2

10.9K 123 8
                                    

HANNA

Nagka boyfriend ako. Isa lang. Di na nasundan. Ano to anak lang ang peg? Di na nasundan? HAHAHA! kaloka.

So ayun, naging kami for 1 and a half year. Simula 4th year high school hanggang kalagitnaan ng 2nd year college. Himala nga at nag ka boylet ang ateng niyo hahaha! Sa introvert kong 'to akalain mong may magkakagusto sa akin???

Di naman kasi ako kagandahan. Seryoso, wag niyo isipin yung parang characters ng isang drama or libro. Kapag sinabing chubby or mataba, may pimples, pangit yung ngipin, eh ang kinalabasan eh maganda naman pala talaga. Naayos pa.

Iba ako. Realidad to. At pag sinabi kong di ako maputi, may pimples ako, medyo mataba ako, maitim ang mga maiitim na lugar na magdadala ng bagyo kapag nakita mo (HAHAHA! describe pa more) talagang totoo. AS IN. SERYOSO.

Kaya nga himala nung nagka boypren ako. Akala ko nung una pinag tritripan niya lang ako. Barkada kasi. Nasa likod niya ako nakaupo. Papansin siya. Makulit. Ma humor. Naging crush ko. Hindi ko naman aakalain na masusungkit ko pala ang kanyang puso gamit lamang ang aking inner beauty. O diba??? ANG GANDA KO~

Yun nga, seryoso pala ang gago. Us against the world ang peg nun naging kami. Syempre kabataan medyo mapusok. Di naman kami yung tipong mapusok na may nangyari at kung anik anik pa.

Ano lang, napasobra sa kagustuhang magkita na naging patago na sa pamilya ko at yun ang kinagalit nila. Bakit di ko raw nasabi. Di ko napag paalam. Ayun, nagalit sila. Pinag hiwalay kami pero romeo at juliet ang peg nung time na 'yon.

Nung nag hiwalay kami, bagsak mundo ko fren. Moved on na ako sa kanya. Pero sa sakit na nakuha ko dahil sa love love na yan? Ayoko na ulit. Iba yung sakit sa physical pain eh. Masikip yung mundo ko. Kahit hanggang ngayon? Nasisikipan parin ako. Ng dahil sa na experience ko nag ka self issue ako. Kaya nga di pa nasusundan ang lovelife ng bida niyo. Kasi nga TAKOT.

At kahit handa na ako, wala namang nag paparamdam! HAHAHA! Mga kaibigan ko may mga asawa na. Si collin, yung barkada kong antagal naging NBSB pero nahanap ang one true love dahil sa kakaantay. O diba??? True love waits nga raw.

Ako? Antay lang baka mayron. Baka wala. Pero kung meron man, ewan ko lang kung kaya ko ba hahaha! That scares me the most. My inner thoughts and issues. What if di niya kaya? Edi wasak na naman ang bida niyo? -_-

"Maam hanna! Good morning!"

Ay nag si datingan na mga studyante kong makukulit. Gano ba katagal ang pag dadaydream ko? HAHA!

"Uy miles! May assign- ayy..."

"Bakit? Ano ngayon kung may assignment si miles? Ha? Bakit troy?" 

Kung chill ako sa buhay, sa pagiging teacher minsan lang ako chill. At isa na tong si troy sa mga makakatikim ng di ko pag ka chill -_-

"Ha? Maam? A-ano, wala! Wala lang natanong ko lang haha! Kasi ako meron! May assignment ako"

Ah ganeeern!?

"Aber, Kung meron kang assignment akin na. Uunahin kon icheck yung sayo. Dali"

"Ahhh.. Maam? Sabay ko na lang sa iba. Baka sabihin nila pabor ka sa akin diba? Mas mabuti ng sabay ako sa kanila"

"Hindi. Okay lang yun. Babasehan ko yung sayo. Baka ikaw highest eh edi sayo ko na lang i ba-base. Akin na."

Napakamot naman sa ulo si troy.

Ha! Kala niyo maiisahan niyo ako!? Alam kong dumaan din naman ako sa kopya noong studyante ako. Pero bilang teacher di ko dapat ituro sa kanila yun. Masama naman talaga. Atsaka namumuro na  yang troy na yan. Kopya ng kopya. Mag aral di naman minsan para may masagot.

"O, ano na? Dali para ma check ko na yun ibang papers. Mag s-start na tayo ng class. Para mabigay ko agad papers niyo"

"Ano kasi, maam..."

"Hmmm???"

"Sorry po. Di ko po nagawa assignment ko eh" sabay kamot sa ulo.

"Ayun naman pala! Bakit kailangan pa mag sinungaling? Diba sinabi ko sa inyo, natural lang mangopya. Nagawa ko na din yan -_- pero pag napaparami na at naging lagian hindi na mabuti yun."

"Sorry po maam hanna"

"Bat di mo nagawa? May reason naman siguro diba?"

"T-tinamad po ako eh. Di ko rin po nireview nun nakaraan kaya wala akong nasagot. Sorry po"

Mabait naman akong teacher kaya di ko na papahitapan ang parusa nitong batang to. Pasalamat sila at love ko sila. Naku!!! Kung hindi ewan ko na lang...

"Upo ka na. Pagbibigyan kita sa assignment mo. Pwede mo pang ipasa yan later. Pero gusto ko sarilin sikap mo okay? Dadagdagan ko din yan ng isa pa. Pero koni lang. Para fair naman sa classmates mo. Nag kakaintindihan tayo?"

"YES MAAM!"

Nag si datingan na rin ang iba ko pang studyante at sinimulan na namin ang aming klase.

Lunch time ng pinatawag ako sa principals office dahil may tawag raw sa akin galing kina mama. Bat sa landline pa? Pwede namang sa phone ko na lang diba?

"Hello ma?"

"Hello anak? Hanna, may dumating na package dito sa bahay. Para sayo. Nagpadala ba friends mo?"

Package? Di naman kami nag kausap nila anne at esther na magpapadala sila sa akin ah? Wala naman akong hiningi -_-

"Ma, wala. Wala naman kaming napagusapan na package. Wala bang sender na nakalagay? O letter?"

"Teka sandali... Ay eto meron. Galing kay... Mr. Grade 1. Ano ba namang pangalan to???"

"Kanino??"

"Mr. Grade 1 nakalagay eh."

"Mr. Grade 1???"

"Paulit ulit tayo nak? Ano ba to? May kakilala ka bang gan'to?"

Ginagago ba ako ng package na yan? -_-

"Ma, gan'to sauli mo. Sabihin mo wrong address. Sabihin mo prank something. Wag mong bubuksan! Okay!? Baka ano laman niyan!!"

"Sige sasauli ko. Teka bat ba di ka nasagot sa phone mo? Kanina pa ako tawag ng tawag! Para san pa ba yang phone mo!?"

Ahhh.. Kaya pala na landline si mother earth hahaha!

"Naiwan sa room ko. Dito ako sa faculty nag lunch eh. Sorry hehe! Sige na sauli mo na yan. Text mo ako pag okay na ha? Love you! Bye!"

Mr. Grade 1? Anong ka shungahan ba naman yan? -_- baka kung ano nakalagay dun. Juice colored wag naman sana bomba. Lord, please bantayan niyo po sina mama sa bahay.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon