15

3.6K 47 1
                                    

ANTHONY

"Tapos ka na ba?"

Andito na ako sa bahay ni hanna. 6:00 pm na. 5 pa lang nandito na ako. Excited akong makita siya eh. Kung di niya ako sasagutin at the end of the deal atleast i had the chance to be in this moment. Na naramdaman ko kahit once man lang na boyfriend niya ako at girlfriend ko siya.

"Huy hanna? Tapos na?"

"Sandali!"

Bumukas naman ang pinto at lumabas siya.

"Dun ka na nga sa sasakyan tanong ka ng tanong eh"

Di naman ako makasagot. Wala. My mind went blank. Ang ganda ganda niya. Kahit simple make up lang and simple dress, ang ganda ganda niya. Nakatitig pa rin ako sa kanya ng napansin kong nagbabago na ang expression sa kanyang mukha.

"ANTHONY!"

"H-ha?"

"Ano ba!? Kanina pa kita tinatanong kung okay lang ba na naka flat shoes! Bat di ka sumasagot!?"

"H-ha? Ano? Flat ano?"

"Flat sh- hay ewan! Eto na lang. Semi formal lang naman eh. Okay na to"

Habang sinusuot niya yung sapatos kinuha ko na yung bag niya. Kailangan kong matauhan. Baka kasi di ko ituloy ang pag punta sa home coming at dito na lang kami. Kahit titigan ko siya buong gabi hinding hindi ako magsasawa.

"Ay! wait lang" sabi niya sabay tigin sa salamin.

"Okay lang ba? Di ba under dressed? Di ba ako pangit tingnan?"

"You look stunning. Naka flats ka pa niyan. Pano na lang kung nag heels ka? And since when do you care about what people think of you?"

"Since now lang. Syempre i have to look nice. Kahit di na good. Girlfriend mo 'ko. ipapakilala mo ako sa mga kaibigan mo tapos i won't struck a nice impression? So ang stunning ko ba talaga? Promise?"

Nung sinabi niyang GIRLFRIEND i swear to God gustong gusto ko mag lupasay sa sahig. Nakakalambot kapag yung mahal mong babae na mismong nag sabi. Ansarap halikan pero baka mabasag ko yung mood kaya nagpigil ako. It should be a good night.

"Promise!" Sabay taas ng kanang kamay.

Tumingin ulit siya sa salamin at inayos kaunti ang buhok niya.

"Tara." Aya niya palabas ng bahay.

"Relax ka nga lang ano ka ba"

"Iiiee ang daming tao eh. Ayoko ng maraming tao."

Dumating na kami sa venue and di ko inexpect na halos buong batch dadating! Fot the past home coming kasi di naman ganito karami ang pumupunta.

"Ano ka ba, relax di kita ipapakilala sa lahat ng yan. Sa mga barkada ko lang. And i don't even remember na ka batch ko pala yang mga yan."

"Good. Anti-social club member ako eh."

"Is there such group?"

"Meron. Starting now. Ako president. Sasali ka?"

Halatang halata sa kanya na ayaw niya nga sa maraming tao kasi nasa likod ko siya. Nagtatago.

"Dito ka nga" hinila ko siya para tabi kami sa pglalakad.

Hinahanap pa kasi namin yung table kung saan kami naka assign ng mga barkada ko.

"U-u-uwi na lang kaya ako?" Biglang sabi niya.

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon