23

2.9K 38 0
                                    

HANNA

Kakauwi lang ni Anthony. Bago pa man ako nakapag hugas ng pinagkainan namin, nag ring na ang phone ko. Di ko sana sasagutin kasi feeling ko si Anthony lang yun. Kakaalis pa nga lang tatawag na agad? Pero tiningnan ko pa rin kung sino ang tumawag. Unknown number.

"Hello?"

"Hanna, si Jonas to."

Di naman ako nakasagot agad. Pano niya nalaman number ko? eh for sure naman na hindi ibibigay ni Anthony sa kanya yun. Gahaman yung mokong na yun eh.

"Bat ka tumawag?"

"Gusto ko sanang makipag usap sayo. I want to explain my side."

Nagdadalawang isip ako kung makikipag usap ba ako. Hindi ko matansya ang sarili ko. Kung handa na ba akong makipag usap. Kaya ko na ba? Yung tipong di ako maiiyak? Pero kung hindi ko haharapin ngayon, kelan?

"Kelan ba?"

Mukhang natuwa siya dahil sa sinabi ko. Halata kasi sa boses niya nung sinabi niya kung saan kami mag kikita.

"Okay lang ba bukas? Anytime tomorrow."

"Okay. Bukas 4 pm. Sa pinakamalapit na coffee shop sayo. Ayokong puntahan mo ako sa trabaho. Itext mo na lang ang pangalan ng shop. "

"S-sige. Thank you Hanna. Thank you."

Binaba ko na ang tawag. Mas mabuti na rin siguro na pagusapan na namin. Para na rin makawala na ako sa sakit. Para matapos na to lahat.


Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school kasi naghahanda na kami 3rd quarterly exams. Nalalapit nrin kasi mag pasko at christmas break na ng mga bata. Dapat matapos na namin ang lessons para pagpasok nila sa January eh yung pang 4th quarter na topics na lang ang iisipin.

Nakasabay ko rin kanina sa Biometrics si Collin. Natanong rin niya kung kamusta na kami ni Anthony. Kaya ayun, nasabi ko sa kanya na nag usap kami kahapon at napatawad ko na. NAsabi ko rin na mag kikita kami ni Jonas mamaya para mag usap.

"Sigurado kang kaya mo na ha?" tanong ni collin

"Kelan ko pa ba dapat kausapin? Lagi ko na lang bang isasantabi? Edi di ako matatapos nito?"

"Sabagay. Mas mabuting mas maaga para magkaliwanagan na" Aalis na sana siya pagkatapos niyang mag biometrics pero may pahabol pa siyang sinabi at bumalik.

"Paalalalang Hanna ha? Please! Please lang talaga! Sana wag ka ng bumalik sa dating Hanna. Please lang amiga ha?!" With all the piercing eyes pa talaga

"Opo mama. Wag kang mag alala."

Di pa rin ako tinantanan ng mga mata niya. Wala namang dapat ipag alala. Alam ko sa sarili kong ayoko ng bumalik sa dating meron kami. MAhirap na ibalik yung tiwala na sinira. Mahirap na ibalik yung dati.

During lunch break alam na ni Angel ang chika. At ganon din ang sinabi niya sa akin. Kagaya ng paalala ni Collin kaninang umaga. At ganon din ang sinagot ko. Kagaya kaninang umaga. Habang nag kwekwentuhan kami sa faculty, natext na ni Jonas ang pangalan ng coffee shop ung saan kami magkikita.

Ito yung ayaw kong sabihin kay Annthony. Actually plano ko na rin sanang makipag usap kay Jonas para matapos na ang away nila at ng matapos at masagot na rin yung mga tanong sa isipan ko na ilang taon ko rin binaon sa limot. Di ko naman inakala na agad agad yung pag uusap. Pero ito na eh. Chance na to'. Kaya ayokong sabihin kay Anthony kasi baka sundan kami or worst talagang makisali pa sa usapan. Baka mas lalo lang silang mag away. Napaka unfair naman sa side rin ni Jonas kung sumama pa si Anthony. Mag isa nga lang si Anthony nung kinausap niya ako eh. Dapat siya rin.

Dumating na rin yung oras na napagusapan namin. Pagdating ko sa cafe, nandoon na rin siya. Nakaorder na rin siya ng drinks. Alam niya pa rin kung ano yung gusto kong drinks at kung saan ko mas gustong umupo. Caramel Macchiatto while sitting by the window.

Sumenyas naman siya sa akin nung nakita na niya ako.

"I already ordered your fave drink. Diba ito yun? tapos mas gusto mong nauupo sa bintana?"

Tiningnan ko lang siya bago ako nakasagot.

"Thanks pero di ko kasi trip uminom nito ngayon eh. Pero salamat kasi you ordered in advance."

Nabigla naman siya sa sinabi ko. Nawala yung ngiti niyang kanina pa niya suot. Pero agad naman niyang nabawi.

"Ah ganon ba? Ano ba gusto mo? Ako na oorder. Treat ko na to'."

"No it's okay. Di rin naman ako magtatagal. May kailangan pa kasi akong puntahan after. So ano ba gusto mong pag usapan natin?"

Napaduko naman siya at halatang kinakalma ang sarili. Ako rin naman, pinapakalma yung sarili sa kaba. Baka kasi hindi ko pa kayang marining ang katotohanan.

"Gusto kong humingi ng patawad." panimula niya. "Gusto kong humingi ng patawad sa mga nagawa ko noon. Kung nasaktan- ay hindi, dahil nasaktan kita. Dahil pinabayaan kita kahit tayo pa. Dahil nag hanap ako ng iba. Sorry."

Ang daming tanong sa utak ko pero di ko alam saan ako mag sisimula. Natatakot ako na pag nagsalita ako bumiyak na lang ang boses ko at umiyak. Nakakahiya. Hindi lang naan kasi kami yung nandito sa coffee shop. Pero nilakasan ko ang loob ko. Para sa akin rin naman to.

"Bakit ka nag hanap ng iba?" unang tanong ko.

Hindi naman siya agad nakasagot.

"Yung panahon na yun nasakal na ako Hanna. Ang lawak pala ng mundo nung nag college tayo. Kasi nung High school tayo ewan ko pero ikaw lang yung buong mundo ko. Sayo umiikot. Hindi ako kuntento sa isang araw lang na magkasama tayo. Nakukulangan ako. Pero nung nag college tayo, mas marami akong nakilala. Mas lumawak yung mundong akala ko ikaw lang sapat na. Kaya siguro nasakal ako. Humihingi ka na ng oras sa akin pero di ko alam kung saan ako makakalugar. Ang dami kong gustong gawin pero nandyan ka laging nag papaalala. Sorry."

"Hindi naman kita pinipigilan diba? Saan ka ba talaga nasakal? Sa akin at sa responsibilidad mo bilang boyfriend ko? o sa mga gusto mong gawin na hindi mo magawa?"

"Pareho"

Ang sakit. Ang sakit pala malaman na nung panahong sa pag hingi ko ng kahit kaunting atensyon sa kanya nasasakal ko na pala siya.

"bat di mo ako nagawang ipakilala kahit man lang kina Gio? Kahit sa mga kaibigan mo man lang?"

"Nahihiya ako. Hindi sa kinakahiya Hanna. It was not like that. Alam mo naman diba na ayoo yung tinutukso ako? Tayo? Na aawkward ako. Ayokong maging tampulan ng tukso. And you never really asked to be introduced so i thought it was fine. I'm sorry."

"Alam kong mahind ka Jonas pero not to that extent. Dahil di ko sinabi, okay lang?! So nung nakipag hiwalay ka at wala akong sinabi you thought it was fine?!"

Pinipigilan kong umiyak. Hindi ako iiyak. Hindi ako iiyak sa harapan niya. Di niya deserve.

"I'm sorry Hanna. Pero kaya nga ako nakikipag usap sayo ngayon. Gusto kong bumawi. Alam kong late na. Pero i'm still taking the shot. Hanna all this time. It was always you."

Di naman ako sumagot. All this time? Ha! Sa tingin niya ba ganon na lang kadali?! Iilang taon rin. Iilang taon ko ring kinimkim yung sakit. Yung mga tanong na wala akong nakuhang sagot.

"Well sorry to say Jonas pero i'm not here to rekindle old flames. Tama nga yung sabi mo. Huli na. Siguro kung mas naging maaga ka? Yung panahong yung dating Hanna eh baliw na baliw pa sayo. Yung handang mag hintay kahit matagal pa. Pero wala na eh. Sa pag lipas ng taon sumabay din yung pag kawala ng dating Hanna na kilala mo. Kaya kung iniisip ong may pag asa tayo, ngayon pa lang sinasabi ko ng wala. Trauma. Na trauma na ako sayo Jonas."

Our Five Year Gap StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon