WSD [4] - Deal

242 8 1
                                    

Chapter 4

Kate’s POV

“Na-miss niyo ba kameeee~?”

Lumapit ako kay tita para i-hug siya, “Omo! Opo, na-miss kita tita, where’s my pasalubong?”

Nginitian niya ko tapos hinampas ng mahina, “Ikaw talagang bata ka, hinde ka pa rin nagbabago… nandun sa may kwarto niyo yung pasalubong ko sainyo.”

“Oh, gosh, aakyat na ko.” dramatic exit ni Nec. Umakyat siya sa taas tapos baka pumasok sa kwarto niya.

I mentally laughed, MWAHAHAHAHA wala akong parents ngayon! Hahahaha!

“Hi, tita, where’s mom?” tanong ni Terence sa mama ni Nec.

“Nasa room mo, napagod ata.”

“Ah, sige po puntahan ko lang siya.”

Umupo kami ng mama ni Nec sa upuan tapos nagkwentuhan lang kame. Hindi ba masyado obvious na close kame? De, close naman kame lahat sa parents ng isa’t-isa, sobrang best friends kameng lahat eh!

“Kamusta nga pala si Nec Nec ko?”

“Ayos lang po, naku, nung nalamang may trip kame this weekend, nagsipag-sipag. Well, lahat naman kame, sabi kasi ni Terence kapag daw nagpasaway kame iccancel niya yun.”

She nodded, “‘Yun kase napag-usapan.”

“Talaga po?” tanong ko, “Anyway tita, nagulat ako nung pumayag kayong magouting kame ng kami-kami lang. Ano po nakain niyo?” tumawa ko, “Bakit nga po pala kayo umuwi?”

“Secret muna, anak.”

After ilang minutes, naisipan ko na rin magpalit ng damit, tapos pumunta ko sa room ni Terence para kamustahin mom niya. Nung dinner time, sabay-sabay kame kumain. Ganito ‘yung maganda kapag umuwi magulang namin e, happy family talaga.

Kung nagtataka kayo kung anong kinakatakot namin dahil umuwi sila ngayon… ganito kase yan, last year, umuwi ‘yung parents ko, Faye, Fatima at Ivy. 1 week sila nagstay dito at sa 1 week na ‘yun… sobrang..basta! Nung first day naman nila, ayos lang.. minonitor lang nila kilos namen, 2nd day, nagpabook sila sa hotel kase may event daw na magaganap at balak nila sa hotel yun ganapin, of course na-excite kame, pero nung mismong day na ng event, halos hinde na kame lumabas ng bahay dahil sa kahihiyan. Yung event pala para samin, samin as in samin! Mula infancy, childhood, puberty stage, pinakita lahat ng pictures namen! Lahat ng pinaggagagagawa namen nung bata pa kame. At ang malala pa, invited halos buong school namen… staffs, teachers, principal, schoolmates, classmates. Kaya nung pumasok kame sa school halos pagbulong-bulungan kame ng mga schoolmates namen, and worse, asar talo kame sa mga classmates namen. Imagine the trauma we got. Haha. Well, nakaget over rin naman sila sa mga nangyare, nawala rin yung attention samin ng school, nakalimutan rin nila yung nangyare. Hello, it was almost a year now. But now they’re back… ano naman kayang mangyayari this time?

“Sasama kame sa outing niyo…” sabi nung mom ni Nec.

“Ano? Hinde kame makakapag-enjoy niyan, ma!” Nec shouted.

“Don’t shout at your mom, Nec.” Poker faced na saway ni Terence.

“Sorry Tence, sorry ma.”

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon