WSD [20] - Date

169 4 2
                                    

Chapter 20

Fatima’s POV

Parang kelan lang Friday tapos na-meet ko yung parents ni Palicpic tapos ngayon… Saturday na. OA ba, isang araw pa lang naman lumipas pero.. miss ko na siya eh!

“Timang..” eto naman si Kate biglang nasulpot!

“Oh Ketek?”

Umupo siya sa tabi ko (nandito ko sa may kama ko nakaupo), tapos nilagay niya ung daliri niya sa baba niya, ung parang nag-iisip. Weird talaga tong pandak na to.

“Si kuya Ron.. anong relationship mo sakanya?”

“Kuya Ron? Carbonel?”

“Uh-huh, wala nang iba pa.”

“Relationship? Hinde ko naman boyfriend yun ketek!”

“Tanga. Pag sinabi bang relationship, boyfriend agad? Di ba pedeng prends prends muna mga ganern?”

“Ah.” sagot ko. “Oo, kaibigan ko si kuya Ron. Medyo, medyo. Nagcha-chat din kasi kame sa facebook minsan, eto tignan mo congrats nga daw samin ni Palicpic oh. Ang supportive niya.” sabi ko habang pinapakita yung cellphone ko kung saan nakabukas yung app na facebook.

“Hmm.. weird ha. Ang martyr niya.”

“Martyr? Sinong martyr?” nagtatakang tanong ko.

“Wala! Walang martyr sige na mauna na ko.”

Micah’s POV

Gusto kong makita yung Leila. Baket? Wala, gusto ko lang makita yung babaeng dahilan kung bakit naparamdam saken ni Rence na wala akong kwenta sakanya, kahit yung friendship nalang sana namin eh.

Saturday ngayon, ngayon namin napagusapan magkita-kita.

Nasa isang café kame, sa loob lang ng village namin, yes ako pa dinayo nung babae. Batas ako eh.

Tinignan ko si Rence, ay hinde mapakali si tanga.

“Oh? Parang bothered na bothered ka?”

“H-ha? Hinde ah..”

Hindi nga ba? K.

After some minutes, biglang may babaeng pumasok. Hmm, payat, maputi, medyo matangkad.

Fine, maganda.

Pagkakita niya kay Rence bigla siyang nagsmile tapos tumakbo palapit rito. Nagyakapan sila tapos nagbeso habang nanatili akong nakaupo. Wow, ang rude ko naman.

Tumingin saken yung babae tapos ngumiti. Hinde pa rin ako tumayo tapos nakastraight face pa rin ako.

“You must be Micah.. Rence’s friend?”

I nodded, “Yeah” I answered plainly.

“I’m.. Leila.” She offered her hand for a handshake which I silently declined. Halata namang ayoko makipagshake hands kasi tinitigan ko lang yung kamay niya hanggang sa binaba niya nalang ito. Umupo siya sa tabi ni Rence tapos ako nasa harap nilang dalawa.

Spell mukang tanga.

“You’re pretty, ha.. I hope we could be friends.” She said. Hinde ako sumagot kaya nagsalita ulit siya, “Uhm, Rence, ano nga palang meron bakit ka nagyaya?”

“Mmm.. wala naman.”

“Ah namiss mo ko!” she said then started laughing.

Srsly? What’s so funny?

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon