11

4.3K 53 3
                                    

ANTHONY

"Let's make a deal."

Tinaasan lang niya ako ng kilay. Tsk! Kung di ka lang malakas sa'kin babae ka.

Nandito kami sa classroom niya. Makailang beses kong pinilit na pagusapan namin habang nag di-dinner sa na reserve kong restaurant pero ayaw niya talaga. Sayang chance na yun. Dito na lang daw. Pero dahil pareho kaming gutom nag padeliver na lang siya.

"Yun lang. Ilang minutes? Sabihin niyo lang sa guard na ma'am hanna. Okay. Thank you."

"Aheem"

"Ok. Continue"

"As i was saying... Let me date you for a month. Kung di talaga ako mag a-appeal sayo then fine. I'll give up. As in wala na. Di na kita pipilitin. Di na kita hahabulin. Call?"

"Isang buwan?"

"Oo isang buwan. 1 month. Ano?"

"Pagkatapos ng isang buwan tapos sinabi kong ayoko talaga, di mo ipagpipilitan? Talagang titigilan mo na ako?"

"Yes. I don't break deals hanna. I know what i said. I know how to keep my words"

"Tsk..."

"Deal?"

"Deal."

Napa smile naman ako sa sinabi niya. Pero at the same time napa isip din ako sa pinagsasabi ko. Taragis pano na pag talagang di gumana ang isang buwan!? Damn! I might really lose my dream girl!

Hindi! Kaya nga binigyan ng 1 month diba? I just have to prove to her na i'm worth it. Kaya ko to. Kakayanin.

Dumating na yung inorder niyang pagkain. Fastfood. Mcdonald's. Mabubusog ba kami niyan?

"Let me pay for this" aya ko.

"Di ako na"

"Really i insist. Ako na" pagpupumilit ko.

"Well i insist too. May pera ako. I can pay for this." Sabay abot sa bayad sa nag deliver.

"O dali chibog! Gutom na is me! my ghad" sabi niya.

I was still doubting kung mabubusog kami ng mcdo. I mean hindi sa minamaliit ko ang fastfood ha. Natikman ko na to and to be honest i was not really full after kong kumain. Mas mabuti pa na sa resto na lang atleast kahit mahal alam mo namang madaming serving.

Nagsimula na siyang kumain. Sarap na sarap siya to the point napapasayaw siya. Kada sawsaw niya sa fries sa gravy halatang hatala na kinikilig siya. Seriously? ano bang nakakakilig sa pagkain? Mas nakakakilig naman ako.

Nahalata niya atang hindi pa ako kumakain kaya tinanong niya ako.

"Ayaw mo? O busog ka? O sadyang di swak ang pagkain sa yayamaning panlasa mo?"

"Grabe siya sa hindi swak sa panlasa! Kumakain din ako ng ganito. Kaso mabubusog ba tayo? I mean nag resto na lang sana tayo mas marami pa yung serving. Tingnan mo nga yung chicken o ang liit."

"Hoy mister! Minamaliit mo ba ang fastfood!? Mabubusog ka ho! Eto kaya ang bumubuhay sa aming gutom pero nag titipid! Atsaka dalawa hong manok ang inorder ko. DALAWA. di pa ba sapat? May chicken burger pa may dalawang extra large fries, tapos upgraded to large yung drinks di ka mabubusog?"

"Hindi naman sa ganon. Ano lang kasi.... Ahhhh.... Ewan! Sige na eto na kakain na."

"Good. O nguya"

Sabay abot sa akin ng fries na sinasaw niya sa gravy. At infairness, masarap. Lasang mash potato. Ang sweet naman unang araw namin nag susubuan na ng fries hehe! Well not actually sinubo inabot lang niya yun fries.

"So..."

Breaking the ice kasi napaka tahimik namin habang kumakain. Naka concentrate siya eh.

"I presume this is our first day in a relationship?"

"Relationship? Akala ko ba date date lang?"

Ha? Ano ba yung date? Diba yun yon? Date=in a relationship?

"What do you understand ba sa word na DATE?"

"yun nga. Date date lang. Walang in a relationship na status. Pag niyaya mo akong kumain sasama na ako. Pag nag insist kang ihahatid mo ako di na ako mag mamaktol. Ganon"

"EH HINDI NAMAN YAN DATE EH!"

Nakakabanas tong babaeng to! Anong klaseng dating yan!? Eh ayaan yan eh!

"BAT KA SUMISIGAW!? DATE NAMAN TALAGA YUN EH! SA YAN ANG PAGKA INTINDI KO BAT BA!?"

"Hindi naman kasi date yun. Lumalabas lang na parang inaaya lang kita! Ang date in a relationship na yan! Isang buwang kitang aayain? Ano yun? Ginawa mo naman akong butler eh!"

"Eh sa yun nga pag kakaintindi ko!"

"Hindi. We're in a relationship!"

"Bat ikaw nag de-desisyon!? Sino ba nililigawan!?"

"Ikaw nga nililigawan, Pero I made the deal and you agreed. Kaya we're in a relationship na. Boyfriend mo na ako, girlfriend na kita."

"K fine. Di naman nakakamatay ang isang buwan."

Ah. Tama. I was slapped by her words. One month nga lang naman. Pero kahit na! I'll make the most out of it. I'll make sure na yung isang buwan aabot nga maraming taon. Makikita niyo!

Natapos na kaming kumain at nalinis na namin ang room. Yes tinulungan ko siya. Boyfriend duties hahaha!

"Di ka pa aalis?"

"Bakit? Mami-miss mo ako?"

Ayaaan bumabanat na ako. Bat ba?

"Ew no. May gagawin pa po kasi ako. Di ako maagang umuuwi. I try my best to finish my work here. ayoko ng maraming dinadalang trabaho sa bahay."

"Well i'll wait for you. Ihahatid din naman kita pauwi."

Tu-tutol na naman sana siya pero inunahan ko na.

"Shh! Shh! Ano sinabi mo kanina? Diba since we're dating hahayaan mo na ako sa mga gusto kong gawin diba?"

"Sabi ko nga. Well then, help yourself. Madaming upuan."

Agad naman siyang pumunta sa desk niya at nagsimula ng icheck ang mga output ng mga students niya. After checking, binuksan naman niya ang laptop niya.

Habang tinitingnan ko siyang magtrabaho di ko maiwasang isipin na kahit pala pagiging teacher eh nakakapagod din. Baka nga mas nakakapagod kesa sa trabaho ko. Biruin mo, araw araw laway puhunan mo. Lagi kang nakatayo. Pagkatapos ng klase may mga dapat ka pang tapusing paper works.

"Ano ba yang tina-type mo?"

Napatingin naman siya sa akin ng matagal at napa buntong hininga

"Lesson planning. Isa sa pinaka nakakabanas na gawain ng teacher. Nakakapagod mag isip ng iba't ibang activities. Nakakapagod mag isip ng objectives na attainable."

"Ahh. Aside sa lesson planning ano pa ba gagawin mo? Last na ba yan?"

Natawa naman siya sa tanong ko

"Bakit? Naiinip ka na? Pwede ka naman kasing umuwi na."

"No. I can help. Para mas mapabilis ka sa mga gawain mo."

"Hmmm... Kaya mo bang mag instructional materials? Visual aids. Tama. I need visual aids para bukas sa klase. Kaya mo?"

"I'll try. Ano ba dapat gagawin?"

"May laptop kang dala?"

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon