WSD [23] - Infatuation

91 2 0
                                    

Chapter 23

Micah’s POV

Lunch break na. hinde ako sumabay kumain sakanila kase may aasikasuhin ako.

Bago pa man makaalis si Kcron, hinila ko na siya papunta sa rooftop.

“Problema mo Micah?”

“Wala naman, may itatanong lang.”

Umupo ako sa may bench. Tinabihan naman niya ko.

“Ano yun?”

“Diba… nabanggit mo dati na may gusto ka kay Faye?”

“Ah oo, baket?”

“Eh si Leila? Anong nararamdaman mo kay Leila?”

Natahimik siya. Nakatingin lang siya sa sahig. Parang walang balak magsalita. Hinde rin ako umimik kaya sobrang tahimik talaga namen. Ilang minuto na ang nakalipas pero mukang wala pa rin siyang balak magsalita. Babasagin ko na sana ang katahimikan nang magsalita siya.

“Si Leila kase… siya yung babaeng gusto ko. Pero siya rin kasi yung gusto ng kaibigan ko. so, sila ni Rence nung naging kame rin. Sabi niya gusto daw niya hiwalayan si Rence pero ayaw daw ni Rence.”

“Wala akong magawa tuwing magkasama sila ni Rence. Parang gusto kong tapusin yung samin ni Leila kase kame lang naman nahihirapan pero hindi ko magawa. Siguro kase mahal ko siya.”

“Hanggang sa nalaman ni Rence na may relasyon din kame ni Leila.”

“Nagbreak silang dalawa. Saken tumakbo si Leila, sabi niya hindi daw siya masaya sa nangyare. Mahal daw niya ko pero mahal din niya si Rence. Dun ako napa-mura. Ang risky ng ginawa ko kasi mismong friendship namin ni Rence yung masisira, tapos siya ganon, gusto niya kameng dalawa? Shit lang.”

“Nakipagbalikan si Rence sakanya pero hindi niya tinanggap. Sabi niya masaya daw siya saken ngayon.. ayaw daw niya ko iwanan. Tapos nasabi kong nagkakaron ng kaclose si Rence.. napansin ko naman na hindi niya gusto yung idea na may malapit na babae kay Rence bukod sakanya. Ganon siya kaselfish.”

“Sabi ko ayoko na, ibabalik ko na siya kay Rence kasi alam ko naman kay Rence siya magiging masaya kahit masaket saken. Pero umiyak siya.. wag daw ngayon, wag daw muna. Ako na daw talaga eh.”

Kung ganon… bakit parang ang close pa rin nila ni Rence?

“Sabi niya kaya na daw niyang i-let go si Rence. Tingin daw kasi niya wala na talaga.”

Pagtingin ko sakanya, teary-eyed na pala siya.

Ang swerte naman nung Leila na yun.

“Baket? May gusto ka ba kay Rence?” natigilan ako sa tanong niya.

Oo nga, bakit nga ba ako affected?

Gusto ko ba si Rence?

Hinde naman.. diba?

Halos isang buwan pa lang kame magkakilala. Imposible namang magkagusto kagad ako sakanya.

Concern lang ako kasi ako yung napaglaruan, ako yung napagtripan.

“Hindi noh. Wala akong gusto kay Rence.” Sagot ko, “Ako kasi yung pinagpustahan niyo para sa babaeng yun kaya ganito ako.”

Napayuko siya, “Sorry.. ako naman talaga yung may kasalanan. Umayaw naman talaga si Rence pero ewan ko kung bakit bigla siyang pumayag.”

“Ok lang. nag-usap na kame, gusto ko lang talaga malinawan.”

After the “talk” bumalik kame sa room. Nandun na yung 1w pati SN tapos nagulat sila nung nakita nila kameng magkasama.

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon