30

3.1K 29 7
                                    

HANNA

"AHHHHHHH!!!!!!!"
"Sana lahat!"
"Dahan dahan baka maapakan niyo buhok ni Hanna! HAHAHA!"

Sigawan ng buong faculty ng dumating si Anthony na may dalang bouquet at cake. Masyadong pasikat. Gusto niya raw kasi ipagsigawan more like ipagyabang na kami na.

"Pabibo ka rin eh no?"

Tinawanan lang niya ako at inabot ang dala niya. Sabay kausap sa mga co-teachers ko.

"Mga Ma'am and Sir, Official na po kami!"

Nagsigawan ulit sila kasabay ni Anthony. Ang bakla lang tingnan kapag kinikilig siya.

"Congrats sa inyo!" sabi ni Angel.

"Wag mong papaiyakin si Ma'am Hanna ha?!" sabat naman ng Principal.

"Ay opo syempre! promise ko po yan sa inyo. Kapag hindi ko tinupad patokhang niyo ako." sabay tawa.

Nag paalam naman siya na aalis na siya. Lunch time pala ngayon at tumakas lang siya sandali para magpasikat sa faculty. Binigay ko naman ang cake kina Collin para makipagshare sa faculty. Hinatid ko naman siya sa sasakyan niya.

"Nasurprise ka ba?" tanong niya sa akin habang naglalakad papuntang parking.

"Slight lang. Medyo inexpect ko kasi."

Napasimangot naman siya sa sagot ko. HAHAHA! Ang cute niya.

"Tsk. pero okay na rin atleast na surprise ka pa rin kahit slight. Don't worry i still have a lot on my sleeves hehehe!"

"Dapat nga siguro akong mag worry hahaha!"

Nasa tapat na kami ng sasakyan niya ng bigla naman siyang napatigil.

"I love you" seryosong sabi niya.

Hinawakan ko naman ang mukha niya at sabay sabing,

"I love you too. So much."

Hahalikan niya sana ako ng pigilan ko siya.

"Wag kang masyadong madala nasa school tayo."

"Ay hahaha! oo nga pala. Later na lang. Lagot yang bibig mo sakin." sabay kindat.

"A-araaay! a-aahhh!"

Nagulat naman siya at halatang nataranta.

"Huy! Is there something wrong?! Hanna?!"

Sinilip ko naman ang mukha niya.

"Wag ka kasing kumikindat! Kinikilig heart ko sayo eh!"

Nawala naman ang kaba sa mukha niya.

"Lagot ka talaga mamaya."

"Hehehe! Sige na alis na. late ka na sa work. kailangan ko na rin bumalik sa classroom."

Kinahapunan, last period na ng advisory kong Grade 6. Syempre ako ang last teacher nila.

"Ma'am Hanna! sinagot niyo na si Sir Anthony?!" tanong ng mga babaeng studyante ko.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon