WSD [31] - Uh oh...

66 2 0
                                    

Chapter 31

Faye’s POV

“Sino ba yang tinutukoy mo?” naiintrigang tanong ni Elmira.

“Si Vincent,” sagot ko. “Nagulat ka? Ako rin. Hindi ko inaasahan.”

Magsasalita pa sana siya pero tumalikod na ko at sumandal sa bintana. Oo nga pala, nasa harapan ko lang sina Nicole at Vincent. Parang gusto ko umiyak pero ayaw pumatak ng mga luha ko.

“Ok ka lang ba?” tanong ni Elmira.

Hinarap ko siya at ngumiti ng malaki. “Ok na ok.”

Sumandal siya sa upuan niya tapos nag-cross arms. “Hindi lang ako niloloko mo, pati pa sarili mo.” Hindi ako sumagot. “Nasan ba si Jerome?” tapos hinanap niya yung pwesto ni Jerome. “Katabi siya ng mga Niggas. Diba dapat nga.. ikaw yung katabi niya?”

Umiling ako. “Ayoko.”

“Bakit?”

“Hindi ko naman siya gusto.”

Ngumiti siya ng makahulugan sakin. “Parehas kayo ng sitwasyon ngayon ni Jerome. Siya, may gusto sa’yo. Ikaw, may gusto kay” Tinuro niya si Vincent. “Ibig sabihin, hindi lahat ng gusto natin makakuha natin.”

“Yung fact na hindi ako magugustuhan ni CK, in-accept ko na yun eh. Pero hindi naman ako sumuko. Nakakagulat lang talaga na parang nagkakamabutihan sila ni Terence, Samantalang sabi sakin ni Terence, wala naman daw siyang gusto kay CK.”

“Feelings and emotions change,” I shrugged. “Siguro ganon yung nangyari. At hindi sila lang sila nagkakamabutihan, dahil sila na.”

Nec’s POV

Huminto na yung bus sa school. Nakakalungkot lang isipin na pagkatapos ng isang buong araw na kasiyahan, darating at darating pa rin talaga yung punto na kelangan matapos ng kasiyahan na ‘yun.

“Uuwi na kame,” paalam namin.

“Kayo kayo lang?” tanong ni Jayson.

“Oo, duh.”

“Hatid ko na kayo,” offer ni Jerome.

“Wag na,” plain na sagot ni Faye. “Kaya na namin.”

“Hinde,” sabi naman ni Jayson. “Smoking Niggas, ihahatid natin ‘tong 1Week.”

“Sasama ko,” sabi ni Jerome.

“Ako rin,” sabi ni kuya Tyrone.

Hindi nagsalita si Michael Palicpic, pero nakikita namin sa expression niya na sasama siya.

Niyakap siya ni Timang, “Sweet mo talaga! Kaso try mo rin magsalita, ha!”

Magkakasama kaming 1Week, Smoking Niggas, yung tatlong lalaki pati Elmira at Nicole na naglalakad sa madilim na kalye papunta sa mga bahay namin. Kasabay ko si Panda maglakad at eto na naman yung feeling na bumabaligtad yung sikmura ko kahit hindi naman ako nasusuka. Baka hang over ‘to dahil sa mga pinagsasakyan namin kanina.

Pagkarating namin, pumasok kagad si Faye sa loob. Napatingin tuloy ako kay kuya Jerome. He doesn’t deserve being treated like this. Pero ganun talaga eh . . . life.

Nginitian ko siya. “Pagpasensyahan mo na si Faye, ah. Good night.”

Magggoodnight na sana ko kay Panda pero nakasimangot siya. Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Anong muka yan?”

“Wala, good night na.” sabi niya tapos nauna nang naglakad. Nagsisunuran na rin yung iba pagkatapos nilang magpaalam sa mga loveydoveys nila.

“Bye! Ingat kayo!” sigaw ni Kate tapos pumasok na kaming lahat.

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon