3

8.8K 119 2
                                    

HIM

"Hello ser, ah ano po kasi, pinabalik yung package na pinadala niyo kahapon."

"Pinabalik? Bakit raw?"

"Sabi po kasi nung pinadalhan niyo prank delivery po eh."

Anak ng... Bat naman magiging prank delivery to!? Ang effort ko pa naman sa pagpadala niyan tapos prank!?

"Anong prank!? Anong ka prank prank sa pinadala ko ha???"

Sira ulong babae yun! Nakalimutan niya na ba ako!? Tama naman ang address ah?

"Ano bang nakaprank dito!?"

"Ah ser, baka ho itong sender name ninyo? Bakit niyo naman po kasi pinangalanan na Mr. Grade 1?"

"Para maalala niya! Anong problema sa pangalan na yan ha!? Ano!?"

"Ho? Wala ho! Napaka mysterious nga po eh. -_-"

"Padeliver mo ulit! Sabihin mo di prank yan. Talagang sinadya yang pangalan na yan!"

Tama naman ang address ko ah? Di niya ba maalala kung sino ako? Eh nag promise siya eh!

Di pa naman siya kasal ah? Nakita ko pa nga facebook niya ang sabi SINGLE. lagot sakin yang babaeng yan pag nagkita kami. Naka plano na lahat. Seryosong seryoso ako. Kahit nung 10 years ago, seryoso ako.

HANNA

Habang nasa kalagitnaan ako ng klase, bigla namang nag ring ang phone ko. Di ko na pinansin. Nagtuturo ako diba? It can wait charaaught~

Pero ring pa ring ng ring. -_- Naman o!!!!

"Sandali lang class ha? Mukhang importante to eh. Wait lang. Uhmm, copy what's on the board first. I'll be checking your notes later. Excuse me"

6 missed calls : Mother earth

"Hello ma? Bakit?"

"Nak, binalik ulit yung package. Sabi nung sender di naman daw prank to. Talagang para sayo daw"

Haaaa!? Sino bang maniniwala sa ganyang reason eh yung pangalan nga di ka panipaniwala -_-

"Ano? Balik ko ulit? O sunugin ko na?"

"Sunog agad!? Di ba pwedeng tingnan ko muna? Grabe siya o"

"Baka anong laman. Edi patay ka na??"

Paranoid mother be like...

"Daan ako dyan mamaya. Kukunin ko. Atleast pag sumabog o kung ano man ako lang. di kayo damay"

"Ano!? Hindi!!! Dito mo buksan! Pagkatapos ng classes dumeretso ka na dito. Wag ka na mag train. Mag taxi ka! Dami mong pera napaka kuripot mo naman!"

Ano ba to? Plano sabay sermon?! Wow lang... Buti na lang nag paka independent ako -_-

"Oo na. Mag tataxi na ho. Sige na. May klase pa ako. Bye"

Kinahapunan kinausap ako nila angel at collin tungkol dun sa package. Sila nga pala barkada ko simula college hanggang ngayong may trabaho na, mag kasama parin kami sa iisang school. O diba? #SxOLidHo #SquadGoals.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon