me if i already said yes sayo!? At ilang beses ko na bang dapat ipagsaksakan diyan sa kokote mo na AYOKONG MAG PALIGAW!"

"The word N-O is not on my dictionary teacher hanna. I told you before i won't stop until you say yes."

"Well F.Y.I you won't get it."

"Ah ganon? Sige. Let's have a deal. I'll fetch you. YOU SHOULD WAIT! pag usapan natin to ng personal."

"Ayoko nga sabi eh!!!!!"

With pag papadyak pa yan! My ghad maiiyak na ako sa inis dahil sa lalakeng to!

"Pakinggan mo muna kasi ako! Susunduin kita! Mag usap tayo! Wag matigas ang ulo! Hintayin mo ako kung ayaw mong mangdistorbo na naman ako ulit sa principal's office o sa mga katrabaho mo"

"Are you blackmailing me!?"

"If that's how you call it then so be it"

Bwiset! Ganon? Sige Eye for an eye tooth for a tooth!

"K. See you" sabay drop ng call

He won't back down kamo!? Black mailing me!? HA! di rin ako aatras! Makikita niya!



Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon