WSD [7] - 6 New Classmates

200 6 1
                                    

Chapter 7

Faye’s POV

“Anak ng petchay!! Lumayo ka nga saken!” pinagtutulak ko si Vincent kase eeew! Sinukahan niya ko!! sa dibdib!! “Sa lahat ng pede mong sukahan bakit sa dibdib ko pa!? manyak ka ba hah?!” bigla siyang natumba sa sahig kaya inalalayan siya ng mga niggas niya habang ako diring-diri sa suka niya.

“Ang baho jongina!” Ivy

“Tara sa cr labs, kelangan mong magpalit.” Fatima

“Anong tingin mo dito sa bar, bahay naten?? May extra ba kong damit dito ha labs?!” sa sobrang inis ko kay Vincent pati si timang nasigawan ko.

“Wag mong sigawan si Fatima, Faye, mas matanda pa rin yan sayo.” Saway ni Terence.

I brushed my hair out of frustration tapos nagmadaling pumunta sa banyo. Binasa ko yung sarili ko.. as in basa. Para paglabas ko sa bar muka lang akong nagswimming, kesa lumabas ako ng may suka sa dibdib!

“Ugh! Nakakainis!” reklamo ko.

Biglang nagbukas ung pinto ng cr, si Fatima pala.

“Labs… sorry.” Sabi niya.

Hinde ko siya tinignan, binasa ko lang ng binasa ung dibdib ko tapos tumingin ako sa salamin. Pagkakita ko sa reflection niya nakapout siya. Humarap ako sakanya.

“Ayos lang. sorry rin. Ang immature ko yata.”

Nginitian niya ko tapos niyakap niya ko. “samahan ka na namin sa room naten magpalit.”

“hinde na.. kay Nec nalang tutal siya naman kasama ko sa room.”

Lumabas na kame ng cr tapos nagpasama ko kay Nec sa kwarto namen para makapagpalit ako.

“Grabe wrong move si Vincent sayo.” Sabi niya habang nakaupo sa kama tapos ako naghahanap ng damit.

“Talaga! Talagang wrong move! Nako patay talaga saken un!”

Tumawa siya. “akala ko pa naman magiging friends na tayong lahat.. pero Pepay, lasing un. Wag mo nang patulan ung lasing na yun.”

“wala akong pake! Basta yari siya saken!”

Bumalik kame sa bar pagkatapos kong magshower at magbihis. Nung nakita ko si Vincent nakatungo na siya sa may upuan. Sa sobrang lasing siguro nakatulog na. Iinom inom kase hinde naman pala kaya! Nasstress yung bangs ko sakanya ha!

“oh andito na kayo.” Sabi ni Rence. “Dito ka sa tabi ko, Micah.” Umupo naman si Maknae sa tabi niya tapos umupo si Nec dun sa kaninang ino-occupy na seat ni Micah. napataas yung isang kilay ko. ano ‘to? May namamagitan ba sakanila? Since ang available seat nalang ay sa tabi ni Vincent, dun na ko umupo. *insert poker face here*

Tss.

Tss.

Tss.

Bored na nakaupo lang ako dito habang nag-uusap ung mga lalake. Ang 1week? May sari-sariling mundo. Nag-iinom si Fatima, Ivy at Nec (hinde naman matapang iniinom nila) tapos si Kate nainom din, ng orange juice. Si Terence nagccellphone, at si Micah… kausap si Rence.

Within Seven DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon