28

1.8K 16 1
                                    

HANNA

"Sira ulo. Nakakailang nakaw na sakin yang lalakeng yan ah!"

unang nasabi ko pag kapasok ko sa loob ng bahay.

"Good night Hanna! Sweet dreams! I love you!"

Sigaw ni Anthony sa labas. Kailangan ba talaga mag sisisigaw? pwede namang text or tawa- HANNA!!!! NOT NICE!!!!

Pero aaminin ko kahit na naiinis ako sa ginawa niya kinilig ako. NG KAUNTI LANG OY! K A U N T I .
Agad ko namang kinalma ang sarili ko. Nakakapagod ang araw na to kaya mas minabuti kong matulog ng maaga.

Natapos na ako sa mga ritwal ko bago ako matulog ng tumunog ang phone ko.  Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag.

"O? makiki chismis ka?" bungad ko kay angel.

"Grabe ka friend di naman ako ganon ka chismosa pero oo makikichismis ako HAHAHA!"

Ta mo? di daw chismosa pero makiki chismis? Minsan na tatanong ko talaga bakit ko kinaibigan to.

"Okay lang yung date namin. Walang surprise na nangyari o kung ano pa man. Typical date. Kain, Usap, Uwi."

"Yun lang? ano ba napagusapan niyo?"

"Kung pwede ba raw siyang manligaw. Kahit naman sabihin kong ayoko manliligaw pa rin naman ang mokong so pumayag na ako."

Napasigaw naman siya sa sobrang kilig.  parang siya pa ata yung liligawan eh.

"Pwede na bang matulog?"

"Uy teka lang naman sandali! Wag muna! Alam kong meron pa talagang chika eh! Hanna~ sige naaaa~"

"Chismosa"

"Oo na oo chismosa na ako sige na go na spill!!!"

"Yun nga lang yun! Basta sinabihan ko siyang wag mag expect. Pwede manligaw pero wag siyang mag expect baka kasi sa huli wala rin talaga."

"AHHHH!!! IIIEEE!!!! So may chance?! oh em! i'm so happy for you girl! promise bet ko talaga si Anthony for you! Oo tama ka nga naman sa point mo na wag mag expect pero iiiieee~"

"Sige na bye na! inaantok na ako"

"Bye gi-"

Di ko na siya hinintay sumagot. Pinatay ko na agad ang tawag. sakit sa tenga ng boses si angel eh. Sigurado bukas magpapa chika pa yun.

Ilang minuto pagkatapos tumawag ni angel ay tumunog na naman ang phone ko. Agad ko naman itong sinagot at inakalang si Angel pa rin ito.

"Pwede ba? bukas ka na maki chismis ha? antok na nga ako diba?!"

"Oh. Sorry. I thought it would be fine to call you. Pero sige goodnight Hanna i love you!"

"Anthony?!"

Agad ko naman tiningnan ang caller ID at si Anthony nga. Mabilis ko naman siyang pinaliwanagan.

"Sorry! akala ko si Angel parin. nangungulit kasi."

"O, so okay lang na tumawag ako? inaantok ka na sabi mo diba?" sagot niya.

"Ay hindi okay lang. Ano ba kailangan mo? bat ka napatawag?"

"Nothing. I just want to talk and hear you before we sleep. I miss you already eh." sabay tawa

Miss na agad? eh wala pa ngang isang araw na di nag kikita miss na agad? Ganda ko ha.

"Ah ganon ba? o narinig mo na ako nakausap mo na? so okay na?"

"Grabe ka naman. I would love to talk to you more."

"Eh yun sabi mo eh. At isa pa naiinis ako sayo! nakakailan ka na sa bibig ko ha?! ano kala mo sakin?! easy girl?!"

"HAHAHAHA! Marami pa akong mananakaw my dear kaya wag ka na masurprise. If i know gusto mo rin naman."

ABA ANG KAPAL TALAGA NG APOG NG LALAKENG TO.

"Excuse me. Subukan mo lang talaga mawawalan ka ng kakayahang mag ka anak sira ulo ka."

"Wag naman! Gusto ko ikaw maging nanay ng mga anak ko! Anyway, sunduin kita ulit bukas ha?"

"Nanay my face. At bakit mo ko susunduin? wag na. ang hassel sa part mo."

"Nanliligaw ako sayo diba? bat parang ayaw mo akong pumorma ha?"

Ganon ba ang dating sa kanya? HAHAHA! Sarreh naman. I was just considering his time and energy.

"Hindi naman sa ganon ang sa akin lang, hassel kasi mag kaiba direction ng bahay natin. Baka mamaya singilin mo ako ng pang gas mo. Wala akong ibibigay bahala ka"

"No hindi hassel sa akin basta makasama lang kita kahit man lang sa pauwi. And atleast i get to see na you got home safe. Di kita sisingilin ng pang gas. yung puso ko na lang paki sauli."

"tngna bumanat ka ba?! HAHAHAHA!"

"Huy! bibig mo! teacher ka pa naman tapos you curse at sa akin pa talaga!"

"HAHAHAHA! Nakakatawa lang kasi nakaka cringe yung banat mo" sabay panginginig ko.

"Hahahaha! ateast i made you laugh. To be honest kahit ako nag c-cringe sa sinabi ko HAHAHAHA!"

Pareho lang kaming natawa sa sinabi niya. Marami pa siyang banat na sinabi at pinag tawanan lang namin. Napatingin naman ako sa oras at omg ala una na ng madaling araw. May pasok pa ako bukas!

"Anthony, kailangan ko na matulog. Ala una na pala ang hyper pa natin matulog na tayo"

Natahimik naman siya bigla. Siguro napatingin rin sa orasan.

"Well i don't mind being late nor absent tomorrow. I'll have more time for you"

"Well i can't afford to be late nor absent tomorrow. Teacher ako remember?"

Natawa naman siya sa sagot ko.

"Okay fine. Sige na matulog ka na. So susunduin kita bukas ha?"

"Wag na kasi. I need my Me Time."

Napabuntong hininga naman siya sa sinabi ko. Halatang gustong gusto niya talaga ako mahatid bukas pauwi eh.

"Fine. I'll call you na lang. Sige na goodnight!"

"Mmm. Good night din."

Ibaba ko na sana ang phone ng may pahabol pa siyang sinabi.

"W-wait!"

"Ano?" sagot ko.

"I LOVE YOU"

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Huy! I LOVE YOU HANNA. Sagot naman dyan!"

"I know." sabay end ng call.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon