27

2K 25 0
                                    

ANTHONY

It's monday and like what I asked last saturday, nandito ako sa school para sunduin si Hanna. Ang sarap sa feeling na bumalik na sa dati yung turing ni Hanna sa akin. Pinapasok na rin ako ni manong guard hahaha! At tama nga ang sinabi ni Hanna sa akin na pag uusapan nga kami pag nakita nila ako ulit. So ayun, pagkababa ko ng sasakyan galing sa pag pa-park eh agad na sinalubong ako ng principal at ni Angel.

"Nagkabati na kayo?" bungad ni Angel sa akin. Kinalabit naman siya ng principal at sinabing

"Huy ano ka ba! Pero di nga? bati na kayo?"

Napatingin si Angel sa kanya na parang di makapaniwala sa sinabi ng principal. Ang awkward palang ma corner ng mga ganitong tanong. Sasagot na sana ako ng biglang sumingit si Collin para awatin ang dalawa.

"Akala ko ba teachers tayo? Bat parang taga NBI kayo?"

Napatingin naman silang dalawa kay Collin at agad bumalik sa Principal's Office.

"Pasensya ka na. You should know by now basta teachers eh..." bungad ni Collin sa akin.

"No it's okay. It's better to clarify things rin naman. Atleast they wouldn't get the wrong idea."

"Nasa classroom niya si Hanna. Pwede mo ng puntahan. Nag e-encode lang yun ng grades. Kanina pa yun nag hihintay sayo." sabay smile.

I said thank you kay Collin at agad na pumunta sa room ni Hanna. Ng nasa pinto na ako nakita kong napaka seryoso niya sa pag e-encode ng grades. I just looked at her without calling her attention. Ganoon lang ako. Nakatingin sa kanya. I find her beautiful when she's serious, when she laughs, when she's mad. She's beautiful kahit anong gawin niya.

Di katagalan napatingin siya sa relo niya.

"5:30 na wala pa rin siya?!"

Kinuha naman niya ang phone niya at tinawagan ako. Laking gulat niya ng marinig niya mag ring ang phone ko.

"Kanina ka pa ba diyan?!" Gulat na sabi niya.

"Hehehe di naman."

"Bat di ka man lang nag salita?!"

"You we're too serious sa pag e-encode and i didn't want to disturb you. Don't worry I was not bored. I like looking at you." sabay kindat sa kanya.

Halata naman sa mukha niya na namumula siya. Kinikilig na ba siya sa'kin? hehehe! YES! Tumatalab na ang pagka pogi ko!

"Tsk! Mag d-date pa tayo diba? Dali na gutom na ako." Agad naman siyang nag ayos ng gamit niya at kinuha ang susi ng room para ilock ito.

Habang nasa sasakyan napatanong naman siya sa'kin kung saan ba daw kami mag d-date.

"Basta it's a fancy restaurant."

"Ano? fancy?! hindi. Ayoko. Wag dun. Sa iba na lang." sabi niya

Allergic ba siya sa word na fancy?! noong unang pagyaya ko sa kanya di siya sumipot. Sa pangalawang pagyaya ko ayaw niya rin. Naging chicken fillet yung dinner nung time na yun. Tapos ngayon ayaw pa rin?!

"Don't worry it's not that fancy and besides, ako ang mag babayad. Dun na lang tayo ha? Di naman siya super fancy!"

"Bat ba kasi ang hilig hilig mo sa mga mamahaling resto?"

"Wag ka ng choosy. Akala ko ba babawi ka sakin?!"

Tiningnan lang niya ako ng masama. Siguro kung nakakamatay lang ang pag titig ng masama malamang matagal na akong nalibing. Di naman siya naimik pa. Silence means yes pero in this situation let me add that aside from yes it may also mean surrender HAHAHA!

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon