26

3.9K 55 29
                                    

HANNA

*phone vibrating*

Kinapa ko naman ang phone ko sa side table na malapit sa kama ko. Distorbong alarm. 10:00 am. Napasobra ata tulog ko. Masyadong late na ako gumising. Kahit sabado madami pa rin akong dapat gawin. May school works pa akong tatapusin pero ewan ko ngayong araw na to' talagang tinatamad ako. Gusto ko pa matulog.

Pagkapatay ko sa alarm, binalik ko naman ang phone sa lamesa at hinila ang kumot para matulog ulit pero ayaw mahila nito. Pinilit ko pa ring hilahin ng maramdaman kong parang may nakapulupot sa bewang ko. Tiningnan ko kung ano ang nakapulupot sa bewang ko.

Braso. May braso na nakapulupot sa bewang ko. Nagtaka naman ako kung bakit may sobra akong braso. Tinaas ko naman ang mga kamay ko. Hinid naman sila nakapulupot sa bewang ko ah?!

Agad akong lumingon sa likod at nabigla ako sa nakita ko.

Si Anthony lang naman. Katabi ko sa kama. Natutulog habang nakayapos sa akin. Bigla akong napa alive, alert, awake, enthusiastic! Sa sobrang pagka alive alert, awake, enthusiastic ko, napasigaw ako at natulak ko siya sa baba!

"AAAAAAAHHHHHH!!!!!" agad kong hinila ang kumot para takpan ang sarili ko. Bat nasa kama ko siya?! Diba sa baba siya natulog?! Sinilip ko naman agad kung may damit pa ba ako. Check. MAy damit pa akong suot.

Nagising naman agad siya dahil sa pagkakahulog niya.

"ANO BA?! BAT NANUNULAK KA!?!"

"BAT KASI NASA KAMA KA!!?? TAPOS MAY PA YAKAP YAKAP KA PA!!!! MANYAK MO TALAGA NO?!"

"EXCUSE ME! MISS HANNA, HINDI AKO MANYAK AND I DID NOT WANT TO BE ON YOUR BED!!!! YOU PULLED ME THERE!!!"

Ako?! Bat ko naman gagawin yon?! gago ba to?!

"AKO?! BAT KITA HIHILAHIN PAPUNTA DITO?!"

"ABAY MALAY KO! YOU JUST PULLED MY HAND TAPOS PINAGPIPILITAN MONG TUMABI AKO SAYO!"

"Sandali, how in the world am I going to pull your hand na nasa kama ako?! Inabot ko ba talaga kamay mo?!"

Di naman agad siya nakasagot agad at iniwas ang tingin niya. I know it. there was something fishy. Tapos ako pa yung mali?!

"Okay fine! i admit na hinawakan ko kamay mo while you were sleeping. Pero hanggang dun lang yun! Tapos nakatulog na ako. Tapos you decided na lumipat sa kabilang side ng bed so binitawan ko na yung kamay mo pero bigla mong kinuha ulit kamay ko and insisted na tabihan kita!"

WTF?! What the faaaaaa.... was i thinking?! Nakatingin lang ako sa kanya at di naimik. Syet! nakakahiya. Bago pa man lumala pa lalo ang awkward moment na 'to, agad kng binago ang usapan.

"Too late na for breakfast and i have a lot to do. Would it be fine kung uuwi ka na?"

I guess hindi naman siya na offend sa sinabi ko at agad naman siyang pumayag. Siya rin pala marami rin gagawin. PAgkatapos niyang maka pagbihis ng damit niya, nag paalam na siyang uuwi na. Hinatid ko naman siya sa may gate.

"Thanks for letting me stay here last night and for drying my clothes." sabi niya habang palabas ng gate.

"Maliit na bagay. Sorry and thank you. Pasesnya na talaga kung di na kita napag luto ng breakfast."

"Okay lang. Nakakahiya na rin naman hahaha!"

"Nahihiya ka rin pala?" biro ko sa kanya

Tiningnan niya lang ako ng masama at agad naman akong natawa dahil sa reaksyon niya.

"Oo na sorry na. Joke kang yun. Sige na marami pa akong gagawin"

Ngumiti naman siya at agad na sumakay sa kotse niya pero bago pa man siya makaalis ng tuluyan, may pahabol pa siyang tanong sa akin.

"Hanna, Can i fetch you this monday?"

"Bakit?"

"Let's have a date. Sige na pumayag ka na"

"Date? Ehhhh...." pagdadalwang sagot ko sa tanong niya.

Hindi porket medyo magaan na ang pakiramdam ko sa kanya, ibig sabihin na noon na pwede na ulit siya mangulit sa akin.

"Sige na! Sinamahan kitang matulog!" Pagmamaktol niya. Talaga bang gagamitin niya yun as an excuse?!

"Fine. But let's be clear! I'll say yes kasi sinamahan mo ako matulog. Yun lang yun!"

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Okaaay~ Whatever suits you." Sabay kindat at paandar ng kotse niya.

Nasa gate pa rin ako at masamang tinitingnan ang kotse niya papalayo. Noong di ko na matanaw ang kotse niya, pumasok na ako ng bahay at agad na na kinuha ang bag at laptop ko para simulan ang paperworks ko. Pero bago ko makuha ang mga gamit ko napatingin ako sa salamin at nakita kong namumula ako.

Agad pumasok sa isipan ko ang ngiti ni Anthony at ang pagkindat niya kanina. Mas lalo naman akong namula. Hala ka! Hoy Hanna?! Anyare sayo?! Napasampal naman ako sa sarili ko para magising ako. Dala lang to ng antok. Yes. Antok lang to.

Sinimulan ko na ang mga dapat matrabaho. Pero habang nag ty-type ako di talaga mawala sa isip ko yung ngiti ni Anthony at pagkindat niya. Bat kasi ang gwapo niya nakakainis kinikilig ak-

"Hooo! " Napatayo naamn agad ako sa naisip ko.

Pumunta ako ng kusina para uminom ng malamig na tubig.

"Ano ba Hanna! Umayos ka!" Sabay inom ulit ng tubig.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon