WSD [39] - SN's side

45 2 0
                                    

:: Napansin kong minsan lang mag-POV ang SN. Ang nag-POV pa lang ata ay sila Rence pati Jayson? Ewan nalimutan ko na. Hahaha. Sorry pala pa-iba iba ang POV, marami kasing characters ToT sorry rin pala kasi wala na tong patutunguhan :< ahe

--

Chapter 39 

Vincent’s POV

Mahal ko pa rin naman si Nicole. Pero hindi ko kasi maiwasan mapangiti kapag kasama ko si Faye. Kahit na alam ko na marami siyang boys, parang ang sarap lang niya kasama. Bakla man pakinggan pero kahit awkward kaming dalawa, at least alam kong hindi ko kelangan magpanggap sa harap niya.

“San ka galing?” tanong ni Nicole pagkabalik ko sa school. “Kanina pa kita hinihintay.”

“Uhm, maiwan ko na kayo ha. Baka hinahanap na ko sa bahay,” paalam ni Elmira.

Nginitian ko siya tapos umalis na siya.

“Inuulit ko, san ka nanggaling?”

Nagsimula na kong maglakad. Naramdaman ko namang nasunod siya.

“Hinatid ko si Faye, eh,” sagot ko. Hindi na ko nag-abalang magsinungaling kasi alam ko naman na wala ring patutunguhan. Parang tanga lang. Wala namang sense kung hindi ko pa sasabihin yung totoo, diba?

“Faye? Faye na naman?” sabi niya habang hinahabol ako sa paglakad.

“Kaibigan ko lang siya,” sagot ko. Totoo naman. Kaibigan lang naman ang tingin ko sakanya. Ewan, siguro?

“Ganyan naman lagi mong excuse. Sabihin mo nga sakin, may gusto ka ba kay Faye? O baka naman tinu-two time mo na ko?”

Bumuntong hininga ko. Sino ba naman gugustuhin mag-stay sa isang relasyon na puro away nalang ang palaging nagaganap? Mahal ko siya pero gusto ko ng katahimikan kahit sandali lang.

“Bakit hindi ka makasagot? Totoo noh?”

Humarap ako sakanya. “Hindi ba talaga pwedeng lumipas ang isang araw nang hindi tayo nag-aaway?”

“Pano kasi tayong hindi mag-aaway eh hindi ka makausap ng maayos,” kalmadong sabi niya. “Bakit kaya hindi nalang tayo mag—”

“Mag-break?” pagtatapos ko sa sasabihin niya.

“Oo, kasi mukang dun mo makakuha yung hinahanap mong katahimikan,” sabi niya tapos nagsimula nang maglakad ulit. “Wag mo na kong ihatid. Kaya ko umuwi mag-isa.”

I messed up again.

I fckin messed up again.

Rence’s POV

“Iba na talaga pag in love,” sabi sakin ni Michael.

“Huh?”

“Blooming,” sabat ni Kcron.

“Manahimik nga kayo,” inis na sabi ko.

“Sus, porke’t lang in love ka, ganyan ka na samin!” Michael

“Ang bakla mo erp.” Ako

“Tignan niyo si Vincent oh, mukang basang sisiw,” sabi ni El John.

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon