WSD [19] - Acceptance

179 6 1
                                    

Chapter 19

Kate’s POV

Good news, Friday na ngayon. Isa pang good news, PE. Isa pang good news, walang pasok bukas! Hayszxc, after the long week, makakapagpahinga rin.

Pero eto talaga yung totoong good news, bati na si Micah pati si Rence.. yata? Medyo. Siguro. Hay basta.. naguusap na kasi sila eh. Di ko naman natanong si Micah kung ano nangyari kahapon. Tapos nagkakamabutihan sina Ivy pati kuya Tyrone, ayieee kilig fwet si Aybe. Tapos si kuya Michael pati si Fatima, ayos naman din. Pero may nasesense talaga kong something kay kuya Ron eh. Yun yung kelangan kong alamin.

Andito kame sa gym, PE nga kasi eh diba. Maglalaro kame ng volleyball. Kung pedeng hinde sumali hinde talaga ko sasali nako! May grade kasi ‘to eh, sayang naman kung magpa-0 ako dahil lang hinde ako marunong magvolleyball.

“Kate, ikaw magserve.” Sabi nila.

Ok, edi ako.

Kinuha ko yung bola tapos… HAHAHAHAHA! NATAMAAN KO SI NEC! OMG MASAKIT YUN AH!

“Nec! Sorry!” sigaw ko kasi nasa kabilang side siya.

Nag-thumbs up siya, “Ok lang.”

“Nec, ok ka lang?” tanong ni Panda mula sa bleachers. “Kate naman kase eh! Magingat ka nga!”

Isa pa tong dalawang to, fishy rin.

“Heh panghe.” Sabi ko nalang.

Nagsimula ulit yung game. Isho-shortcut ko na ha, natalo yung group namin dahil saken. Yehet! Galing ko kasi sa sports eh. Ok lang yan, at least hinde naman kame 0.

Nagpalit na kame ng uniform namin since basa kami ng pawis. May natitira pa kameng ilang minutes kaya tumambay muna kame sa garden.

“Oy, wait lang ha.” Paalam ko tapos umalis.

Pumunta ko sa room ng 4th year tapos sumilip sa window, aba walang tao. I mean meron naman pero konti lang. kumatok ako sa pinto tapos tinanong kung nasan si kuya Ron. Sabi nila nasa may computer room daw kaya nagpunta ko dun.

Ano naman ginagawa dun ni kuya Ron? Oh well, papel. Kaya ko nga pupuntahan eh diba?

Pagkarating ko dun, patay yung ilaw kaya binuksan ko. tapos…

Tapos may nakita akong bangkay sa sahig… ohmygee! Andaming dugo! Hala! Anyare dito? Waah! Nakakatakot na!

Tapos syempre nagjojoke lang ako, pagkabukas ko ng pinto nakita ko si kuya Ron, tulala sa screen ng computer kaya ginawa ko kinatok ko yung pinto, napatingin naman siya saken.

“Oy kuya Ron!” masiglang bati ko tapos umupo sa tabi niya.

“Kate.” Walang ganang sambit niya.

“Ano ba yan, para kang lantang gulay.”

“Sorry na.”

“Problema?”

Umiling siya, “Wala ah.”

“Weeeh? Oo mo, ano nga?? Secret lang natin.”

“Tss di pede.”

“Hala ano nga?!” sigaw ko yan, pero parang hinde sigaw.

Hindi siya sumagot. Kainis naman to kausap, nagiimbestiga nga ako tapos wala man lang sasabihin. Pano ko makakalikom ng impormasyon niyan??

“Si Fatima” sinadya kong huminto para lang makita yung reaksyon niya and there, he looked at me curiously.

“What’s with her?”

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon