25

3.2K 46 8
                                    

ANTHONY

"Hanna a-ano..."

"Ano?"

"Gusto mo bang pumasok?"

Hinawakan niya rin ang kamay ko. Hindi ko na maisip kung tama ba ang gagawin ko o hindi. Hinawakan niya ng maigi ang kamay ko at sinubukan niyang isara ang pinto habang nakalabas pa ang isang kamay ko. Edi na ipit ako.

"Di mo talaga mailugar yang utak at bibig mo ano?!" sabi niya habang mas lalo pa niyang iniipit ang kamay ko.

"A-araaay! that's not what i meant! ARAAAAY!" Sigaw ko habang nag pupumiglas sa pagkakahawak niya at sa pag kakaipit ko sa pinto.

"Bakit ha? Bakit gusto mo ako papasukin sa loob ng cr?!"

"Ipis! May Ipis! Di ko makuha yung relo ko dahil may ipis!!!!!! ARAAAAY!!!!"

Nahinto naman siya sa pag ipit ng kamay ko at tiningnan lang ako. Tiningnan ko kung saan ko nilagay ang relo ko. Dahil sa ingay napag desisyunan niyang mas lumapit pa sa relo ko. Pumatong na siya actually sa relo ko.

"Kunin mo pleaseeee? Ayoko talaga sa ipis. Hanna please! Bibilisan kong mag bihis tapos kunin mo yung relo" mangiyak-ngiyak kong sabi

"Kalalake mong tao takot ka sa ipis?!"

"Hindi porket takot ang lalake sa ipis nakakawalang pag kalalake na! Don't judge me! Baka gusto mo pakitaan kita!!!!"

Binitawan naman niya ang kamay ko at agad naman akong nag bihis pero nakasilip pa rin ako sa pinto.

"Sige na patulong na T^T Kung ano ano iniisip mo eh! nag papatulong lang naman yung tao!"

"Kung ano ano kasi sinasabi mo!!!! Sira ulo! Sige na bilisan mo mag bihis kukuha lang ako ng walis."

Umalis naman siya sandali para abutin yung walis habang sinusuot ka yung shorts. Agad naman akong lumabas ng cr. Dala dala na niya yung walis at tiningnan ang banyo.

"Nasan ba relo mo?" tanong niya.

Tinuro ko naman yung lababo.

"A-ayun sa may lababo"

Tiningnan naman niya ako ng masama at tinulak ko na siya papasok.

"Tsk! makatulak ha?"

Hinanda naman niya ang walis at winasiwas sa may lababo. Mabilis namang umalis ang ipis at kinuha na ni Hanna ang relo ko pero ewan ko lang talaga sa mga ipis na to' bat trip nilang mag feeling butterfly! Lumipad yung ipis papunta sa paa ni Hanna na ikinagulat naming dalawa. Kaya napatalon siya at nagsisisigaw ako. Sa sobrang pagtatalon niya nadulas siya. Pero buti na lang nasalo ko siya kaagad.

"AHHHH! AHHH!!! NASA PAA KO PA!!!! AYAW NIYA UMALIS AAAAAAHHHH! SHET KASALANAN MO TO!!!!" sigaw niya habang nag tatatalon na nakayakap sa akin.

Yakap ko pa rin siya at sinilip ko kung talagang nasa paa pa ba niya yung ipis.

"Wala na! wala na yung ipis. Naapakan mo. You killed it."

Natigil naman siya at tiningnan ako.

"Ha? Wala na? pero bakit may nararamdaman pa rin ako!?"

Tingnan ko naman ulit at t-shirt lang pala na hawak ko na nasasayad sa paa niya.

"T-shirt ko nasasayad sa paa mo. wala na talagang ipis."

Siya naman ang tumingin at napa buntong hininga naman siya. That's when i realized na yakap yakap namin ang isa't-isa habang wala pa akong t-shirt. Edi mas lalo ko siyang niyakap. Minsan lang ang chance na to' diba?

"Hoy sumosobra kana. Baka gusto mong magaya sa ipis?" sabi niya.

Agad naman akong bumitaw. Inabot naman niya ang relo ko at ang walis. Bumalik naman siya sa pagluluto.

"Kung gusto mo dito mag dinner walang problema. Pero kung nahihiya ka, paki sauli na lang yung damit bukas." sabi niya.

Pinapaalis na ba ako nito? Hindi naman ako nahihiya so dito na ako mag di-dinner. Dahil nga hindi ako nahihiya, binuksan ko yung tv at nanood. Hindi na ako nakatulog mind you. Palihim ko lang siyang tinitingnan habang nag luluto. I feel like we're married couple. I get home from work while she cooks for me and i just enjoy the view. Anak na lang talaga yung kulang eh. Haaaay kelan pa kaya magiging totoo to'?

Tapos na kaming kumain ng hapunan at hindi pa rin tumitila ang ulan. Nanonood na lang kami ng tv ngayon at thank God talaga ang lakas ko sa kanya! Baha lang naman sa labas at hindi ko na mapapaandar ang sasakyan ko dahil nalunod na ang makina. Bukas ko na iisipin kung okay lang ba ang sasakyan ko o hindi na. Sa ngayon, Quality time namin ni Hanna hehehe.

"K fine. Lubus lubusin mo na. Dito ka na lang matulog. Buti na lang sabado bukas."

"Sure ka? Sorry. Bukas na bukas uuwi na agad ako." sabi ko. Pero dee inside nag bubunyi ako hahaha!

Pumunta naman siya sa kwarto niya para kuhanan ako ng kumot at unan.

"Manonood ka pa ba ng tv? Matutulog na ako. Pagod na ako."

"Yeah. Don't worry ako na bahala pumatay sa mga ilaw. Goodnight."

"Salamat. Goodnight."

Matagal tagal rin ako annood ng tv bago natulog. Mag a-alas dos na ng umaga ng biglang may naramdaman akong tapik sa balikat ko. Pagdilat ko si Hanna. Agad naman akong bumangon.

"Why? What's wrong?" tanong ko sa kanya.

"Sorry sa distorbo i'm sure malalim na yung tulog mo. Pero ano k-kasi..." nagdadalawang isip niyang sabi.

"Kumikidlat kasi."

"O? ano ngayon?"

"P-pwe-pwede bang samahan mo ako matulog dun sa kwarto? Sa baba ka syempre. Ayoko lang mag isa dun."

Everyday i learn something new about her. Ayaw niyang may nakakakita sa kanyang mahina siya. Ayaw niyang kinaaawaan siya, Gusto niya ang coffee float, mahilig siya sa manok, marunong siyang magluto, Independent woman, at matatakutin sa kulog at kidlat.

"Yeah sure. Tara para makatulog ka na."

May foam naman sa baba siyang hinanda nasa right side ng kama niya. Agad naman siyang humiga sa kama niya at natulog. Siguro antok na antok na talaga siya pero di siya makatulog dahil sa lakas ng kulog at kidlat.

Humiga naman ako at tiningnan ko lang siya. Who would have thought na yung senior ko noong elementary eh kasama kong matutulog sa iisang kwarto? Na yung grade 1 crush ko noon nakakasama ko na ngayon? Nahulog naman mula sa pagkakayakap sa unan niya ang kanang kamay niya. Inabot ko ito at hinawakan.

"I promised myself na i would only look at you. Simula pa lang noong bata tayo alam ko ng ikaw. Ikaw yung babaeng gusto kong makasama habang buhay. I'm happy that the lord really gave me this chance to be with you. Ikaw rin sana Hanna you would give me a chance to prove na i am worth the shot. Na hindi ako kagaya ni Jonas na gagaguhin ka."

I prayed hard that night. I prayed na sana bigyan ako ni Hanna ng chance. Na sana di na siya masasaktan ng dahil sa nakaraan ni Jonas. She's worth it. She deserves so much better and i would love to give it to her. Hawak hawak ko parin ang kamay niya. Hanggang sa makatulog ako.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon